Chapter 15

1.4K 20 2
                                    




Lula's POV


Bantulot na nag paalam siya sa mga anak. Mabuti na lang at maganda ang mood ng mga ito habang naglalaro sa silid ng mga ito kasama sina Hanna at Mila.


Napa buntung hininga siya at lumabas na nang silid. Sinabi ni Hanna na nag hihintay na si Thadeo sa labas ng mansion.


Inimbitahan siya ni Thadeo na mamasyal. Hindi nila isinama ang kambal dahil may sorpresa daw ito sa kaniya. Nag iisip tuloy siya kung ano kayang sorpresa iyon.



Nakangiti si Thadeo nang makita siyang palabas ng front door ng mansion. Inilahad nito ang kamay sa kaniya at bahagya siyang hinila patungo sa gilid na bahagi ng mansion kung saan nandoon ang kulungan ng mga kabayo.


"Mangangabayo tayo?" Ang tanong niya kay Thadeo nang lumapit sila sa kabayo nitong si Orion. Malaking kabayo ito at kulay itim. Halatang may lahi ang kabayong ito batay na din sa laki at taas nito. Hindi gaya ng ibang ordinaryong kabayong naroon sa kwadra.


"Yes. Mas papabilis tayo kung sasakay tayo sa kabayo. And it's only the two of us, baby." May ngiti sa mga labi nito habang ini ihahanda si Orion.



Nang matapos ihanda si Orion ay isinakay na siya nito sa likod nito. Medyo nalula siya sa taas ni Orion.



"Are you okay?" Nag aalalang tanong ni Thadeo nang makita ang ekspresyon sa mukha niya.


"Okay lang ako. Nanibago lang siguro ako sa kagaya ni Orion. Ang laki kasi niya." Medyo nangingiting sabi niya dito.


" Wala kang dapat ikatakot sa kaniya, Lue. Despite being a giant, he's very gentle and calm." Ang sabi ni Thadeo bago sumakay sa likod na bahagi niya.


Hinawakan nito sa isang kamay  ang renda ng kabayo at nagsimula na itong tumakbo ng banayad. Ang isang kamay naman nito ay nakapulupot sa baywang niya. Hindi niya maiwasang isandal ang likod sa matipunong dibdib nito.



"Saan ba tayo pupunta, Thadeo?" Mayamaya ay tanong niya. Binagtas nila ang daan malayo sa taniman ng pinya.



"Sa burol. Nandoon ang surpresa ko sayo, Lue." Ang bulong ni Thadeo sa isang tainga niya. Ang mainit nitong hininga ay nagdala ng tila maliliit na boltahe ng kuryente patungo sa bawat himaymay ng kaniyang katawan.
Ang mainit nitong hininga sa batok niya ay nag bibigay init at kumikiliti sa pagitan ng mga hita niya.



Eksaktong isang linggo na mag mula nang huling mag talik sila ni Thadeo. Ramdam niya ang sekswal na tension sa pagitan nila lalo na sa tuwing napag iisa silang dalawa. Ngunit nanatiling kalmado si Thadeo at talagang pinigilan nito ang lumabis pa sa halik ang kanilang napag sasaluhan. Ganun pa man, ramdam niya ang matinding pag pipigil ni Thadeo na angkin siya dahil na rin sa pagkakasakit niya.
Marahil ay nag aalala ito na muli siyang magkasakit kapag napagod siya nang husto.



Pinakiramdaman niya ang sarili. Maayos na naman ang pakiramdam niya at tila bumalik na din ang lakas niya at magana na ulit siyang kumain.


Ayos lang naman sa kaniya kung sakaling may mang yari ulit sa kanila ni Thadeo. Inaamin niyang namimiss na niya ito. Bagamat lagi naman silang magkasama nito, hindi niya maiwasang mangulila dito.



Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang epekto ni Thadeo sa kaniya. Pakiramdam niya ay kulang ang mga sandali na magkasama sila nito.


" Malayo pa ang birthday ko Thadeo." Ang inosenteng sabi niya dito. Kinakabahan na na eexcite siya mga mangyayari.


Natawa naman si Thadeo at hinagkan ang batok niya na ikinapitlag naman niya.


Thadeo Alvaro EstevezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon