Cheryzze Narciso's Point of View
The Fudge! Nakita namin si Indri na naka-upo sa sahig at takot na takot s'ya. Nanginginig s'ya sa sobrang takot at ang mukha n'ya basang basa dahil sa luha at sa pawis na rin. Iyak pa rin nang iyak si Indri. Sa tagal ko s'yang kasama ngayon ko lang s'ya nakitang takot na takot at ngayon ko lang s'ya nakitang umiyak ng ganyan ka grabe. Jusme! 'Wag naman sana matrauma 'tong babaeng 'to.
"Guys! Ano yan?" hindi ko pinansin kung sino yang nagsalita. Lalapitan ko na sana si Indri nang...
"Anong ginawa n'yo kay Indri!?" biglang lumapit si Owdei kay Indri.
"Indri,okay ka lang?" gusto ko sanang barahin 'tong lalaking 'to kaso mas mabuti ng 'wag na lang dahil ganito ang sitwasyon namin ngayon.
"Tara na Indri" sabi ni Owdei at pinasan n'ya sa likod si Indri at nilayo n'ya sa amin si Indri.
"Grabe maka-reak si Owdei ah!" sabi ni Joyce
"Oo nga! Sila ba ni Indri?" tanong ni Peachy
"Hindi ah! Pero my gash kinikilig ako sa kanila!" sabi ni Gennilyn
"Ano nang gagawin natin kay Indri n'yan masyado ata natin s'ya natakot" sabi ni Sofia
"Oo nga! Ikaw kasi Allen eh!" pagbibintang ni Neo kay Allen
"Oo nga! Tinakot mo kasi Allen" nakisali pa 'to si Jerico.
"Oh! Ako na naman! Nakisali din naman kayo ah!" pagdepensa ni Allen.
"Hindi naman talaga!" sabay sabay nilang sagot pwera lang sa'kin at si Allen
"Anong hindi!? Ikaw Peachy sabi mo, manananggal. Ikaw naman Mambabarang. Ikaw rin sabi mo Conjuring, Ikaw sabi mo naman Insidious at si Cheche sabi mo si Shiori" inisa-isa talaga ni Allen ang mga sinabi namin
*Clap! Clap! Clap!*
Sabay sabay nagsipalakpakan yung pito. Mga sira talaga. tsk tsk!
"WOW ang galing mo Alien! Na memories mo lahat nang sinabi namin ah!"
"Bravo! Bravo!"
"Alien! Alien!"
"Mga baliw! Letche bahala kayo d'yan!"
Hay nako, lumalala ang lagay ng mga utak nitong mga kasama ko!
Owdei Pangan's Point of View
"Uminom ka muna Indri" binigay ko sa kanya yung bottled water na binili ko.
"Anong nangyari sa'yo?" tanong ko sa kanya. Tumigil na s'ya sa pag-iyak pero nanginginig pa rin s'ya.
"Hu-huwag ka nang mag alala sa'kin. Ayos na ako. Masyado lang akong takot sa ginawang pangti-trip nung mga 'yun"
"Binu-bully ka ba nila? Gusto mo ireklamo natin sila sa Office bukas?" Umiling na lang s'ya. Hindi pa ako nakakita ng mga kaibigan na ganun. 'Yung bang aabot sa point na ikukulong ka sa Cr at pa-iiyakin ka sa sobrang takot.
"Hindi naman talaga nila intensyon na takutin ako ng grabe. Sadyang may mga sayad lang sa utak ang mga kaibigan ko. Pero kahit ganun ang nangyari, ayos lang sa'kin. Sigurado ako bukas tatawanan na lang namin ang mga nangyari sa amin. Balang araw makakaganti din ako sa kanila! Hahaha!" sa mga sinabi n'ya naisip ko na siguro mali ang sa panghuhusga sa mga kaibigan n'ya dahil kung hindi, hindi naman mapapatawad ni Indri ang mga 'yun dahil sa ginawa nila sa kanya. Napagtanto ko din na sadyang mapagtawad si Indri, isa s'ya mabait na tao.
"Grabe baka matunaw ako" nabalik ako sa realidad dahil sa pag-imik ni Indri. Pinapaypayan n'ya ang sarili n'ya gamit ang dalawa n'yang kamay. Hindi ko kasi na malayan na nakatitig na pala ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Seeking For His Attention (ONGOING)
Teen FictionYou're in love with someone who doesn't love you back. You will cry and you will wonder "Bakit hindi na lang ako?". Unrequited love is a painful thing. But have you even ask yourself this: "Why would you want to be with somebody who doesn't want to...