SFHA #4

623 22 2
                                    

"ANO!? BAKIT SI LOEWY PA!?" pasigaw na reklamo ni Cheryzze. Hala anyari sa babaeng 'to at parang galit?

"Bakit may problema ba kung si Loewy?"napatayo si Gennilyn at tumayo din si Cheryzze. Tumayo na din ako.

"OO! Bakit s'ya? Alam nating ubod ng sungit at ang sama ng ugali ng lalaking yun!" sa bawat salitang sinasabi ni Cheryzze parang inis at galit na galit s'ya kay Loewy

"Paano mo naman na sabi!?"

"Paano ba naman, nung isang araw andami kong dalang libro dahil napag-utusan ako nung librarian na dalhin sa may activity center. Halos hindi ko na nga makita yung dinadaanan ko tapos ang bigat pa ng mga yun! Eh ang gunggong hindi tumitingin sa dinadaanan kaya ayun nagkabungguan kami at bumagsak yung mga libro. Ang buong akala ko, tutulungan n'ya ako! Ang kaso nginisian n'ya lang ako at saka umalis! Kita'm! Sinong hindi manggagaliiti sa taong yun! ARRRGGG! Kung pwede lang gilitan sa leeg 'yun ginawa ko na eh!" inis na inis si Cheryzze habang kini-kwento n'ya 'yun

"Sa palagay ko..." napatingin silang dalawa sa'kin.

"...hindi naman s'ya ganun kasama" sabi ko

"Kyaah! Talaga Indri!? So, boto ka kay Loewy para sa'kin?" tumango ako sa kanya bilang sagot

"At paano mo naman nasabi?" nakataas ang isang kilay ni Che habang nagtatanong sa'kin

"Kasi..." kwenento ko sa kanila yung araw na binigyan ako ni Loewy ng Dew Berry at Ferrero Rocher.

"Sus! Parang ganun lang mabait na agad yung hinayupak na 'yun!?"

"Leche ka Che! Hayaan mo na lang ako!" sabi ni Ghen

"Bahala ka nga! Susungitan ka lang nun!" sabi ni Che-che

"Hayaan na lang natin s'ya, saka crush pa lang naman eh" bulong ko kay Che-che

"Hay, oo na! Sige na!" sabi ni Che. Nginitian ko s'ya

"So, anong nangyari sa inyo ni Loewy?"tanong ko

"Kasi naman! Nung inuutusan ko s'yang kunin 'yung basurahan kanina ayaw n'yang kunin..."

"Eh anong nakakakilig dun!?" sabat ni Cheryzze

"Tss! Kitang di pa tapos magsalita yung tao diba!?"

"Sige na Ghen, ituloy mo na 'yung kwento mo" sabi ko, baka kasi mamaya magkatotoo ang pikunan nitong dalawang 'to

"So, yun nga ayaw n'yang kunin tapos tiningnan n'ya ako gamit ang mahiwaga n'yang poker face! Hahaha! Kahit yung tingin na yun parang sinasabi n'yang ''wag-mo-'kong-utusan-tamad-ako' eh kinikilig pa rin ako! Kyaaah!"halata ngang kilig na kilig si Ghen dahil nagtatatalon sa kilig.

"Halata nga sa'yo" sabi ko

"Indri lakad mo naman ako kay Loewy oh"

"oh tara na!" sabi ni Cheryzze at nagsimulang maglakad

"Baliw! Hahahaha" sabi ni Gennilyn. Bumalik na sa dating pwesto si Cheryzze

"Pero Indri, ilakad mo ko kay Loewy" sabi ni Ghen

"EH!? BA'T AKO!?" tanong ko sa kanya habang turo-turo ko sarili ko.

"Eh diba close kayo?"

"Hala! Hindi ah!"

"Ihh! Anong hindi!? Sigeee naaa! Eh kung hindi kayo close, bakit ka n'ya kinaka-usap?"

"Wala lang saka dahil rin sa seatmate ko s'ya"

"Kaya nga eh! Ikaw lang halos kinakausap n'ya kaya ipakilala mo ako ng maigi sa kanya"

"Bahala na! Ita-try ko"sabi ko

Seeking For His Attention (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon