Indriana Daquiz' Point of View
Naglalakad ako papuntang bus station para makauwi na ako sa bahay namin. Inaantok na ako. Napuyat kasi ako kagabi dahil hinintay ko si Owdei. Oo hinintay ko si Owdei. Kahapon nang kunin n'ya yung cellphone number ko ay sobrang saya ko kaya hanggang gabi hawak hawak ko yung cellphone ko dahil nagbabakasakali akong mag text s'ya. Napagalitan pa nga ako kay Papa dahil habang kumakain ako nakatitig lang ako sa cellphone ko. Kahit na naghintay ako kagabi, wala akong natanggap na kahit anong message mula kay Owdei. Tiningnan ko din sa Fb kung naka-online s'ya at naka online naman nga s'ya pero hindi ko s'ya chinat.
"Saglit lang po!" sigaw ko sa bus driver dahil akma nan yang isasara yung pinto ng bus. Binuksan n'ya ito muli ng mas maayos at pumasok na ako. Inihulog ko yung ticket ko at naglakad ako papunta sa mga upuan. Dahil nagsimula ng umanandar yung bus medyo nahihirapan ako sa paglalakad kaya naman kumakapit lang ako sa mga upuan.
Bakit andaming pasahero ata ngayon? Inilibot ko yung mata ko para maghanap ng available seat nang mahagilap ko si Loewy. Lumapit ako sa pwesto n'ya. Nakadungaw lang s'ya sa may bintana habang nakasuot ang earphones n'ya sa tenga. Mukha di n'ya ako napansin kaya naman umupo na lang ako at dahil pangtatluhan ang seat ni Loewy, doon ako sa part ng aisle ng bus ako umupo, bali magkaduluhan kami ni Loewy at may available pang seat para sa gitna. Pagkaupo ko naman ay napatingin s'ya sa akin kaya nginitian ko s'ya.
"Hi?" sabi ko at tinitigan n'ya lang ako gamit ang mahiwaga n'yang poker face. (¬.¬) Tumingin na lang ulit s'ya sa may bintana. Hay naku. Ano pa ba ineexpect ko dito sa lalaking 'to. Kanina pa s'ya eh. Kinakausap ko s'ya sa room kanina pero di n'ya ako pinapansin.
*Yawn!
Ipinikit ko yung mata ko, total medyo mahaba naman yung byahe ko saka siguro naman gigisingin naman ako nitong kabi ko kung baba na kami tutal magkatabi lang naman yung bahay namin.
Third Person Point of View:
Mga limang minuto lang ang nakalipas at nakatulog na si Indri. Hindi naman ito napansin ni Loewy dahil nakatingin pa rin ito sa may bintana. Hanggang ngayon ay wala pa rin sa mood si Loewy at hindi n'ya alam kung bakit.
♫♪Look at the stars,
Look how they shine for you,
And everything you do,
Yeah, they were all yellow.
I came along,
I wrote a song for you,
And all the things you do,
And it was called "Yellow".♫♪
Yan lang ang tanging naririnig ni Loewy ngayon mula sa kanyang earphones.
'dapat pala nakipagpractice na lang ako kina Andrew' sabi ni Loewy sa isip n'ya. Inaya kasi s'ya ng mga kabanda n'ya magpractice sila pero hindi sumama si Loewy.
Huminto ang bus sa isang kanto at mag isinakay na pasahero. Kaya naman napatingin napatingin na s'ya sa pwesto ni Indriana at napagtanto n'yang natutulog ito.
"Tsk..." yan lang ang lubas sa bunganga n'ya nang makita n'ya ang itsura ni Indri na natutulog. Nakabukas kasi ang bunganga nito at medyo bumaluktot na ang posisyon ni Indri.
Umisod ng kaunti si Loewy papalapit kay Indri. Balak n'ya kasing iayos yung ulo ni Indri dahil baka magka stiff neck ito. Nang makaisod na si Loewy at sa palagay n'ya ay abot na n'ya ang ulo ni Indri ay akmang hahawakan na n'ya ito pero nag-alangan pa s'ya bigla.
BINABASA MO ANG
Seeking For His Attention (ONGOING)
Teen FictionYou're in love with someone who doesn't love you back. You will cry and you will wonder "Bakit hindi na lang ako?". Unrequited love is a painful thing. But have you even ask yourself this: "Why would you want to be with somebody who doesn't want to...