SIDE STORY: PerChy (Fall in Love with a Gay)

513 11 1
                                    

(Setting: 2nd day of no classes)

Peachy Valerio's Point of View

Nasaan na ba yung baklang yun!? Malalagot talaga sa'kin yun! Aaaaaah tinakasan n'ya ako kahapon! Sabi ko sa kanya sumama s'ya sa group study pero ano!? Hinintay ko s'ya kahapon pero walang dumating! Binigay ko naman sa kanya yung address ni Gennilyn, 'wag n'yang sabihin sa akin na naligaw s'ya kung hindi ibibigti ko s'ya ng patiwarik! 

"Mommy, alis muna ako" sabi ko

"Sige, pahatid ka na lang kay Manong Leonard"

"Sige po"

Pagsakay ko ng kotse binigay ko ang address ng bahay ni Jansen.

"Walang hiya ka, Jansen kapag nalaman kong walang katuturan ang dahilan mo at di ka napunta kahapon, uupakan talaga kita! Arrrg" nagpapadyak ako dahil sa sobrang inis ko sa kanya. Okay lang sana kung tinext or nag call man lang s'ya na hindi s'ya makakapunta pero wala man lang akong natanggap mula sa kanya!

"Ma'am okay lang po ba kayo"

"Ah opo Manong, 'wag n'yo na lang po ako pansinin" sabi ko. Maya-maya pa ay tumigil na ang sasakyan at hula ko nandito na kami sa bahay nila. Bumaba ako ng sasakyan at bumungad sa akin ang isang malaking bahay na may malaking gate. Woooh yaman pala ni Jansen eh. Tumapat ako sa may doorbell at sunod sunod ko itong pinagpipindot. Naghintay ako ng ilang minuto at may dumating na kasambahay ata nila.

"Sino po sila ma'am?"

"Girlfriend po ako ni Percy" nanlaki ang mga mata nung kasambahay at bigla s'ya tumawa ng malakas

"Bwahahahahahah! Ma'am baka maling bahay po ang pinuntahan n'yo! Bwahahaha" sabi nung kasambahay na halos malagutan na ng hininga dahil sa kakatawa.

"Hindi po. Si Percy Jansen Martino po ang nakatira dito diba?" natigilan saglit ang kasamabahay at tumango pero maya-maya bigla na naman s'yang tumawa. -___- ganito na lang expression ko. Malagutan ka sana ng hininga sa kakatawa mo! -___- 

"Manang sino daw yan?"

"HAHAHAHAMa'am" biglang umayos yung kasambahay. Biglang may sumulpot na isang babaeng maganda. Sobrang ganda, eto siguro nanay ni Jansen. 

"Ah miss, anong kailangan mo?" tanong nung babae

"Dito po ba nakatira si Jansen?"

"Jansen? Omo!" napatakip ng bibig yung babae. Bakit naman kaya? May mali ba akong nasabi?

"May nasabi po ba akong ma--"

"No dear, wala. Halika pasok ka" sabi nung babae at binuksan nung kasambahay yung gate at pumasok na ako.

"Ah ma'am kayo po ba yung mommy ni Jansen?" tanong ko habang naglalakad kami

"Yes dear, just call me tita Veronica or Tita Veron na lang, okay lang ba?" tumango naman ako.

"By the way, what's your name?"

"Ah Peachy po, Peachy Valerio"

"Saan naman kayo nagkakilala ng anak ko?"

"Ahmm classmate ko po s'ya since grade 4" nakangiti kong sabi sa kanya. Bigla tuloy bumalik sa alala ko yung unang pagkikita namin ni Jansen

FlashBack...

"Okay class, let's welcome your new classmate" Busy ako sa paggawa ng isang paper ball. Gagamitin namin yun mamayang recess para sa dodgeball. Nilikom ko yung mga scratch papers ng mga  classmate ko at pinorma ko ito ng bilog tapos babalutin ko ng tape para di masira.

Seeking For His Attention (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon