CHAPTER 18
“Nakakapanibago! Ang init sa Pinas!" Bulalas ni Mina pagkapalag namin sa aerodromes.
“Kaya nga, sayang naman, ‘tong makakapal na jackets, tatlong araw ko lang nasuot!" Busangot pa ni Yssa.
“Imposible! Kung mapapaburan ka ulit ni Miss Ophelia, madalas mo ‘yang masusuot! ”
“Kyaah~ I’ll do my best, Miss Ophelia! Lahat talaga gagawin ko mapaglingkuran lang kayo!" Todo ang ngiting pagharap sa akin ni Yssa.
Napalabi ako at binilisan ang paglalakad dahilan upang mapag-iwanan sila. Marahil batid ko nang siya na ang makakasama ko sa susunod na mga buwan o taon. Kung sa performance niya ang pagbabasehan, masipag siya at alerto sa mga bagay-bagay. Hindi rin niya inuuna ang sarili niya, kundi ako at si Eiji sa buong trip. Pagdating naman sa pag-uugali, hindi rin siya nagpapakita ng masamang attitude. So far, walang problema.
“Eh? Mukhang matamlay na naman si Eiji! Dapat pala nagbo-bonamine ka dahil mahiluhin ka sa biyahe!” Pagkausap naman niya kay Eiji sa likuran ko.
Ako ang nangunguna sa paglalakad patungo sa exist, habang nakasunod naman silang tatlo sa akin, at may mga crew na siyang nagbubuhat ng mga maleta at kagamitan patungo sa van.
"No, I’m fine. Napagod lang,” Rinig ko ang nanghihinang tinig ni Eiji, at hindi maiwasan ang pagtaas ng gilid ng labi ko.
“Namumutla ka, oh! Teka? Ano ‘yan? May mga namumulang pantal sa leeg mo!" Bumakas ang pag-aalala sa boses ni Yssa at naalerto naman ako sa sinabi niya. “May nakain ka ba na allergic ka? ”
“Wha–ah! No, no! Please don’t mind me; I’m completely fine!" Eiji's seemed flustered.
“Mina, tingnan mo! ‘Di ba mga pantal ‘yan? Namumula na ang leeg niya masyado!”
“Patingin?" Kuryosong sambit ni Mina at narinig ko pa ang biglaan niyang pag-ubo. “Ehem! Ang sama naman ng may gawa nito!”
“Huh? So allergy?"Inosente paring komento ni Yssa.
"P-Please stop looking! ”
Palihim kong nahilot ang aking sintido at bahagya silang nilingon habang naglalakad. “Eiji, come here.”
Namumutla man ang mukha niya ay kitang-kita ang pamumula ng kaniyang dalawang tainga habang nakatakip ang dalawa niyang palad sa kaniyang leeg. Napatingin siya sa akin nang marinig ang pagtawag ko at dali-daling naglakad papalapit sa akin.
“Tsk! You don’t need to hide it.” Singhal ko pa, pagtukoy sa chikinini niya. “That’s my mark; is it embarrassing? ”
Napaintag siya at kaagad na umiling-iling. Binaba niya ang mga kamay niya, at pinamumulahan ang mukhang sinalubong ang paningin ko. "N-No…I like them."
Pinigilan ko ang pagtataas ng labi ko at seryosong sinabi. "Then you should embrace them. You didn’t know how many men out there are begging to sleep with me.”
Well, most of them only want my wealth and power, but they absolutely flex it to others when I give them even a bit of attention.
Nakita kong natigilan siya at napaiwas ng tingin. “Do you… also mark them?”
Tumaas ang isa kong kilay. “I would never do such a terrible thing.” Those scumbags? Gross! Not for my entire life, and even with my next life, I swear!
Muli siyang napatingin sa akin at hindi nakatakas sa paningin ko ang pagkislap ng mga mata niya. “I think no one is ever deserving to be owned by you, Miss Ophelia.”