SFHA #7

519 15 2
                                    

*Kinabukasan*

Nasa bus stop na ako at naghinhintay para sa next bus na titigil dito. Hindi rin naman nagtagal ang paghihintay ko doon dahil may dumating naman agad. Papunta ako ngayon sa school para tumulong sa pagliligpit sa mga kalat kahapon sa school fest.

***

*Sa School*


Pagdating ko ng school dumaretso na ako ng classroom dahil paniguradong late na naman sina Cheryzze at Gennilyn. Mga kogkog yun kaya hindi na ako umaasa sa kanila sa mga ganitong trabaho, Kapag pa  naman sinumpong ng katamaram yung dalawang yun hindi mo na sila mapipilit.

Pagpasok ko ng classroom unang nahagip ng mga mata ko ay si Owdei na nakikipag-kwentuhan sa mga barkada n'ya

"Indri! Andyan ka na pa" sigaw ni Neo mula sa pwesto n'ya

"Obvious?" pamimilosopo ko habang nakangiti. Sanay na halos ang mga classmate ko sa'kin. Palabiro kasi akong tao pero alam ko yung biro na nakakatawa at birong nakakasakit at yun ang hindi ko ginagawa.

"Hindi nga eh" sabi naman ni Neo. Lumapit ako sa grupo nila Neo. Magbabarkada sina Neo, Peachy at Jemimah. Actually apat sila ang kaso nag migrate na sa Italy.

"Hi Indri" bati sa'kin nung dalawang babae (which is sina Peachy at Jem)

"Hello" bati ko sa kanilang dalawa sabay belat.

"Oyy, Indri! May tanong ako" sabi ni Peachy sabay hampas sa braso ko

"Kailangan mamalo!? Ayoko ngang sagutin! Tse!" 

"ay taray! Ihhh! Seryoso na talaga!" sabi n'ya

"Bakit nagpapatawa ba ako?"

"Ihhh! Indri naman eh!" sabi ni Peachy at mukhang magtatampo na s'ya. Ang bilis n'ya kasing nagtatampo. 

"Hahahaha sige na nga. Nakakaawa na naman eh!"

"Sino yung lalaking kasama mo kahapon? Boyfriend mo yun?" tanong ni Peachy

"Lalaking kasama!? Boyfriend!? Wala pa akong naging boyfriend!" medyo na pa lakas ang boses ko dahilan para mapatingin ang ibang kaklase naman at nag peace sign na lang ako sa kanila

"Sira! Yung kasama mo kahapon sa table 7!"

"Ahhhh! Si Kuya pala ang tinutu--" ayan na naman sila sa hindi pagpapatapos sa sinasabi ko.

"ANO KUYA MO YUN!?" sabay  na sabi ni Jem at Peachy at sabay pa talaga sila sa pagtayo

"uh-huh! Saka pwede ba umupo nga kayong dalawa!" umupo naman silang dalawa pagkasabi ko noon.

"Bakit ba gulat na gulat kayo?" takang tanong ko sa kanila

"kyaaaah! Chy! Narinig mo 'di n'ya boyfriend!" sabi ni Jem habang mahinang pinapalo n'ya si Peachy

"Oo! Kyaaaah! Tapos kuya n'ya pa! kyaaah!" okay! Hindi na nila ako pinansin! Si Neo naman ayun tinitingnan lang yung dalawa. Nagpapaluan pa yung dalawa, napatingin ako kay Neo na iiling-iling. Hahahaha! Alam ko naman na selos yan eh! Hahaha!

"Pero Indri..." napatingin ako kay Jem

"Oh?"

"Paano mo naging kuya yun?" napataas tuloy ang isa kong kilay.

"What do you mean?"

"As in kuya mo talaga s'ya?" tanong n'ya ulit

"Oo! Anak s'ya ng mama ko at ng papa ko kaya kuya ko s'ya. Bakit ba? Parang di kayo naniniwalang kuya ko 'yun!"

Seeking For His Attention (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon