CHAPTER 16

38 2 0
                                    

CHAPTER 16

"Wow! I can’t believe you’re also into something like this, Miss Ophelia!" Tuwang-tuwang sabi ni Eiji habang namamsyal kami sa night market. "Everything is cheap here! I think this place doesn’t suit you at all."

Napasinghal ako at napatawa. "You just didn’t know. I’m rebellious as a teenager, and I often go to places like this."

Thinking about it now, it's no wonder I was always harassed by many people. Hindi mawawala sa’kin ang pagiging sosyal at mayaman ko na isang tingin lang nila, alam na nilang mapera. At dahil madalas akong mapag-isa, mas madali akong napapahamak.

"Gusto ko nu’n!" Nagsimula na siyang magturo na mas lalo kong kinatawa.

Hindi gaya sa mga night market sa Manila, mas matitingkad ang mga ilaw na ginagamit ng mga vendors sa Beijing, at lahat ay organized. Halos iisa lang sila ng tema na talaga namang nakakaakit sa mata. Naghahalo-halo rin ang mga masasarap na amoy ng mga pagkain mula sa iba’t-ibang stalls na maging ako ay natatakam.

Napakarami ding tao ang naglalakad-lakad ngayong gabi sa kabila nang lamig ng panahon. Halos mapuno ang kalye ng mga tao at silang nag-uunahan sa pagbili ng mga pagkain. Talagang masigla at buhay na buhay ang paligid sa tanawing iyon.

"My childhood wish is to eat many delicious street foods!" Hindi na maalis ang kinang sa mga mata niya nang pumunta kami sa isang stall kung saan nakabalandra ang iba’t-ibang klase ng mga street foods.

Kakaunting pagkain lamang ang kilala ko sa mga ito at natikman ko na kahit na hindi ko alam ang tawag. Kaagad din kaming in-entertain ng vendor sa salitang Chinese na hindi ko rin naman maintindihan. Bahagya pa akong nagulat nang magsalita si Eiji sa kaparehong lenggwahe at sila ang nag-usap ng tindero.

Maya-maya’y kumuha siya ng malaking stick ng pagkain at inabot iyon sa akin. "You can try this, Miss Ophelia."

"Sure," 

Dahil kape lang ang laman ng tiyan ko maghapon na kausap si Verena ay makailang beses akong kumuha ng mga pagkain. Ang pinaka-nagustuhan ko ay ang pork dumpling. Habang pinapanood din si Eiji na maganang kumain ay may napagtanto ako.

"Hindi ka na mukhang aligaga ngayon, ah? Kampante ka na ba na hindi kita ibebenta?" ngisi ko pang tanong.

Kamuntikan siyang mabulunan kung kaya’t mabilis kong inabot ang malamig na inumin. Tinungga niya iyon bago tumuon sa akin nang may nahihiyang itsura. "I know you won’t sell me now. Sorry po sa pag-iisip ng gano’n…."

"Nah, it’s only natural for you because of your background in this country." I paused before continuing. "Do you hate China?"

Napaintag siya at umiling. "I don’t hate it. I only hate the Chinese people in slavery for what they have been doing to us."

"Is that so?" I lowered my gaze and became serious. "Where exactly is the location you’ve been sold to?"

Sumubo siya ng pagkain saka tumugon. "Xinjiang."

"Do you remember the names of the people related to your slavery?" Simple kong tanong at muli siyang tiningnan.

Sumama ang mukha niya at nanggigigil na kumagat sa pagkain saka muling tumugon. "I can name them all!" Nagbibilang siya sa kaniyang kamay. "Bai Qiang, Liu Yu, Huang Lin, Boss Shu, Cheng Songer, Daniel Wu, and Feng Lin!"

Pinigilan ko ang pagtaas ng sulok ng aking labi. "Who’s the boss of them all?"

"It’s Boss Shu, that old man!" Walang pagsususpetya niya pang sagot sa akin.

"Hmm… okay then, continue eating," tumingin ako sa mga pagkaing hindi niya pa nagagalaw. "Try all of these, and we’ll continue strolling."

"Yes!" Nawala ang pagkalukot ng mukha niya at nagsimula muling kumain.

DESIRING THE SUBMISSIVE SLAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon