Lula's POV
Hindi siya makatingin nang deretso kay Manang Rosie habang inilalapag nito sa gilid ng kama ang tray nang pagkain. Pagkalagay nito nang tray ay naupo din ito sa gilid ng kama at naka ngiting tumingin sa kaniya.
"Kamusta na ang pakiramdam mo, Lula?" May banayad na pag aalala sa mga mata nito.
"Ok na naman po ako, Manang." Nahihiyang tumingin Siya dito
"Kamusta na po kaya ang kambal? P-Pasensiya na po kayo Manang Rosie...Kayo pa tuloy ang nag aalalaga sa mga bata..." Bumaba na naman ang lagnat niya mula pa noong naka inom siya nang gamot kaninang tanghali.Hindi niya inaasahan nang lagnatin siya pagka gising niya nang tanghali. Masakit din ang buong katawan niya na parang buong araw siyang nag trabaho sa buong hacienda.
Labis ang pag aalala ni Thadeo na tinawagan pa nito at pinapunta sa mansion ang family doctor at kaibigan nito na si Dr. Lian Fort. Halos matunaw siya sa hiya nang ipakilala siya ni Thadeo bilang fiance nito. Mabait naman at friendly si Doc Lian. Panay nga ang tukso nito sa kanila nito partikular na kay Thadeo. Binigyan siya nito nang gamot pampababa nang lagnat at sinabihan siyang mag pahinga nang husto at wag munang gumawa nang mabibigat na gawain o mga exercises.
Nang makita niyang kinindatan ni Doc Lian si Thadeo ay saka lang niya naintindihan ang ibig nitong sabihin. Halos mag tago na siya sa ilalim nang kumot dahil doon. Umiling iling lang naman si Thadeo sa kaibigan.
Saglit niyang nakita ang kambal nang bisitahin siya nang mga anak sa silid ni Thadeo. Ayaw naman niyan mahawa sa sakit niya ang mga bata kaya Hindi muna niya hinawakan o binuhat ang dalawa. Kaya sina Hanna at Mila muna ang mag aalaga sa kambal.
Sigurado siya na alam na sa buong mansion ang tungkol sa kanilang dalawa ni Thadeo. Sa kabila nang kasiyahan na nararamdaman ay hindi pa rin niya maiwasan ang mag alala.
Hindi niya alam kung naka usap na ni Thadeo sina Gon at Zar. Hindi pa din niya nakikita ang dalawa simula pa kahapon. Ang sabi ni Thadeo ay ito na ang bahala sa dalawang panganay nito.
Umiling iling si Manang Rosie sa kaniya. Hinawakan nito ang mga kamay niya at ngumiti.
"Wag kang mag alala sa mga bata
Kami na muna ang bahala sa kanila. Inaalagaan din sila nina Zar at Gon. " Ang sabi ni Manang Rosie. Pinisil nito ang kaniyang mga kamay. " Wala kang dapat ipag alala kina Zar at Gon, Lula. Malawak ang pang unawa ng kambal. Matatanggap nila ang mga kapatid nila...."Napatingin siya sa mga mata ni Manang Rosie. Nangilid ang mga luha sa mga mata niya. Sinabi na ni Thadeo na alam na din ni Manang Rosie noon pa na si Thadeo ang ama nina Miles at Goldie. Ito ang kauna unahang tao na naka unawa sa mga pinag daanan nila ni Thadeo bago sila nakarating sa sitwasyon nila ngayon.
"M-Manang Rosie...." Wala siyang maapuhap na salita dito. Nagpapasalamat siya sa pang unawa at sa kabaitan nito.
"At wala nang iba pang mag papasaya kina Gon at Zar kundi ang makitang masaya si Thadeo. Kung alam mo lang kung gaano nila katagal hinintay na maging masaya si Thadeo, Lula." Ang nakangiting dagdag nito.
Nahihiyang ngumiti siya dito.
"Maraming salamat po Manang Rosie....s-sa pang unawa...M-Masaya din po ako na sa wakas....kapiling na din nina Miles at Goldie ang tatay nila."
Tumango tango si Manang Rosie na ngumiti.
"Dapat lang na lumaki ang kambal na buo ang pamilya nila. Ito na ang tamang panahon para buoin nyo ang inyong pamilya, Lula. Para sa mga bata..." Muling pinisil ni Manang Rosie ang kamay niya at tumayo na.
BINABASA MO ANG
Thadeo Alvaro Estevez
RomanceIsang malaking pagkakamali Ang nagawa ni Luella o Lula. Dala nang kalasingan ay nagawa niyang isuko ang sarili sa Isang lalaki na kahit kailan ay hindi magiging kaniya. Isang bawal na pagtingin para sa Isang lalaking lihim niyang itinatangi. Alam ni...