CHAPTER VIII

317 21 0
                                    

ERION

Tuesday

Inagahan ko ang gising ko ngayon para maaga ko rin makasama si Dana baby, nakamotor na ako ngayon at malapit na sa school. Naligo at kumain ako ngayon para hindi siya magalit sa akin, ayaw niyang pinapabayaan ang sarili ko. Sarap sa feeling ng may nag-aalala.

Pagkarating sa school ay tumakbo agad ako papuntang room namin, masaya pa akong pumasok sa room para batiin agad siya pero hindi ko siya nakita sa upuan niya.

"Nanlumo mukha ah", natatawang bati ni Yesha.

"Bakit wala siya pero nandito bag niya?" Nagdududang tanong ko sa kaniya.

"Nasa training siya baliw, parang boyfriend ang peg", nakangisi niyang sabi sa akin.

Napasimangot naman ako dahil buong umaga ko siyang hindi makakasama at makikita. Nakakatamad pa naman kapag wala siya rito hays.

Lumipas lahat ng subject na tulala lang ako at nalutang ang isip ko, buti na lang hindi ako tinatawag at napapansin ng mga teacher. Gusto ko sana makita si Dana baby bago ako umuwi kaya pupuntahan ko siya ngayon para silipin siya.

Habang naglalakad ako ay may dalawang lalaki na humarang sa daanan ko. Napakunot-noo naman ako dahil sa trip nitong dalawa, lalampasan ko na sana sila nang bigla nilang hawakan yung magkabilaang braso ko at may sumapak sa mukha ko.

Yung gagong ex ni Danaea.

Napangisi naman ako sa kaniya bago ko siya dinuraan sa mukha.

"Hina mo naman sumapak, bakla ka ba?" Pang-aasar ko sa kaniya kaya lalo siyang nagalit.

Nakatanggap ako ng kabilaang suntok sa mukha at isa sa tiyan kaya napangiwi ako.

"Masyado kang pakialamero sa amin ni Danaea kaya dapat lang 'to sayo!" Galit niyang sigaw sa akin bago ako tinadyakan.

Sinipa ko naman yung binti ng dalawang nakahawak sa akin kaya napabitaw sila, kinuha ko naman itong pagkakataon para makasapak sa gagong yun. Nakakadalawang sapak pa lang ako nang hawakan na naman ako sa braso.

"Hayop ka!" Sigaw niya sa akin habang patuloy akong tinatadyakan sa mukha.

Ang gwapong mukha ko fuck, masisira.

Halos hindi na ako makadilat pero hindi pa rin siya nahinto sa pagtadyak, napatigil lang siya nang biglang dumating ang isang teacher.

Ma'am Balloon to the rescue.

Lumapit agad sa akin si ma'am kaya ngumiti ako sa kaniya.

"Bugbog sarado ka na't lahat, ngumingiti ka pa rin mag-isa", nailing na sabi niya.

Hindi naman ako makapagsalita dahil sa natamo ko, inalalayan naman ako ni ma'am papuntang clinic. Nagpatulong pa siya sa isang student kasi hindi niya ako kaya mag-isa sa bigat ko.

Hindi naman ako mataba, sadyang mabigat lang muscles at abs ko.

Pagkarating sa clinic ay ihiniga agad ako, sakto namang may tumatakbong nakasunod sa amin.

Ang Dana baby ko.

"Bakit ka nagpabugbog?!" Galit niyang sigaw sa akin.

Hindi ako makasagot kaya ngumiti na lang ako sa kaniya, napakunot-noo na lang siya bago kumuha ng first aid kit para gamutin ako.

Nakatitig lang ako sa kaniya at mahahalatang galit na galit nga siya talaga, habang ginagamot niya ang mga sugat ko ay may halong diin yun kaya napapangiwi ako.

"Dana baby, masakit 'wag mo naman diinan", naiiyak kong sabi sa kaniya.

"Ano 'di ka makangiti ngayon, no? Tsk, 'di ka kasi lumaban para hindi ka sana bugbog sarado", gigil niyang sabi.

When the Light Fades Away (When The Series #1) | UNDER REVISION | ON HOLD Where stories live. Discover now