Author's note: Kung nagtataka po kayo kung bakit putol yung chapter 11 ay kasalanan po ni watty dahil nagloko ata nung pinost ko yung chapter 11 kaya naputol at sensya na kung ngayon ko lang na ayos yung kasunod.
=========================================================
.... Kapag nakikita ko s'ya 'di ko ma iwasang bumilis yung tibok ng puso ko dahil sa nerbyos. Umupo na rin ako sa pwesto ko. Nang dumating na ang teacher namin pinilit ko munang isang tabi ang lahat at makinig muna sa teacher namin.
Lumipas ang lunch break at iba pang mga subject namin na tila tulala lang ako sa mga oras na yun. Minsan nga kinakausap na ako ng iba kong kasama pero 'di ko sila pinakikinggan at sa tuwing may tanong sila 'Oo' lang ang sagot ko kahit hindi ko naman na rinig yung tanong nila. Uwian na ngayon at handa na ako sa kung ano mang mangyayari.
"Ahmm Owdei" tawag ko sa kanya. Kasalukuyang syang nag aayos ng gamit nya.
"Hmm?"
"P-pwede ba tayong mag-usap? Yung tayong dalawa lang?"
"Sige" sabi nya at ngumiti s'ya sa akin. Pumunta kami sa garden ng school. Walang mga estudyanteng dumadaan dito ngayon dahil uwian na rin.
"Anong pag-uusapan natin? Mukhang importante yan ah" hindi ako sumagot sa kanya. Tiningnan ko lang sya at saka ako umimik.
"Sa totoo lang kahit ayokong sabihin sayo yung totoo, wala akong magagawa tungkol dito eh. Umaapaw na kasi dito" sabi ko sabay turo sa left chest ko.
"Bago pa tayo naging malapit sa isa't isa nararamdaman ko na 'to kaya nung naging malapit tayo ang saya saya ko noon at dahil dun lalo lang tumitindi 'tong nararamdaman ko" base sa reaksyon nya mukhang nakukuha na nya kung anong pinupunto ko. Siguradong sanay na s'ya sa ganitong eksena. Sa dami ba naman nagkakagusto sa kanya.
"G-gusto kita Owdei" sabi ko at yumuko lang ako dahil nahihiya ako. Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Naghihintay ako kung anong isasagot nya. Kahit hindi naman tanong ang sinabi ko gusto kong marinig ang response nya. Gusto kong malaman kung rejection ba ang aabutin ko?
"Salamat Indri" napatingin ako sa kanya. Medyo nag light up ang mood ko doon sa sinabi nya
"Salamat sa pag amin and it's my pleasure to be your crush. Pero kasi Indri, mukhang 'di ko mababalik sa ngayon yang kung anong nararamdam mo para sa akin." ang mga salitang yun na halos magpabagsak sa akin sa lupa. Pinilit kong ngumiti sa harap ni Owdei
"Sorry Indri"
"Nah di ko naman ine-expect na magkakagusto ka rin sa akin. Saka... Hindi naman dahil nag confess yung tao na may gusto sayo ay kailangan mo na rin sya gustuhin. Gusto ko lang malaman mo saka gumaan na rin yung pakiramdam ko ngayon na umamin na ako sayo. Noon kasi feeling ko may kasalan ako dahil ang bigat sa pakiramdam. Salamat sa pakikinig Owdei" tumalikod na ako sa kanya
"Indri sana kahit anong mangyari 'wag mo kong lalayuan" lumingon ako sa kanya
"'Wag kang mag-alala hindi kita lalayuan. Magkaibigan pa rin naman tayo after all diba?" tumango sya at ngumiti sya sa akin. Ngumiti din ako sa kanya at naglakad na ako palayo. Dinala ako ng paa ko sa locker area at nakita ko doon ang di ko inaasahang tao. Ang taong nagtulak sa akin para umamin. Tamang tama lang ang timing dahil walang tao dito.
"Loewy..." tawag ko sa kanya. Tinigil n'ya ang pag-aayos sa locker n'ya at lumingon sa akin.
"Uuwi ka na ba?" tumango lang s'ya. Pumunta ako sa tapat ng locker ko na katabi lang ng locker n'ya.
"Pwedeng sumabay sayo?" gusto kong sumabay sa kanya dahil baka mamaya malagpasan ko na naman ang lugar namin dahil tulala ako. Pinipilit kong maging maayos sa harap n'ya dahil baka mamaya sungitan pa ako nito. Tumango lang sya bilang sagot. Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin. Sumandal lang ako sa locker habang hinihintay ko syang matapos sa pag-aayos.
BINABASA MO ANG
Seeking For His Attention (ONGOING)
Teen FictionYou're in love with someone who doesn't love you back. You will cry and you will wonder "Bakit hindi na lang ako?". Unrequited love is a painful thing. But have you even ask yourself this: "Why would you want to be with somebody who doesn't want to...