SFHA #3

826 26 2
                                    

Na-una akong bumaba ng bus kay Owdei at na una na akong naglakad papuntang school. Alam ko naman kasi na hindi s’ya sasabay sa’kin sa paglalakad papuntang school.

“Indri!” napalingon agad ako nang narinig kong tinawag ako ni Owdei. Tumatakbo papalapit sa’kin si Owdei

“Bakit di mo ko hinintay?” tanong n’ya

“H-huh?” takang-taka kong tanong sa kanya

“Sabi ko bakit.di.mo.ko.hinintay” sabi n’ya ulit

“Ahh….”nag-isip ako ng idadahilan ko sa kanya

“nagmamadali kasi ako baka ma-late ako”

“Ganun din pag na-late ka ibig sabihin late din ako. Kaklase kaya kita no, nakalimutan mo?” nangi-ngiting tanong n’ya. Waaaah Owdei ‘wag mo kong masyadong pakiligin sa mga ngiti mo.

“ahh oo nga pala no, hahaha! Tara na”sabi ko at sabay na kaming naglakad nang TAHIMIK papuntang school. Wala kasing kumikibo saming dalawa basta naglalakad lang kami. Expecting something IndriEhh kung ikaw kaya ang maunang magsalita sa inyo! Alam mo na ang mga lalaki masyadong malihim

Habang naglalakad kami hindi ko maiwasang hindi tumingin sa kanya. Tinitigan ko s’ya at siguro nakaramdam s’ya na tinititigan ko s’ya bigla s’yang lumingon sa’kin kaya ako biglang iwas ng tingin sa kanya.

“Hmmpp” narinig kong bumingisngis s’ya. Waaaaaah nakakahiya! Hindi ko na s’ya ulit tingnan pa hanggang sa makarating kami ng school. Late na nga talaga kami. Hay! Detention ang punta namin n’yan mamayang break time. Ayaw ko pa namang nali-late dahil paniguradong may community service na kapalit pagna-late ka kaya walang nali-late dito sa school eh.

Pagdating namin sa court wala na yung mga classmate namin kaya pinagpatuloy na namin ni Owdei ang paglalakad papuntang classroom. Ng nasa tapat na kami ng classroom namin pareho kaming natigilan ni Owdei sa harap ng pintuan.

“Mauna ka na” sabi n’ya

“Ba’t ako? Ayoko nga!” sagot ko, ayaw kong maunang kumatok at pumasok dahil yung first subject namin ay  Science kung saan yung teacher namin ay yung pinaka-terror.

“Hahahaha! Sige na nga” sabi n’ya at kumatok na s’ya sa pintuan, maya-maya binuksan nung isa kong classmate at pumasok na kami.

“Why're you late?” tumayo kami sa harapan para sagutin ang tanong ng teacher namin.

“sir….” Hindi ko na tuloy ang sasabihin ko ng biglang nagsalita si Owdei

"Sir nasiraan po yung bus na sinasakyan namin" napatingin ako sa kanya ng may halong pagtataka at tumingin naman s'ya sa'kin

"Okay, go to your seats now" sabi nung teacher namin at naglakad na kami papunta sa lugar namin sa likod. Papalapit kami sa pwesto namin ng makita ko si Dem na nakatingin sa'kin ng masama. Umupo na ako sa pwesto ko at ganun din si Owdei. Pagka-upo ni Owdei agad namang pinalupot ni Dem ang kamay n'ya sa braso ni Owdei! -__- aga-aga yan na naman s'ya sa kalandian n'ya! Ganda n'ya talagang ilubog sa kumukulong mantika!

"Owdei bakit sabay kayo ni Indri? Edi ba hindi na--"

"Same kami ng bus na sinakyan ni Indri" sabi ni Owdei. Inalis ni Owdei ang pagkakapalupot ng kamay ni Demonyita sa braso n'ya at kinuha n'ya ang notebook sa Science at nakinig nasa teacher namin.

Seeking For His Attention (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon