Chapter I ⚠️🔞

2K 23 2
                                    

GWENNETH P.O.V


Kasalukuyan akong nasa Baguio, para maghiking at siyempre makalimot na rin sa pait at pighati na dinanas ko from my past boyfriend.



Nandito ako para kahit papaano, makalimutan ko man lang siya ng isang beses hanggang sa masasanay na ako.


Nasa isang forest kami, kung saan isang groupo ang kasama ko para sa hiking. I mean, isang company lang ang tour guide na kasama namin. Tapos ang bayad pa ay medyo mura lang naman sa pag totour guide niya samin.

Nang makarating sa kabundukan ay medyo hinihingal pa ako, dahil sa mabigat ba naman ang mga dala ko. Need rin kasi namin magdala ng tent para may matulugan kami at maganda daw kasi dito sa bundok kapag gabi na.




Siyempre, may dala akong pagkain at inumin, pwede bang mawala yon?

Napapikit ako ng mata ng may sunod na sunod na flash na tumama sa mukha ko.



Isang lalaki ang kumukuha ng pic sakin, photographer ata siya ng kompaniya ng 'Tourist Guide You'

"Sandali kuya, di pa nga ready eh."-reklamo ko rito. Binaba ko muna ang mga dala ko.

"Excuse me miss."-rinig kong boses niya.

*Dugdugdugdug.

Teka, bakit bigla akong kinabahan sa boses niya? Liningon ko naman siya.

"Pwede bang umalis ka ng konti, nakaharang ka kasi sa kinukunan ko na view eh."-masungit na sabi niya.

What? Napalingon pa ako sa may tabi ko, wala naman akong ibang katabi eh.

"Eh, ako lang naman ang nandito ah."-medyo umirap pa ako sa kaniya. Sayang pogi pa naman, tapos masungit at masiyadong seryoso ang mukha.

"Can't you see, yong tulips flower ang kinukunan ko hindi ikaw, feelingera."-masungit na saad niya at lumapit pa ito sakin. "Tabi diyan!"-saad niya at mahinang tinulak ako nito palayo doon sa may tulips flower. Para kasing ligaw na tanim siya, dala dalawa lang ito.

Sus, yon lang? Bakit kailangan pang manulak?

Umalis na lang ako dala ang mga gamit ko, malapit na kasi magggabi ngayon at medyo lumabas na rin ang sunset. Nagtayo ako ng tent sa di kalayuan sa mga grupong kasama ko, then naupo ako sa may entrance ng tent ko habang pinapanood ang magandang sunset at kumakain na rin.

Then nahagip ng mata ko yong lalaki kanina na masungit, na kumukuha ito ng pictures ng sunset. Photographer ba talaga siya ng Tourist Guide You? Bakit hindi niya kami kinukunan ng pictures, sinosolo niya lang ang camera.

Mas masaya sana manood ng Sunset, kung may kasama ako. Pero wala eh, wala na kami ilang buwan na ang nakakalipas simula nung nakipaghiwalay sakin ang RPW Boyfriend ko.

Alam ko RPW lang yon, pero sa kaniya ko lang kasi naramdaman ang ganong saya tuwing kausap siya. Hindi siya nawawala ng kwento sakin, at napaka open niya sa lahat ng bagay. Hindi rin siya boring at may sense of humor pa, hindi nawawalan ng banat at sasabihin sakin.

Namimiss ko na siya ng sobra, wala na rin kasi kaming communcation since that day na nakipaghiwalay siya at pinapalaya niya ako. Hindi na rin siya nag oonline pa at naka deactivated mga account niya.


Puro kasi kami away, bukod sa seloso siya. Gusto niya, on time ako lagi magchat sa kaniya.

At tiyaka  nasa malayo rin siya ngayon para magtrabaho, nag aaway kasi kami sa isang bagay na hindi namin mapagkasunduan.

Hindi ko rin kasi siya maintindihan minsan eh, minsan gusto ko rin siyang sampalin sa ginawa niya sakin. Kaso di ko naman alam mukha niya, kasi ayaw niyang ipakita.

Pero ako, kitang kita niya ang mukha ko, tapos siya hindi ang unfair non, sobra!

Siya lang kasi yong lalaking nagparamdam sakin ng ganito, kahit na napakaprangka niya at masiyadong madaldal minsan. Pero atleast hindi ko naranasan maboring tuwing kausap siya.

Pero naranasan ko naman ang umiyak tuwing hindi niya ako kinakausap, napaka moody niya rin as in. Mas tuyuin pa siya sa mga babae eh, mas malala pa siya saming mga babae.

Haysss! Nakakapagod maghiking, kaya mahihiga muna ako.

Sinara ko ang tent ko, di Zipper naman ito eh. At wala naman sigurong papasok dito.

Nahiga ako ng patagilid at ginawang unan ang bag ko. Akala ko kapag pumunta ako rito, makakalimutan ko na siya ng tuluyan. Pero hindi pa rin eh, siya lang talaga ang mahal ko.

Minsan napapaiyak na lang ako bigla tuwing naalala siya at binabalikan ang mga masasaya naming convo na puro kagagahan, asaran at kung minsan ka sweetan niya. Maalalahanin din siya masiyado, at nagagalit siya tuwing nalilipasan ako ng gutom at kapag nagpupuyat ako.

Dati ang mama ko lang nagagalit sakin eh kapag ginagawa ko yon, kaya mahirapa talaga kalimutan ang isang tulad niya.

POSSESSIVE ; FIRST NIGHT WITH MY FUBUWhere stories live. Discover now