Lula's POV
Tarantang napatayo si Lula mula sa pagkaka upo sa bangkito nang makarinig siya nang malakas na ingay mula sa loob ng bahay.
Kasalukuyan siyang nasa likod bahay at nag aayos ng mga kahoy na panggatong. Mamaya lang kasi ay magluluto na siya nang hapunan nila. Alas singko na nang hapon at mayamaya lang ay padating na ang kaibigan niyang si Lilit mula sa taniman ng mais. Doon ito sa kanila mag hahapunan nang gabing iyon.
Dapat ay kasama siya nang kaibigan sa pag aani nang mga mais ngunit hindi siya makaalis dahil biglang nagkasakit ang mga kambal niya. Paghipo kasi niya kaninang umaga sa kambal ay mainit ang mga ito. Hindi mataas ang lagnat ng kambal ngunit hindi pa rin niya maiwasang mag alala para sa mga anak. Kaya naman mas pinili na lang niyang manatili sa bahay at alagaan ang kambal.
Ang kusina ang unang mabubungaran kapag galing ka sa likod ng bahay. Nang makapasok siya sa loob, nakita niya si Lenlen na naka tingin sa nabasag na baso sa sahig. Nanlalaki ang mga mata nito.
"Lenlen? Anong nangyari?" Nag aalala niyang tanong sa dalagitang pamangkin ni Lilit. Isa si Lenlen sa nag aalaga sa kambal kapag nasa maisan siya.
"A-Ate, sorry...nabitawan ko yung baso." Mangiyak ngiyak na sagot ni Lenlen.
Napahinga siya nang maluwag sabay ngiti dito.
"Ayos, lang. Nasaktan ka ba?Baka may tumalsik sayong bubog?"Ang sabi niya dito. Tinulungan niya itong makalayo sa nabasag na baso. Pagkatapos ay kumuha siya nang walis para alisin ang nabasag na baso.
"Iinom lang sana ako nang tubig ate, tapos nabitawan ko yung baso." Paliwanag ni Lenlen na nagkakamot ng ulo." Ako na ang magwawalis ate."
"Hindi na, Lenlen. Ako na lang. Balikan mo na lang yung kambal at baka kung ano na ang ginagawa nung dalawa." Nginitian niya si Lenlen para ipakita dito na hindi siya galit sa nangyari.
Sumunod naman si Lenlen. Bumalik ito sa sala upang puntahan ang kambal.
Pagkatapos niyang walisin at itapon ang nabasag na baso ay agad siyang naghugas ng kamay. Pinuntahan niya si Lenlen at ang kambal sa sala para I check ang mga ito. Napangiti siya nang makita ang kambal na nakatutok ang buong atensiyon sa pinanonood na balita. Nasa crib ang kambal habang nanonood ng balita.
Nanonood naman ang kambal niyang anak na sina Goldie at Miles nang pambatang palabas pero ewan ba niya kung bakit nawiwili ang mga itong manood nang balita sa tv. Natutuwa ang mga ito sa mga nagbabalitang reporter lalo na kapag tungkol sa lagay ng panahon ang ibinabalita. Pinagbibigyan naman niya kung ano ang hilig ng mga anak niya. Kakatapos lang ng first birthday nang kambal pero pakiramdam niya ay araw araw na lumalaki ang dalawa. Napaka bilis talaga ng panahon. Kailan lang ay ipinagbubuntis pa niya ang dalawa.
"Ate Lula, paborito talaga nila si Carmela." Ang weather reporter sa tv ang tinutukoy ni Lenlen na siyang pinanonood nang kambal. Napangiti pa siya lalo nang humahagikhik ang kambal habang pinanonood ang paboritong reporter ng mga ito.
Nilapitan niya ang crib ng kambal.
"Ewan ko ba sa dalawang ito at nahihilig manood ng balita lalo na kapag balita sa panahon." Pinupog niya nang halik ang kambal.
"Ang ganda naman kasi talaga ni Carmela, Ate. Mabait din daw siya sa personal." Ang sabi pa ni Lenlen.
"Sabi nga daw." Saglit siyang nanood ng TV bago muling nagtungo sa kusina para magluto.
Naisip niyang magluto nang paborito ni Lilit na adobong manok. Nagluto din siya nang sabaw na may itlog para sa kambal.
Malapit lapit na din siyang makatapos nang marinig na niya ang malakas na boses ni Lilit sa sala. Masayang kinakausap nito ang kambal.
BINABASA MO ANG
Thadeo Alvaro Estevez
RomanceIsang malaking pagkakamali Ang nagawa ni Luella o Lula. Dala nang kalasingan ay nagawa niyang isuko ang sarili sa Isang lalaki na kahit kailan ay hindi magiging kaniya. Isang bawal na pagtingin para sa Isang lalaking lihim niyang itinatangi. Alam ni...