Chapter 23

871 11 1
                                    



Lula's POV



Tatlong araw na ang nakakalipas mula nang sapilitan siyang kunin nang pinsan ni Damian na si Ulysses. Minsan na niyang nakilala ito dahil dumadalaw ito kay Damian sa hacienda. Ngunit unang kita pa lamang niya dito noon ay hindi na maganda ang palagay niya dito. Lalo pa nang minsang ikinuwento ni Damian na labas masok daw sa kulungan ang pinsan nito. Naalala pa nga niya noon ang sabi ni Damian sa kaniya na pinatigil na niya ang pinsan nito sa pag punta sa hacienda. Kung bakit at sa anong dahilan ay hindi na din niya itinanong pa.



Kaya naman ngayon ay nag sisisi siya. Hindi siya dapat naniwala sa mga sinabing kasinungalingan nito. Hindi niya alam kung paano nito nakuha ang cellphone number niya. Nang tawagan siya ni Ulysses para sabihin sa kaniya na nasa ospital si Damian ay kailangan nito ang tulong niya, saglit siyang nag alinlangan na sumama dito.


Paano siya nakaka sigurado na nasa ospital nga si Damian? Bakit hindi ito ang mismong tumawag sa kaniya? Ngunit nang sabihin nito na malubha ang kalagayan ni Damian, agad siyang nag alala sa kalagayan nito. Sumama siya kay Ullyses. Nabigla din siya sa naging pag sama niya dito. Kaya naman huli na nang malaman niya ang maitim na plano nito.


Nawalan siya nang malay nang makalanghap siya amoy masangsang sa ilong. Nagising na lamang siya na nasa isang madilim na silid na siya. Masakit ang buong katawan niya ay marami siyang pasa sa buong katawan niya partikular sa leeg, dibdib at mga binti. Hindi niya alam kung bakit may mga pasa siya sa katawan. Sinaktan kaya siya ni Ullyses habang wala siyang malay? Nahihindik siyang isipin na baka may iba pa itong ginawa sa kaniya habang wala siyang malay.


Tama lang ang laki nang silid. Walang kahit anong kasangkapan sa loob maliban sa banig na nakalatag sa isang sulok at isang maliit na mesa. Mabuti na lamang at may maliit na banyo din sa loob. Pinag tiyagaan niya iyong gamitin kahit na napaka dumi sa loob nang banyo.


Hindi pa niya ulit nakikita si Ulysses simula nang araw na kidnapin siya nito. May Isang lalaki na nagdadala nang pagkain sa kaniya. At kagaya ni Ullyses, mukhang hindi rin mapagkakatiwalaan ang mukha nang lalaking iyon. Hindi niya alam kung nasaan na si Ulysses. Mas mabuti pa nga siguro na hindi na niya ito makita pa. Kinamumuhian niya ito nang labis dahil sa ginawa nito sa kaniya.


Muli siyang napaluha nang maalala niya si Thadeo at ang mga anak nila. Siguradong hinahanap na siya ni Thadeo. Sigurado din siya na hinahanap na siya nang mga anak nila. At sa lahat nang ito, hindi niya maiwasang sisihin ang sarili. Napakatanga niya nang nagtiwala kay Ullyses. Wala na siyang magagawa pa kundi umaasa at manalangin na sana ay maligtas siya mula sa mga taong gumawa nito sa kaniya.



Ngunit sino nga ba ang nag plano nang pag dukot sa kaniya? Si Ulysses lang ba ang may pakana nang lahat ng ito? Ngunit, ano naman kaya ang reason kung bakit siya dinukot nito?


Naisip niya si Damian. Hindi siya naniniwala na may kinalaman ito sa pag dukot sa kaniya. Sigurado siya na hindi nito magagawang gawan siya nang masama. Matagal na silang magkaibigan at mag kababata pa sila nito. Alam niya na hindi masamang tao si Damian.


Ngunit kung hindi si Ulysses at Damian ang may gawa nang pagdukot sa kaniya, sino naman kaya ang gagawa noon?


Napa tigil siya sa pag iisip nang biglang bumukas ang pinto nang silid. Pumasok ang lalaking tadtad nang tattoo ang braso. Mahaba ang buhok nito na nakatali lamang ng goma. Mukha ding mabagsik ang itsura nang mukha nito.


May dala itong pinggan ng pagkain at isang baso nang tubig. Ipinatong nito ang mga iyon sa maliit na mesa na nasa sulok.


"O, kumain ka na. Bilisan mo at may bisita kang darating mamaya." Ang asik nito sa kaniya. Yun lang at iniwan na siya nito sa silid.


Thadeo Alvaro EstevezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon