Indriana Daquiz Point of View
Isang linggo na ang nakakalipas noong nagmall ako kasama si Owdei at nung malaman ko kung ano ba talaga ang dapat kong gawin. Tama si Loewy, tama sya na dapat sabihin ko na kay Owdei yung nararamdaman ko. Kasi habang tumatagal na nililihim ang nararamdaman mo, ganoon mo naman kagustong aminin yun! Waaah! Mabubuang ako! Ilang araw na akong nag iisip ng desisyon kung aamin ba ako o hindi. At ngayon nakapili na ako ng desisyon, aamin na ako sa kanya. Kahit ano mang kahinatnan nun tatanggapin ko. Kahit rejection man ang kalabasan tatanggapin ko.
"I'm giving you a group project. Here are the copies for the instructions and criteria. I'll post the list of the group later. So that's all for today" sabi ni sir. Perez
Binasa ko yung binigay na copy ni sir Perez tungkol sa project namin sa physics. Kailangan naming gumawa ng miniature house na may mga ilaw sa loob. Buti na lang at group project 'to kaya mapapadali lang ang paggawa dito.
*RECESS
Nandito kami nina Cheryzze at Gennilyn sa likod ng building kung saan may mga bench na pwedeng uupuan. Dati kasing tambayan ng mga estudyante 'to noong hindi pa gawa 'tong building na 'to pero simula noong ginawa at hanggang sa natapos na ang building wala ng tumatabay dito dahil marumi na at may ilang mga basura sa paligid. Halos hangin lang ang maririnig mo dahil sa tahimik. Karamihan kasi sa mga estudyante ngayon ay nasa canteen o di naman nakatambay kung saan-saan. Kaming tatlo lang ngayon dahil yung ibang kasama namin may ginagawa sa kanya-kanyang club org. Kaming tatlo, iisa lang ang club namin, ang Home Economic kung saan luto luto lang at kain-kain ^▽^
"Hoy Indri, lalim ng iniisip mo ah" sabi ni Ghen
"Ah wala! Wag mo na lang pansinin" sabi ko
"Okay... Oh ikaw din Che? May problema ba kayong dalawa?" umiling ako at tiningnan ko si Cheryzze. Tulala s'ya, anyari dito?
"—-in, asdfjkl—in" nagtinginan kami ni Gennilyn. Hindi ko maintindihan kung ano bang binubulong ni Cheryzze.
"HOY!"
"Ay Kevin!" bigla kasing tinulak ni Gennilyn si Cheryzze kaya naman na bigla ito.
"Ahlalalala sino yang Kevin na yan?" nakangiting tanong ni Gennilyn
"Ayiiiie! Luma-love life ka na ah!" pang-asar ko
"Manahimik nga kayong dalawa. Ako magkaka love life? Tsk! Pwede pero hindi sa lalaking yun!" dipensa ni Cheryzze
"Sigurado ka?" tanong ni Ghen habang taas baba ang kilay nya
"Oo naman!"
"Eh ba't namumula ka? Ayiiie!" sabi ko
"Tsk ¬_¬"
"Pakilala mo naman yan!" sabay naming sabi ni Ghen
"A-YO-KO. Tapos!" wala na kaming nagawa ni Gennilyn kaya nanahimik na lang kami. Masaya ako para kay Cheryzze dahil sa mukhang luma-love life na nga sya.
"Hay..." buntong hininga ko
"Hay..."
"Ano 'to mga dre!? Singka lalim ng buntong hininga? Sali naman ako!" sabay naming binatulan si Ghen
"Sira!" sabay naming sabi ni Cheryzze.
Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa aming tatlo. Mukhang hindi lang ako ang may malalim na iniisip. Si Gennilyn naman hindi makayanan ang katahimikan kaya ayun tumayo at nag stretching. Madaldal kasi kaya ayan hindi sanay sa katahimikan. Iniisip ko pa rin kung paano ako aamin kay Owdei. Gusto kong umamin sa kanya ng personal at hindi sa mga text o saang messenger pa yan. Mas maganda kasi kung aamin ka ng personal dahil makikita yung sincerity mo sa mga sasabihin mo.
"Gennilyn, kailan ka aamin?" tanong ko. Binigyan n'ya lang ako ng isang puzzled-look.
"Hoy! Wala akong ginawang masama kaya wala akong dapat aminin!" sabi ko at tiningnan ko na lang s'ya ng mala- Loewy ¬_¬
"What I mean, kailan ka aamin kay Loewy? Yung feelings mo towards him?" tumalikod si Gennilyn at pinagpatuloy n'ya ang pag i-stretching.
"Hindi ko pa alam. Pero ang alam ko lang malapit na" tumingin sya sa akin at ngumiti. Alam kong kaya ni Gennilyn yun dahil malakas ang self confidence nitong babaeng 'to.
Natapos ang break namin at bumalik na kami sa room. Nakita ko si Owdei na naka upo na sa sa pwesto nya. Kapag
BINABASA MO ANG
Seeking For His Attention (ONGOING)
Teen FictionYou're in love with someone who doesn't love you back. You will cry and you will wonder "Bakit hindi na lang ako?". Unrequited love is a painful thing. But have you even ask yourself this: "Why would you want to be with somebody who doesn't want to...