SFHA #1

2.1K 49 4
                                    

"Ms. Indriana Daquiz!"

"Ay matandang hukluban!" bigla na lang lumabas sa bibig ko yan dahil sa pagkabigla.

"what did you say, Ms. Daquiz?"

"nothing ma'am" sabi ko

tsk talaga 'tong matandang 'to kahit kailan ako lagi ang puntirya nya dahil siguro hindi ako nakikinig sa subject nya na History! Nakakatamad kaya puro na lang reporting yung pinapagawa nya tapos pag nagpa test yan bibigyan ka nya ng pointers to review na 100 pages sa book! Tapos imbis na ako na lang ang mag introduce sa sarili ko sa inyo eh na unahan na nya ako! Ka asar! Di pa kaya sya mag resign!

By the way, tulad ng pinaka unang binasa nyo sa chapter na'to ako si Indriana Daquiz. Grade 12, 18 of age. Hmmm paano ko ba idi-describe sa inyo ang sarili ko. Hindi naman ako kagandahan kumbaga di ako pangit at hindi rin naman maganda. Height ko ay 5'4 atleast hindi ako napag iwanan sa height. Average din ang status ng buhay ko, may sariling bahay kami, nakakain naman ng tama sa oras at may negosyo din kami pero hindi naman ganun kalaki yung kinikita para masabing mayaman talaga kami.

"okay class get one forth sheet of paper we'll have a short quiz for what we tackled for today" kumuha ako ng papel sa bag ko

"Indri! Pahengeng huwanport!"

"ako din Indri!"

"pahingi din ako!" yan ang sunod sunod na narinig ko galing sa mga classmate ko. Ako naman na walang magawa kundi bigyan sila at baka masabihan pang madamot ako. Siguro mga 3/4 ng klase binigyan ko ng papel at sa huli saktong dalawang piraso na lang ng papel ang natira sakin. Hay bakit kasi hindi sila bumili ng papel nila! Hindi naman kasi ako factory ng papel noh!

Napatingin ako sa may likuran kung saan nandun ang pwesto ni Owdei Pangan, ang dahilan kung bakit lagi akong nag di-daydream. Hmmm kilala sya sa school dahil isa sya sa mga Student Council, matalino sya, gwapo sya pero sakto lang yung pagiging gwapo ang at mabait kaso lang walang tumatagal na relasyon yan. Siguro ang pinakamatagal na nakarelasyon nyan ay 4 months?. Ewan ko ba kung bakit andaming nagkaka crush sa kanya at isa ako sa mga yun. Siguro dahil na rin sa personality nya.

"Pahingi nga akong papel" sabi nya dun sa katabi nya ang kaso isa din yun sa mga nanghingi sakin.

"dun kay Indri ka maghingi!" sabi nung kabarkada nya na si Chris. Yes chance ko na to para kahit papaano mapansin nya ako.

"Owdei oh papel" sabi ko at kinuha nya yun saka na sya umupo.

"Thank you Indri!" sabi nya saka nya ako nginitian. Tinanguan ko lang sya at saka na sya umupo ulit at ako umayos na din ako ng upo. Gash kilig much ako! >///< ayaw kong sabihin kahit kanino na crush ko si Owdei dahil paniguradong aasarin lang ako. Ayaw na ayaw ko pa naman na ganun kasi paniguradong magkakailangan kayong dalawa.

"oy Indri! Ang laki ng ngiti mo ah! Konti na lang kamukha mo na si Joker sa batman!" asar sakin ni Cheryzze (pronounce as 'cheriz') isa sa mga bestfriends ko. Dalawa kasi sila.

"baliw na talaga tang si Indri, Che (nickname ni Cheryzze) kaya wag mo na lang pansinin" sabi naman ni Gennilyn. Sya yung isa kong bestfriend. Hindi ko na lang pinansin yung dalawang sira ulo.

Natapos na yung subject naming history at ang next subject namin ay English which is class adviser namin ang teacher. Favorite teacher ko yan dahil nakiki ride sya sa mga student nya.

"okay Abad Santos (class section namin) I'm going to rearrange your seating arrangement because other teachers complaining about your noise. I need to separate you all with your friends, so we can lessen the noise"

"awww" yan ang halos sagot namin.

She start rearrange our seats. Si Cheryzze na punta sya sa may bandang teachers table at yung expression nya nakabusangot dahil ayaw nya ang pwesto nya. Syempre di na sya makakadaldal nyan. Tinawan ko lang sya at tinaasan nya ako ng kilay. Nabigyan na ang lahat ng bagong seat at ako wala pa. Five seat pa ang natitira. Tiningnan ko kung sino pa ang mga wala pang upuan at nakita ko si Owdei na isa sa wala pang upuan.

"Owdei please take a sit next to Ms. Ligaya" naglakad na sya papuntang seat nya. Tsk bakit sa lahat pa ng dapat nyang makatabi dyan pa sa higad na yun! Tsk si Dem Ligaya ay isang flirt dito sa classroom. Lahat na lang ata ng boys dito sa campus gusto nyang dikitan

"Indriana please take a sit next to Owdei"

"huh? Kay Owdei po?"

"yes? Is there any problem about that?"

"nothing Ma'am" waaaaah totoo ba tong nangyayari ngayon? Magkatabi na kami ng seat ni Owdei! Kyaaaaaaah! Kung panaginip lang 'to please wag nyo na akong gisingin.

"hey namumula ka?" sabi ni Owdei

"h-huh?" hinawakan ko yung pisngi ko at ramdam ko ang pag init nga mga ito.

Pagkatapos nun hindi nya na ako kinausap ulit dahil si Demonyita I mean si Dem na yung ka usap nya at mukhang nag eenjoy naman sya sa pagkikipag usap dito

Alam ko naman na wala akong panama dyan kay Dem dahil sexy sya at mas maganda pa pero sa ugali wala, nevermind lang ang masasabi ko.

"Hoy Indri!" napatingin ako kay Gennilyn. Katapat ko lang yung pwesto nya.

"Oh bakit?"tanong ko

"Naka kunot yang noo mo"

"tsk tingnan mo kaya si Demonyita"sabi ko at tumingin sya kay Dem

"Wooooh yung mga madikit dyan dinaig pa yung glue!" sigaw ni Gen. Wala na naman yung teacher namin kaya di sya nasita.

"Oo nga! Hindi lang basta glue Gen, linta! Linta talaga!"sigaw ni Che mula sa upuan nya. Lakas din makasagap ng Wi-fi nitong babaeng 'to eh

Nanahimik na lang ako. Nakaka inis! Na iinis ako kay Dem at sa sarili ko. Bakit ang dali dali lang para sa kanya na kausapin si Owdei? Pero bakit ako di ko makayang kausapin siya ng diretso. Di ako makatingin ng maayos sa kanya at di din ako makakilos ng maayos. Arrrrrg! Nakaka inis! Ayoko ng ganito!

Isinantabi ko muna yung inis ko. Nakinig na lang ako kay teacher

"Haha Owdei naman hahaha" naririnig kong tawa ni Dem. Putik nakaka distract sila sa pakikinig ko although wala naman talagang pumapasok sa utak ko.

*kalbit* *kalbit*

"oh?" bulong ko kay Loewy Bert Mesina, siya yung katabi ko sa rightside ko

"Ang ingay nila noh?"

"Oo nga" sabi ko

"Tsk! Crush mo sya noh?" tanong nya habang nakatingin siya sa harap kung saan nagdi-discuss si teacher

"huh?"

"Crush mo si Owdei"

"H-huh? A-anong sinasabi mo?"

"Obvious naman eh"

And that day, may nakakaalam na tungkol sa pagkakaroon ko ng crush kay Owdei. Pero nakakapagtaka paano nalaman ni Loewy ang tungkol dun? Ganun ba ako ka obvoius? Kung ganun ako ka obvious bakit wala man lang nagsasabi sakin?

----------------------------------------------------------------

Killerheart01-- Hello po! This is my 4th story and please po suportahan nyo po 'tong bagong story ko! ^_^ Leave a Comment ! :) 


Seeking For His Attention (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon