SFHA #9

517 12 4
                                    

Indriana Daquiz Point Of View

Kinabukasan...

"Ma! Alis na po ako!"

"Hoy Ana saan ka pupunta? Diba wala kayong pasok?" tanong ni Kuya habang busy sa panonood ng anime sa tv. 

"Wala nga. May group study kami"

"Ay sus. Group study tapos mas marami pa ang daldalan n'yo nyan eh. Sinong bang mga kasama mo?"

"Ehh ba't andami mong tanong? Sa malamang mga classmate ko ang kasama ko alangan naman yung tambay sa kanto, noh kuya?"

"Batukan kita d'yan eh" hindi ko na lang s'ya pinansin at naglakad na ako papaalis.

Habang naglalakad ako hindi ko maiwasan mag-imagine ng kung anu-anong posibilidad na mangyayari sa group study namin. Sana talaga group study ang mangyari at hindi chismisan at kalokohan ang gawin namin.

"Hoy! Panget na Ana!" hindi ko pinansin kung sino man yung tumatawag sa akin dahil paniguradong kilala ko na kung sino yun. 

"Hoy! Tinatawag kita bakit di ka lumilingon" ngayon kasabay ko na s'ya sa paglalakad.

"Sayang oras ko kung makikipag-usap ako sa abnormal na katulad mo ku-- aray!"binatukan ba naman ako nitong isang 'to. Ang lakas talaga ng toyo nito sa utak!

"Maka Abnormal ka sa akin ah!"

"Eh ba't ka ba nandito?" asar ko tanong sa kanya

"Ahhhhm.  May bibilhin lang ako" hindi ko na s'ya pinansin at naglakad na lang ako. Pilit kong iniisip na wala akong kasabay na abnormal, ang kaso may paka special talaga si Kuya. May pagka special child! Arrrgh! Paano ba naman bigla bigla na lang s'yang mambabatok tapos paghaharap ako sa kanya bebelatan n'ya ako!

"Ay Epal" nasabi ko na lang.

"Epal pala ah!"natigilan ako sa paglalakad ng biglang umangkas s'ya sa likuran ko na tila nagpapa piggy back ride!

"WAAAAAH! Ang bigat mo! Mapipilayan ako n'yan eh!" tumigil na rin si Kuya sa pang-aasar sa'kin nung sinamaan ko na talaga s'ya ng tingin. Aysh! Di ko alam kung bakit ganyan ka kulit si Kuya, 5 years ang agwat naming dalawa pero kung hindi n'yo alam ang edad namin siguradong mapagkakamalan na halos magkasing edad lang kami. Katatapos lang mag-aral ni Kuya, board exam na lang ang kulang para maging ganap na Architect si Kuya. At sa edad n'yang 23 ewan ko ba at isang beses pa lang ata s'ya nag-uwi ng babae sa bahay para ipakilala n'ya sa amin. Gwapo naman s'ya kahit ayaw kong aminin.... baka naman bakla na si Kuya!? Oh NOOO!

Malapit na ako sa may bus stop kung saan ang tagpuan namin ni Owdei. Muli kong hinarap si Kuya dahil hanggang ngayon naka sunod pa rin s'ya.

"Oh diba doon ang daan papuntang convenience store?" 

"Ayaw ko ng punta doon" sabi n'ya at nilagpasan n'ya ako. Naglalakad s'ya papuntang bus stop

"Eeeh ba't di ka pa umuwi?"

"Sasama ako sayo, lalo na may kasama ka pa lang ibang lalaki" sabi ni Kuya habang malayo ang tingin n'ya. Tiningnan ko kung saan s'ya nakatingin at nakita kong kay Owdei nakatuon ang  paningin n'ya.

"Hi Indri" bati sa akin ni Owdei at napatingin s'ya kay Kuya

"Hello po" bati n'ya kay Kuya. Hindi s'ya pinansin ni Kuya. Nagkataon naman na dumating na yung bus na sasakyan namin kaya naman sumakay na kami at nagbayad na. Naglakad kami papunta sa may bandang dulo ng mga upuan. Umupo ako sa may tabi ng bintana at ang buong akala ko ay si Owdei ang makakatabi ko pero biglang sumingit si Kuya at s'ya ang nakatabi ko. -___-!! Great! Panira ka Kuya! Umupo na lang si Owdei kasunod ni Kuya. Pangtatluhan kasi yung upuan namin.

Seeking For His Attention (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon