Chapter 22

898 12 3
                                    



Thadeo's POV



Sinamahan siya ni Zar sa pag punta niya sa mall. Ito ang nag drive nang kotse dahil sa tingin niya ay hindi niya magagawang makapag drive nang maayos.


His mind is clouded by so much worry and fear. His heart is aching with need and longing to see her. He felt like he's started to lose his mind.


Tahimik lang si Zar habang nag da drive ngunit alam niya na nag aalala na din ito para kay Lula at maging sa kaniya.


Maybe because this is the first time Zar saw him like that. He's a very calm person. He's sometimes nonchalant and a kind of stoic. But that was then, before he met and fall in love with Lula.

Lula changed him. He became more expressive with his  thoughts. Mas madalas na siyang tumawa. Hindi niya alam na kaya din pala niyang mag pakita nang ibang emosyon bukod sa pagiging tahimik at seryoso.  Na kaya din pala niyang mag pa hayag ng pagmamahal na hindi isinasa alang alang ang sasabihin nang ibang tao.


With Lula, he can let himself be free and at peace. Natutunan niya ang maging kontento sa buhay basta nasa tabi lamang niya si Lula.


And now, he can't just accept the possibilities of not seeing her again. He can't. Pakiramdam niya ay mababaliw siya kapag hindi niya nakita si Lula.


Mabilis na nakarating sila sa mall kung saan nag punta sina Lula at Hugo at agad nakipag ugnayan sa security department ng mall. Maging ang may ari nang mall ay nandoon na din upang harapin sila. He knows the owner of the mall dahil minsan na din silang nag kakilala sa isang social event.


" We are doing our best, Mr. Estevez. The security team is reviewing the CCTV footage of your wife." Ang sabi ni Mr. Leon Del Carmel, ang may ari ng mall.


Napatingin sila sa monitor kung saan nila pinapanood ang bawat footage nang cctv.


"Eto po yung pa punta na siya sa restroom, sir." Ang sabi ng head ng security department ng mall.
Nakita nga nila si Lula na pumasok sa hallway na patungo sa restroom. Sa mismong tapat ng restroom ay may video din kung saan pumasok si Lula sa ladies room. Napakunot noo siya nang makita na nagtagal si Lula sa loob ng ladies room.


"Halos twenty minutes siya sa loob ng ladies room, sir." Bahagya pa siyang nilingon nito bago Ibinalik ang tingin sa monitor.
" Ayan, palabas na po siya."


Nakita nga nila na lumabas na si Lula na tila bakas ang pag aalala at pagkabalisa sa mukha.


Napahawak siya sa noo niya. Iniisip niya kung anong sanhi nang pagiging balisa ni Lula. At bakit kaya ito nag tagal sa loob ng ladies room?


"You said after that, hindi na naka balik si Lula sa meeting place ninyo?" Ang tanong ni Zar kay Hugo.


"Opo, sir. Sinabi niya na hintayin ko na lang siya doon sa labas ng restaurant na malapit lang din restroom area. Tanaw naman yun doon sa kinatatayuan ko ngunit hindi ko po talaga nakita si Lula na lumabas sa restroom." Bakas pa din ang sobrang pag aalala sa mukha ni Hugo.


Naiintindihan niya kung bakit. Maraming tao ngayon sa mall at marahil ay hindi na rin nito napansin nang lumabas si Lula nang restroom.


" Heto na po siya sir. Dumaan siya sa may food court." Pagkatapos ay itinigil nito ang footage sa tapat nang isang arcade. "Ayan po siya. Tumigil po siya diyan na tila parang may hinihintay. " Ipinlay ulit ng security ang footage. Nakita nila si Lula na palinga linga sa paligid. Mayamaya lang ay may lumapit dito na isang lalaki. Hindi na nila kita ang mukha nang lalaki dahil nakatalikod ito sa cctv. Pag katapos mag usap sandali nang mga ito ay agad na umalis ang dalawa. Tila nag mamadali ang kilos nang dalawa.


Thadeo Alvaro EstevezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon