Chapter 25

909 16 0
                                    


Somewhere in Quezon Province

Malakas ang ihip nang hangin sa dalampasigan. Papalubog na ang araw nang mga sandaling iyon.Napaka gandang pagmasdan mula sa balkonahe nang beach house ang kulay kahel na langit habang dinadama niya ang malamig na hangin. It is indeed a peaceful day.

Napakunot noo siya habang napatanaw sa isang babae na nag lalakad sa may dalampasigan.

"Nanang Elsa...." Ang tawag niya sa matandang babae na itinuring na din niyang pangalawang Ina. Sakto naman na palabas din ang babae nang bahay. Lumapit ito sa kaniya at nakitanaw din sa balkonahe.

"Kanina pa po ba si Polly sa dalampasigan?" Ang tanong niya dito.

Ngumiti ito sa kaniya at tinanaw din ang babae na naglalakad sa dalampasigan.

"Oo. Sinabihan ko naman siya na na bumalik din pag kalubog nang araw." Ang nakangiting Sabi ni Nanang Elsa.

Lalong kumunot ang noo niya sa sinabi nito.

"Padilim na din mamaya. Malamig na din. Makakasama sa kaniya kapag nalamigan siya."

Bahagyang tumawa si Nanang Elsa sa kaniya. Talagang kilalang kilala siya nito. Alam nito na sa kabila nang pagiging istrikto at minsan ay masungit niya, alam pa rin nito na nag aalala siya para kay Polly.

" Hayaan na muna natin si Polly kahit ilang sandali pa. Kailangan din naman niya na makapag isip isip nang mag isa." Ang sabi nito na nakangiti ngunit mababakas pa rin sa mga mata nito ang lungkot.

Alam niya na nag aalala ito para sa bisita nilang si Polly. Kahit sa maikling panahon ay napamahal na ito sa misteryosong babae na nakita niyang walang malay sa kakahuyan anim na buwan na din ang nakaka lipas.

Nang matagpuan niya si Polly, nakita niya ang mga sariwang sugat at pasa sa buong katawan nito. Agad niyang dinala ito sa bahay at doon ay ginamot ito.

Kinupkop nila si Polly at pinatira sa resthouse kasama ni Nanang Elsa. Si Nanang Elsa at ang asawa nitong si Tatang Greg ang nangangalaga sa beach house niya.

Nang magkamalay ito sinabi nito na wala daw itong maalala sa mga nangyari dito. At kahit ang pangalan nito ay hindi din nito maalala.

Dinala din niya sa ospital si Polly para matingnan nang Isang espesiyalista. Ang sabi nang kaibigan niyang doktor na si Drake, ay may amnesia daw ito dala nang trauma na maaring naranasan nito. Pinayuhan pa siya nito na dalhin na lang ito sa police station dahil hindi daw sila makakasiguro sa katauhan nang babae. Maaari daw na isa itong masamang tao o kaya ay nag tatago ito sa batas at sa mga pulis.

But he doubt about her being a criminal. Mukha naman itong inosente at hindi gagawa nang masama laban sa kanila. Siguro ay dahil mayroon siyang nababasa sa pagkatao nito. He saw pain and hurt in her eyes when he asked her about herself. Nang sabihin nito na hindi nito maalala ang pangalan nito, pinangalanan nila itong Polly.

Hindi siya madalas mag tungo sa beach house niyang iyon dahil na din sa negosyo niya sa Manila. Pero aaminin niya na simula nang dumating si Polly, mas dumalas ang pag uwi niya nang Quezon. Naiintriga kasi siya sa mga ikinukuwento ni Nanang Elsa tungkol kay Polly.

Napaka bait daw ni Polly at masipag. Hindi daw ito mahirapa pakisamahan. Tumutulong daw ito sa mga gawaing bahay kahit na sa kabila nang kalagayan nito.

At dahil nga nasa abroad ang nag iisang anak nila Nanang Elsa at Tatang Greg, agad na na palapit ang mag asawa kay Polly. Parang anak na din kung ituring nang mag asawa si Polly.

Thadeo Alvaro EstevezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon