ERION
Pagkarating namin sa school ay dumiretso na kami sa court, sakto naman na volleyball ang mauuna kaya pumila na siya agad habang ako naman ay umupo na sa bleachers.
Nakatingin lang ako sa kaniya nang bigla siyang pumunta sa akin na nakasimangot.
"Kailangan daw nakasando at short", malungkot niyang sabi bago umupo sa tabi ko.
"Hayaan mo na, tayong dalawa na lang maglalaro ng volleyball", inakbayan ko siya habang sinasabi yun at hindi naman siya pumalag.
Tahimik lang kaming dalawa at manonood na lang sana nang dumating si Yesha na may dalang paper bag.
Inabot naman niya ito kay Dana baby na nakangiti.
"Sando at short 'yan, gagamitin ko sana pero nagbago isip ko sumali. Hindi kasi kayo nakikinig kanina kay ma'am na hindi pwedeng uniform", natatawang sabi niya sa amin kaya nahiya naman kami.
Nagpasalamat naman si Dana baby at pumunta na sa cr para makapagpalit, sasama sana ako kaso sinamaan ako ng tingin.
'Kala mo naman sisilipan ko siya. Hindi naman. Sakto lang.
Lumipas ang ilang minuto ay nakita ko na siyang papalapit sa amin. Ang haba tignan ng legs niya kahit mas maliit siya sa akin, ang tambok.
Ang tambok ng puso kong mapagmahal.
"Hoy, Erion! 'Yang tingin mo na naman ha, dudukutin ko na 'yang mga mata mo!" Galit niyang sigaw sa akin kaya natawa ako.
Lumapit naman siya sa akin at hinagis yung paper bag sa mukha ko.
"Hawakan mo, 'wag mong kakalkalin 'yan", pinanlakihan niya ako ng mata habang sinasabi niya yun bago siya pumunta sa pila.
Balak ko sanang kalkalin yung laman nang biglang hampasin ni Yesha ang kamay ko.
"Sinabing 'wag diba", pagpapaalala niya sa akin.
Malayo nga si Dana baby, si Yesha naman pumalit sa pananakit sa akin. Lagi na lang nila akong sinasaktan.
Asaan ang hustisya!
Paglingon ko kay Dana baby ay nakita kong nakatitig siya sa akin nang masama. Wala naman akong ginagawa pero galit na naman siya.
Pinapanood ko naman siyang maglaro nung nagsimula na sila, grabe tumalbog yung ano.
Yung bola kada tira niya. Ang laki ng bola. Sobra.
Naramdaman ko naman na sinisiko ako ni Yesha.
"Tulala ka d'yan, tapos na sila. Palapit na si Danaea rito", natatawang sabi sa akin ni Yesha.
Tinignan ko naman si Dana baby at masaya naman siyang tumatakbo papunta sa amin.
"Tanggap ako!" Masaya niyang sigaw habang tumalon payakap sa akin kaya binuhat ko siya.
Parang yumakap ako sa unan sa lambot.
"Aray!" Daing ko nang bigla niya akong batukan.
"Kailan ka ba titigil sa pagiging manyak?!" Gigil niyang sigaw sa akin kaya napakamot na lang ako sa ulo at ngumuso.
"Aso't pusa talaga kayong dalawa", naiiling na sabi ni Yesha sa amin. "Yung damit Danaea balik mo na lang kapag nalabahan na", nakangiting dagdag niya.
"Maraming salamat, Yesha", masayang pasasalamat naman niya.
Tumango naman si Yesha at nagpaalam sa amin na uuwi na siya. Lumingon naman ako kay Dana baby para ayain siyang mag-celebrate.
YOU ARE READING
When the Light Fades Away (When The Series #1) | UNDER REVISION | ON HOLD
RomanceTwo broken souls met in the middle of darkness. They felt each other and they didn't lose the chance to grip on one another. Erion Escalona endured all the pain that life gave him during his growth. He lived all alone so that other people don't mat...