Chapter 12

1.5K 23 0
                                    


Lula's POV


Pagkamulat pa lang ng mga mata niya ay agad rumehistro sa isip niya na wala siya sa silid nilang mag iina. Napa pikit siya nang mariin nang maalala ang mga naganap kagabi at kaninang madaling araw.

Tila naramdaman nang katabi niya ang pag gising niya. Agad nitong hinapit ang baywang niya palapit sa katawan nito. Napakagat labi siya nang maramdaman ang pamilyar na bahaging iyon ng katawan ni Thadeo. Ang parte ng katawan nito na halos mag pabaliw sa kaniya kagabi hindi lang isang beses kundi paulit ulit pa.

Hindi niya maiwasang pamulahan nang mukha habang nanariwa sa kaniyang alala ang mga nangyari sa kanila ni Thadeo.

"Good morning baby. How are you feelin, hm?" Hinalikan nito ang batok niya na naghatid nang libo libong boltahe ng kuryente sa kaniyang katawan.

"G-Good morning din..." Tumingin siya patagilid dito. "Anong oras na?"

"It's still early. You need to sleep more." Mas hinapit nito ang baywang niya. Dama niya ang init nang hininga nito sa batok niya. "Aren't you tired?"

Pinakiramdaman niya ang sarili. Inaantok pa din siya at parang medyo pagod ang katawan. Pakiramdam niya ay tila lalagnatin siya. Mainit ang pakiramdam niya.

"Medyo." Agad niyang naisip ang kambal. " Ang mga bata? Baka gising na sila." Nag aalala niyang sabi dito.

"Don't worry, baby. The kids are fine. Hanna is with them." Kaswal na Sabi nito na mas Lalo pa siyang hinapit palapit sa katawan nito.

Napatingin siya kay Thadeo.

"S-Si Hanna? Ba...Bakit? Kasama niya ang mga bata sa silid namin?" Parang na uutal na tanong niya dito.

Pinihit siya ni Thadeo paharap dito. Nakita niya nang kumunot nang bahagya ang noo nito.

"I asked her last night to accompany the kids." Ang tanging sinabi nito. Parang wala lang dito ang sinabi habang siya ay tila binalot na nang kaba ang dibdib.

Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Thadeo. Ibig bang sabihin nito ay alam ni Hanna na magkasama sila ni Thadeo buong magdamag?

"A-Alam ba ni Hanna---"

" Yes." Bumuntung hininga si Thadeo bago mahigpit siya nitong niyakap. Napalunok siya nang maglapat ang hubad nilang katawan. Agad niyang naramdaman sa may tiyan niya ang parte ng katawan ni Thadeo na tila unti unting nabubuhay muli. " They will know eventually about us, Lue. You don't have to worry about it."

"P-Pero..." Naisip niya sina Gon at Zar. Hindi niya alam kung paano tatanggapin nang mga anak ni Thadeo ang tungkol sa kanila nito. Magagawa kaya siyang matanggap nang mga ito para kay Thadeo? Paano kung hindi siya matanggap ng mga ito? Paano na sila nang mga anak niya?

"I'm going to talk to Gon and Zar about us, later. You don't have to worry about them. They will love you and the twins." Mabining hinalikan nito ang dulo ng ilong niya. Hindi pa din niya maiwasang kabahan. Natatakot siya na baka Hindi siya matanggap ng mga anak nito para kay Thadeo. At ang kaniyang mga anak. Magagawa din kayang tanggapin ng maga ito sina Miles at Goldie?

"Aren't you happy were together now? I always dreamed of this, baby. You, in my arms. Us, together in one bed. You complete me now, baby. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya, Lue." Marubdob ang mga mata nitong punong puno nang pag ibig para sa kaniya.

Unti unting tila natutunaw siya sa mga titig nito. Ang takot at pangamba niya ay tila nalulusaw sa init nang pag mamahal nito sa kaniya.


Napa buntung hininga sabay subsub nang mukha sa matipunong dibdib nito. Dama niya ang malakas na tibok nang puso nito. Bakit nga ba siya matatakot gayong kasama naman niya si Thadeo? Alam niya na hindi siya nito pababayaan, maging ang kanilang mga anak.


Thadeo Alvaro EstevezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon