CHAPTER 23

36 1 0
                                    

CHAPTER 23

"Nasa'n na si Eiji?" Naiinip kong tanong kay Mina sa hapag-kainan. "Meron na lang kaming ilang minuto para mag-breakfast, pero ang tagal niya?" 

Napakamot si Mina sa ulo niya. "Ang alam ko ay nagbibihis lang siya." 

Napakrus ako ng braso sa upuan at tinaasan siya ng kilay. "Wala na ba siyang masusuot? Bakit ang tagal naman yata niyang magbihis?" 

"Imposibleng wala siyang masuot. Dalawa ang aparador niya at halos hindi pa magkasya ang mga damit niya. Gusto niyo bang pasukin ko na ang kwarto niya?" 

Napalabi ako at umiling. Huwag na lang, paano na lang kung makita niya pang nakahubad si Eiji? Tsk! 

Sinenyasan ko siyang umupo sa isang gilid ng upuan, kaharap sa upuan ni Eiji. May pagtataka naman siyang sumunod at naupo ng maayos. 

"Sumabay ka na sa breakfast namin ni Eiji pagdating niya." Tumikhim ako. "May dapat din akong sabihin sa'yo." 

"Ano 'yun, Miss Llewellyn?" 

"About kay kuya..." Napasinghap siya kaagad ng hangin kaya't kaagad kong tinuloy ang sinasabi ko. "Babayaran kita ng five times ng sweldo mo! Plus one week of vacation, sagot ko na lahat-lahat ng gastos!"

Unti-unti niyang natikom ang nakaawang niyang bibig at pinaningkitan ako ng mga mata. “Anong dapat kong gawin?”

“Just be his personal maid for three weeks.” 

Puwersado siyang napatayo. “THREE WEEKS?! Bakit gano’n katagal! Mas gugustuhin ko pa na utusan niyo ‘kong magpasagasa kaysa maging personal maid niya nang gano'n katagal!”

Puno ng pagtatanong ko siyang tininagala. “Talaga ba? Kaya mo?”

Mariin siyang napapikit at napabulalas. “Kahit na figure of speech lang ‘yon, ang akin lang, ayaw kong maging katulong ni sir Llewellyn sa loob ng tatlong linggo. Para kaming tubig at langis na hindi compatible sa isa’t-sa!”

“Come on, Mina! Hindi ba’t kailang-kailangan mo ng pera para sa kapatid mo? You’ll get three hundred thousand just for being his personal maid for three weeks! Ayaw mo pa?”

Lumambot ang ekspresyon sa mukha niya at saka nagpakawala ng malalim na hininga. “Kailan ba ako magsisimula?”

Nakahinga naman ako ng maluwag. “Sasabihin ko sa’yo once tumawag na siya sa’kin para kunin ka. Mas mabuti na rin kung ngayon pa lang maghanda ka ng mga gamit na dadalhin mo papunta sa mansyon niya.”

Bumagsak ang balikat niya at pawang nanghihina na napaupo muli sa upuan. “Masusunod, Miss Llewellyn.”

“Aw, come on, Mina! It’s not the end of the world. Hindi naman masamang tao si kuya. Buksan mo lang ang puso mo sa kaniya, and you’ll see how he’s head over heels for you!”

“Ha!” Pumangit ang ekspresyon sa mukha niya. “Isa siyang kriminal, paanong hindi siya masamang tao, Miss Llewellyn? Siguro para sa’yo dahil ikaw ang kapatid niya. Pero hindi mo kasi alam…” Kinagat niya ang ibaba niyang labi at napaiwas ng tingin. “Nevermind.”

Nagsalubong ang kilay ko. “Anong hindi ko alam? Is my kuya harassing you or something? Did he touch you in ways you didn’t like? Pwede mong sabihin sa’kin, Mina at ako mismo ang–”

“Hindi!” Sunod-sunod siyang umiling at pinutol ang sinasabi ko. “Hindi po sa gano’n, Miss Llewellyn. Sadyang sa palagay ko lang ay hindi kami magkakasundo ni Sir Llewellyn kaya gano'n. "

Muli akong napahinga ng maluwag. Kilala ko si kuya, marespeto siya pagdating sa mga babae at animo’y santo na hindi nilalapat ang kaniyang daliri sa iba ng basta-basta. Pero dahil ganito na lang siya kung makaakto kay Mina, hindi ko rin palalampasin kung may ginawa siyang masama sa kaniya.

DESIRING THE SUBMISSIVE SLAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon