Thadeo's POV
Alas dos na nang hapon ng makarating siya sa bakahan. Nakalibot na siya sa ibang parte ng Hacienda kanina at huli nga niyang inusisa ang mga nagtatrabaho sa bakahan. Maayos naman ang lahat sa hacienda. Wala siyang masabi sa pamamahala ni Zar sa buong hacienda. Napakasipag nito bagaman may pagka istrikto sa mga trabahador ay iginagalang naman ito nang lahat.
"Dumating na ang mga bagong baka kahapon, Thadeo. Lahat sila ay natingnan na nang mabuti ni Zar. Mukhang ayos naman sa kaniya ang lagay ng mga baka." Ang pagbabalita sa kaniya ni Tatang Sergio nang dumating siya. Nakatanaw sila sa malawak na parang kung saan naka nginginain ng damo ang mga baka.
"At sa inyo? Ano sa palagay nyo? Maayos naman ba ang mga bagong baka?" Ang tanong niya sa matanda.
"Maayos naman sila. Tiwala ako kay Zar na alam niya ang tamang gawin." Ang nakangiting sabi nito sa kaniya.
Napangiti siya sa sinabi ni Tatang Sergio. Malaki din naman ang tiwala niya sa anak na ginagawa nito nang maayos ang pamamahala nito sa buong hacienda. At ganun din siya kay Gon sa pamamahala nito sa kumpaniya nila sa Maynila. Isang buwan na din itong nandoon sa Maynila at abala na ito sa sinisimulang project ng kumpaniya.
Everything is going well with their business. Higit sa lahat mas naging maayos at masaya na ang kanilang pamilya.
Nagpapasalamat siya nang husto kina Zar at Gon sa suportang ibinibigay nito sa kanilang relasyon ni Lula. When he first told them that he wants to marry Lula, he didn't see any objection in them. They said they respect his decision at if that will makes him happy, they will support him. He knew the twins are happy for him. They knew the love between him and Lula is genuine. His happy, they also respect Lula as their soon to be step mother. Kahit na mas matanda pa ang dalawa kay Lula.
The elder twins also love their younger siblings. Kita niya kung paano alagaan ng mga anak ang nakababatang kapatid ng mga ito. Gon is very expressive when it comes to their younger siblings. Noong nasa hacienda pa si Gon, ito ang madalas na nag aalaga sa mga kapatid. Lagi nitong ipinapasyal ang kambal sa buong hacienda sakay ng jeep nito. Zar on the other hand, has his own way of taking good care of their siblings. Madalas ay pinasasalubungan nito ang mga kapatid ng prutas pag ka galing nito sa pag tatrabaho sa buong hacienda. Zar and Gon are also very protective of their siblings. They make sure to always look after them lalo na kapag wala sila ni Lula para alagaan ang kambal. Lalo na noong nag punta sila sa Maynila. Sinabi ni Manang Rosie na buong araw na sina Zar at Gon ang nag alaga sa mga kapatid nito. And for that he was beyong grateful to them. Wala na yata siyang mahihiling pa. His family are now complete. He's complete now.
"Balita ko, may petsa na kasal ninyo ni Lula?" Ang untag sa kaniya ni Tatang Sergio.
Balita na sa buong hacienda ang tungkol sa nalalapit nilang kasal ni Lula. Alam niya na labis na pinag usapan sa buong Hacienda ang relasyon nila ni Lula maging ang tunay na kaugnayan niya sa kambal na sina Goldie at Miles.
Hindi na inalam pa kung ano ang reaksyon ng lahat tungkol sa kanila ni Lula at sa kanilang kambal. Honestly, he didn't mind if any rumors or gossip will spread about them. What's important is their genuine love for each other. Everything else can fuck their selves.
Nakangiting tumango siya dito.
"Sa Isang buwan po, Tatang. Dito din sa Hacienda gagawin ang ceremony." Ang masaya niyang pag babalita dito.
"Siguro naman ay imbitado kaming lahat dito sa hacienda no?" Ang nagbibirong tanong ng matanda sa kaniya.
" Tatang, pamilya tayong lahat dito sa hacienda. Hindi dapat mawala sa kasal namin ang lahat." Ang sabi niya dito at itinukod ang mga kamay sa bakod na kahoy. Inilibot niya ang mga mata sa parang.
BINABASA MO ANG
Thadeo Alvaro Estevez
RomanceIsang malaking pagkakamali Ang nagawa ni Luella o Lula. Dala nang kalasingan ay nagawa niyang isuko ang sarili sa Isang lalaki na kahit kailan ay hindi magiging kaniya. Isang bawal na pagtingin para sa Isang lalaking lihim niyang itinatangi. Alam ni...