CHAPTER 06

345 23 0
                                    

ERION

Monday

Nami-miss ko na si Dana baby dahil hindi kami nakapag-usap o maski nakapagkita kahapon. Inaalala ko na lang ang naging date namin noong sabado para hindi ako malungkot sa trabaho. Buti na lang lunes na ngayon at may pasok na naman, makakasama ko na siya ulit sa wakas. Nag-ayos agad ako para makapasok na dahil nananabik na ako sa kaniya, magiging saksi ang school sa panimula ng pagmamahalan namin. Hindi ako nangangarap dahil nagsasabi lang ako ng katotohanan at walang makakapagreklamo kahit sino pa 'yan. Forever na namin 'to ni Dana baby at hindi siya makakatanggi sa akin dahil aakitin ko siya. Nakangiti lang ako habang papunta sa school dahil sa sobrang excitement sa kaniya, at naisip ko na higit na sa crush 'to dahil nagugustuhan ko na siya. Nang makarating ay agad akong tumakbo pagkatapos kong bumaba sa motor, muntikan pa akong lumampas sa bilis ng pagtakbo ko at narinig ko naman ang pagtawa nila.

"Bakit kaya nagmamadali itong si Erion?" Nang-aasar at natatawang tanong ng mga kaklase ko. Ngumiti lang ako sa kanila bago lumapit kay Dana baby at nakita kong nakatingin siya sa akin habang natatawa rin.

"Masyado mo ba akong nami-miss para magmadali ka?" Mapang-asar niyang tanong sa akin. "Hala, bakit mo alam?" Kunwaring nagulat kong tanong pabalik. Natawa siya at bigla akong kinurot sa ilong, napangiti ako sa kaniyang ginawa at bigla kong hinawakan ang kamay niya.

"Hoy bitiwan mo ako!" Pagpupumiglas niya sa akin habang tumatawa nang malakas. Grabeng saya 'to, kinikilig talaga ako. Kiniliti ko siya kaya naman rinig na rinig sa buong room ang pagtawa at pagsigaw niya. "Naglalambingan 'yong dalawa oh," panunukso nila sa amin. Hinila ko siya palapit at bigla siyang napakandong siya sa akin.

Lagot. May nagising.

"Uyyy!" Nag sigawan ang mga kaklase namin habang ako ay kinakabahan dahil agad siyang tumayo at sinapak ako sa braso. "Bwisit ka! Naramdaman ko 'yon!" Gigil niyang sigaw habang patuloy na sinusuntok ang braso ko pero bago pa niya akong masuntok ulit ay dumating na si Ma'am Balloon. "Class, dahil sa nalalapit na intrams ay magkakaroon ng iba't ibang tryouts sa sports." Tinignan niya kami isa-isa bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Wala kayong gagawin ngayong umaga maliban sa pagpapalista kung saan kayo magta-tryout at mamayang hapon na agad ang simula nito, sa mga gusto sumali ay isulat lamang dito sa papel na papaikutin ko ang pangalan niyo at sports na inyong gusto." Inabot ni ma'am sa harap ang papel pagkatapos niyang magsalita.

"Sali ka doon Dana baby," masaya kong sabi saad.

"Ayaw ko, marunong lang ako sa sports pero hindi naman ako magaling," pailing-iling niyang sagot sa akin.

"Dali na, alam ko na kayang-kaya mo 'yon," pamimilit ko. Nag-isip siya nang matagal bago umiling ulit sa akin.

"Sasamahan kita mag-practice kaya sali ka na." Nagpaawa ako habang magkadikit ang mga palad ko. Umirap naman siya sa akin habang natatawa at tumango-tango sa akin. "Yehey!" Parang bata kong sigaw kaya napailing na lang siya. Sinulat niya agad ang pangalan niya at ang sports na kaniyang sasalihan. Sinilip ko kung ano 'yon, at napangiti ako nang makita ko. Volleyball. Makikita ko siyang naka-short.

"May kalokohan ka na namang naiisip, no?" Nagdududang tanong niya sa akin. Mabilis akong umiling sa kaniya dahil good boy kaya ako rito. Pinanliitan niya ako ng mata habang nakatitig nang matalim sa akin at napilitan akong magsabi.

"Oo na, oo na. Naisip ko lang na makikita kitang naka-short," nakanguso kong pag-amin sa kaniya at hinampas niya ako habang pinipingot ako sa tainga.

When the Light Fades Away (When The Series #1) | UNDER REVISION | ON HOLD Where stories live. Discover now