SFHA #12

416 6 4
                                    


SFHA #12

Indriana Daquiz' Point of View

Matapos ang lahat ng nangyari kahapon. Matapos akong ma-heartbroken, heto ako ngayon naglalakad papuntang bus station para pumasok sa eskwelahan. Ayoko sanang pumasok ang kaso baka biglang magtaka sina Papa dahil alam nilang ayaw na ayaw ko ang nag-aabsent. Kahit sino walang nakakaalam sa mga nangyari pwera lang kina Owdei at Loewy. Ayokong sabihin pa sa iba ang tungkol dun. Kung pwede lang sanang i-reformat ang lahat ng nangyari kahapon ay ire-reformat ko, ang kaso hindi pwede kaya ang magagawa ko na lang sa ngayon ay harapin ang mga mangyayari.

"Hay..." napabuntong-hininga na lang ako.

"Ang baho" napatingin naman ako sa nagsalita. Si Loewy lang pala. Naglakad na sya papalayo sa akin.

"Loewy!!" tawag ko sa kanya pero patuloy pa rin sya sa paglalakad.

"Loewy!!" this time tumakbo na ako papalapit sa kanya at naabutan ko naman sya kaya sabay na kaming naglalakad ngayon.

"Nga pala..." kinalkal ko yung bag ko at kinuha ko ang panyo n'ya na pinahiram nya sa akin kahapon.

"Eto na. Salamat" sabi ko at iaabot ko na sa kanya pero ayaw n'yang kunin.

"Oooy eto na" sabi ko

"Sa'yo na lang baka kung anong germs pa ang mga dumikit d'yan" sabi nya. Kahit kalian talaga ang arte arte n'ya.

"Ang kapal nito! Nilabhan ko na yan kagabi at pinlatsa ko pa yan!" sabi ko

"Itapon mo na lang" sabi nya. Nasa may station na kami at saktong pagdating namin ay may dumating na agad ang bus kaya pumasok na agad s'ya at pumasok na rin ako. Umupo sya sa mga upuan sa right side at ako naman sa left side pero magkatapat lang kami ng upuan. Nag-umpisa na ang byahe at nakadungaw lang s'ya sa may bintana habang nakasaksak ang earphones sa tenga n'ya. Dumungaw na lang din ako sa bintana at tiningan ang iba pang mga sasakyan.

Nang malapit na kami sa school tingnan ko ulit si Loewy. Nakapikit s'ya. Mukhang nakatulog ata s'ya. Kinalkal ko ulit ang bag ko at kinuha ko ang isang mango sandwich at inilagay ko sa upuan sa katabi ni Loewy. Nang tumigil na ang bus ay bumaba na ako. 'Di ko na ginising si Loewy dahil sigurado naman akong gigisingin din s'ya nung driver kung di pa s'ya gumising.

Pagdating ko sa loob ng campus dumaretso na ako papuntang classroom namin. Pagpasok ko ng classroom ay ngumiti ako tulad ng dati. Napansin ko na agad sina Cheryzze at Gennilyn.

"Indri! Ohayo!" sabi ni Cheryzze na feeling Japanese. Fan na fan talaga sya ng anime.

"Ohayo!" masigla kong bati sa kanya.

"Ang plastic mo!!!" biglang sigaw ni Gennilyn kaya napatingin lahat ng classmate namin sa aming tatlo pero saglit lang naman at saka na sila bumalik sa kanya kanya nilang ginagawa.

"Anong sabi mo Ghen?" tanong ko.

"Anong nangyari? Tell us!! Tell us your secret!" sabi ni Gennilyn

"Hala nosebleed!"

"Anong pinagsasabi mo dyan?" tanong ko ulit.

"May nangyari ano? Paano kasi ang peke ng ngiti mo 'toy! Saka kailan mo pa pinatulan ang pagja-japanese panis ni Cheryzze huh!?"

"Wala naming nangyari. Ano bang pinagsasabi mo dyan?"

"Wala pala aaah! Eeeeeh bakit parang namamaga ata yang mata mo? Wag mong sabihin bigla kang naningkit kaya ganyan o kinagat yan ng ipis" haaay naku wala na ata ako matatago pa sa mga 'to!!

Seeking For His Attention (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon