Lula's POV
Sa tagal niya sa Hacienda Estevez ay Hindi pa siya nakarating kahit kailan sa burol na iyon na malapit sa hangganan ng hacienda Estevez at sa kabilang hacienda na pag mamay ari nang dating asawa ni Thadeo.
Masarap sa pakiramdam ang mabining dapyo ng hangin sa balat niya. Presko sa pakiramdam kaya Hindi naging iritable ang mood Ng kambal.
Isang pick up truck Ang sinaktan nila ni Sir Thadeo. Hindi naman mahirap ang daan kaya maayos silang naka rating sa patag na bahagi ng burol. Mula sa lugar na kinahintuan Ng pick up ay kita ang isang maliit na kubo na tila pahingahan.
"Nagustuhan mo ba ang lugar, Lue?"
Wala sa sariling napangiti siya nang marinig ang pangalang itinawag nito sa kaniya. Lue.
Pakiramdam niya ay ay close na sila nito. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kilig kahit hindi naman dapat.
"Ngayon lang po ako nakarating dito." Tumango siya dito.
"Because this place is off limits to others. This place is kind like a sanctuary to me." Pinag masdan ni Sir Thadeo ang paligid. Kalong nito si Miles sa Isang bisig nito habang hawak Naman Ng kabilang kamay nito ang basket na may lamang mga pagkain.
"Noong maliit pa sina Gon at Zar ay dinadala ko sila dito."Tumango tango siya dito habang kalong si Goldie. Nilalaro nito ang buhok na tumakas sa pagkakaipit sa tainga niya.
Naglakad Sila nang kaunti para makarating sa kubo. Maayos naman ang pathway patungo sa kubo kaya Hindi Sila nahirapan kahit pa parehas nilang kalong Ang kambal.
Isang maliit na terrace Ang bumungad sa kanila pag pasok nila sa kubo. Mula sa pasukan Ng kubo ay kita na ang kusina sa bandang kanan at Isang maliit na sala na gawa din sa kawayan. Presko at maaliwalas Ang interior sa loob Ng kubo. Napansin niya na may Isang tila maliit na silid sa Isang banda Ng kubo.
"May naglilinis dito Isang beses sa Isang linggo para laging malinis at maayos dito kahit bihira akong magpunta dito." Ibinaba ni Sir Thadeo ang dalang basket sa Isang mesa sa kusina.
Nagtungo naman siya sa may terrace at naupo sa isang rocking chair doon. Humagikhik si Miles nang magsimulang gumalaw Ang tumba tumba.
Nakangiting lumapit si Sir Thadeo sa kanila. Naupo ito upuang katapat nang sa kaniya. Nasa kandungan naman nito si Miles na tumatalon talon.
"It's nice to come back here with you and the kids." Ang biglang sabi ni Sir Thadeo na naka tingin sa kaniya.
Na off guard siya dito kaya Naman bigla siyang namula. Hindi niya malaman Ang isasagot niya dito. Tila Kasi may laman Ang mga salita nito sa kaniya. Hindi niya maiwasan ang kabang unti unting bumabangon sa dibdib niya.
"S-Salamat po sa pag imbita ninyo sa amin dito, Sir." Ang nahihiya niyang sabi dito.
"You're always welcome here, Lue. You and the twins. Ariin ninyong sa inyo na din ang lugar na ito."
Natigilan siya sa sinabi nito. Ayaw niyang bigyan ng kahulugan ang bawat salita na lumalabas sa bibig nito. Pero hindi niya maiwasang mag isip nang kung ano ano.
Saglit na nabalot Ng katahimikan Ang paligid nila bago muling nag salita si Sir Thadeo.
"Mag kakaroon bukas ng maliit na salu salo sa mansion para sa pagbabalik nina Gon at Zar. At para na din I celebrate ang unang pag aani natin nang pinya ngayong buwan."
BINABASA MO ANG
Thadeo Alvaro Estevez
RomantizmIsang malaking pagkakamali Ang nagawa ni Luella o Lula. Dala nang kalasingan ay nagawa niyang isuko ang sarili sa Isang lalaki na kahit kailan ay hindi magiging kaniya. Isang bawal na pagtingin para sa Isang lalaking lihim niyang itinatangi. Alam ni...