Chapter 28

910 18 0
                                    


Thadeo's POV


"Sir, naka tulog na din po ang kambal." Ang nakangiting sabi ni Mila nang makasalubong niya ito sa labas nang silid nang kambal.


"Thank you, Mila. Magpahinga ka na. Ako na ang bahala sa kanila." Ang nakangiti niyang sabi dito.


Nagpasalamat siya dito at pumasok na sa silid ng kambal.


Nakita niya ang mga anak na payapa nang natutulog sa kama nang mga ito. Tahimik na naupo siya sa kalapit na single couch at pinag masdan ang mga anak.


That is one of his favorite past time. Just looking at the twins energized him. Nawawala ang pagod niya at lahat nang alalahanin sa tuwing tinitingnan niya ang mga anak. Ang mga anak na lamang niya ang nag papalakas sa kaniya sa tuwing parang gusto na niyang sumuko.


Six months ago nang magpasya silang manatili muna sa Manila nang magkasakit siya. He suffered from depression and severe panic attack. Ilang araw din siyang na ospital kaya nagpasya sina Zar at Gon na doon muna siya manatili sa bahay ni Gon sa Manila. Gon was happy to accomodate them to his newly bought house. Malaki ang bahay nito na may dalawang palapag at may malawak na garden.


Mabilis na naka pag adapt ang kambal sa pansamantalang tirahan ng mga ito. Madalas na niyang makitang tumawa tawa ang kambal habang nag lalaro sa malawak na garden.


At habang nag papagaling siya, Gon and Zar spoiled their siblings. Lalo na si Gon na halos bilhin na ang lahat nang laruan sa mall para sa mga kapatid nito. Dumalas din ang pag punta ni Zar sa Manila para dalawin sila.


Bumubuti na ang lagay niya pero patuloy pa din siyang nag papatingin sa therapist niya. Deep inside ay hindi pa rin nawawala ang sakit na dulot nang pagkawala ni Lula.


After weeks of searching for her, his body took its toll and his health suffered greatly. And when he woke up in the hospital, regret rushed through him. Naisip niya noon na sana ay hindi na lamang siya nagising. The pain of losing Lula is so unbearable that he almost felt lifeless.


Ano pang saysay nang buhay niya kung wala na si Lula sa buhay niya. He fall into depression. He almost gave up but he thought of their younger twins. Paano na ang mga ito kung pati siya ay mawala? Surely, hindi magugustuhan ni Lula kapag nalaman nito na pinababayaan niya ang mga anak nila.


With the help of Gon and Zar, he seek professional help. Unti unti, gumanda ang pakiramdam niya but still the pain are still there. Hindi naman iyon nawala. Parang nagtatago lamang iyon at pilit pa ding bumabalik sa tuwing nabubuksan niya ang susi nang mga alaala niya kay Lula.


Paulit ulit niyang binabalikan ang mga masasayang larawan nila ni Lula. There were so happy  that time. Pakiramdam niya noon ay wala nang makapag hihiwalay sa kanila. But tragedy happens and he lose the love of his life.


Nakakulong na si Kyros at si Ulysses maging ang mga lalaking kasabwat nang mga ito. Inamin na nang mga ito ang partisipasyon ng mga ito sa pagdukot kay Lula at Damian.  They found Bernice rotting body somewhere in Quezon Province  where Kyros told them about the locations of their hideout. Ayon sa mga pulis malaki ang posibilidad na nahulog sa bangin si Bernice na naging sanhi nang pagkamatay nito.


Umalis na nang Hacienda si Damian. Hindi na daw nito magagawa pang manatili doon nang dahil sa nangyari dito at kay Lula. Nahihiya daw ito sa nangyari at sinisi pa din nito ang sarili dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nila nakikita si Lula.


Wala naman itong kasalanan sa nangyari at biktima din lamang ito nang maitim na balak ni Bernice. Inamin na ni Kyros at Ulysses na walang nangyari kina Damian at Lula. Pinalabas lamang nang mga ito na may nangyari sa dalawa habang lulong sa drugs si Damian. Kyros told the police that it's was Bernice who took the pictures of Damian and Lula.


Thadeo Alvaro EstevezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon