Chapter II ⚠️🔞

1.7K 26 6
                                    

Sa kalagitnaan ng tulog ko, nagising ako dahil sa sobrang lamig. Hindi man lang ako nakadala ng kumot pala. Tapos mag isa pa akong naglakwatsa ng ganito for moving on.

Paano ba ako makaka move on kasi, every gigising ako at matutulog siya lagi nasa isip ko at hindi pa rin siya mawala wala.

Kumakalam na ang sikmura ko. Medyo napahawak pa ako sa tiyan ko, kanina pa kasi ako walang kain pag alis sa lugar namin at pagdating dito.

Binuksan ko naman ang bag ko na may mga laman na pagkain, buti may cup noodles ako. Pero napalukot mukha ko ng maalala kong wala naman pala na mainit na tubig para maluto ko ito.

Baka may mainit na tubig sa mga kasamahan ko. Lumabas ako ng tent at nasalubong ko ang malamig na simoy ng hangin. Natanaw ko ang may nagbobonfire sa may medyo malayo tapos may tent sa may malapit.


Sa kaniya na lang ako magtatanong, baka sakali na may mainit na tubig siya. Para kasing may linuluto siya na something. Naglakad ako papalapit doon na medyo linalamig dahil sa malamig na simoy ng hangin.

Dapat next time, may kasama na ako kapag pupunta dito tapos  may kayakap na rin sa lamig. Char!

Pero puntahan kasi ito ng mga mag momove on daw na tao. Hindi ito pasiyalan ng mga couple or may healthy relationship para lang daw talaga ito sa mga broken hearted.

Nang makalapit sa kaniya ay para ngang may linuluto ito, may iniihaw siya na whole chicken at medyo mabango ah. Pero teka---  siya yong masungit kanina eh.

"May kailangan ka ba?"

Napaurong naman ako sa kinatatayuan ko at medyo kinabahan pa ng magsalita siya. Busy ito mag ihaw habang nakatusok yung Whole chicken na parang pinapaikot niya. Parang sa letchon, parang relasiyon namin noon pinaikot ikot niya lang ako hanggang sa ma-inlove ako ng tuluyan sa kaniya.

"Ehh kasi, may hot water ka ba? Ang lamig kasi eh."

Pero medyo hindi na ako nakakaramdam ng lamig, dahil medyo mainit ang singaw ng bonfire na ginawa niya. Tinuro naman niya yong nasa may gilid, takure ito.

Ay wow ah! Buti pa siya, nakaready. Eh kumusta naman kaya ako na hindi pinaghandaan ang pagpunta ko rito. Basta nakita ko lang siya sa socmed, grinab ko na kasi mura lang naman.

Linapitan ko naman yong takure at binuksan ang cup noodles ko at linagyan ko na ito.

"Gusto mo ba akong sabayan kumain?"-rinig kong tanong niya at pag alok nito. Really? Pero...

"Okay lang sayo?"-tanong ko pa rito na medyo nainigurado. He just nodded with his serious facial expression.

May folding chair din pala siya na inuupuan ngayon tapos may folding table din. Grabe, nakapag ready talaga siya ng bongga ah.


"Ikaw na maupo rito."-pag alok pa niya at linapit sa akin ang folding chair tapos hinain niya yong iniihaw niya na whole chicken. Mabait namam pala, akala ko masungit siya. Nagbebase lang kasi tayo sa first impression natin para makapag judge.


Linapag niya sa mesa yong inihaw na chicken then pumasok siya sa loob ng tent niya paglabas niya may dala itong folding chair. Dala - dalawa ba dala niya pagpunta dito?





"Kain kana, first time ko magluto ng chicken inasal."-sabi pa niya at naupo na ito. Bale magkaharap kami ngayon, medyo nakakahiya tuloy sa kaniya.

"Pero, bakit dalawa dalawa mong upuan?"-tanong ko sa kaniya pero hindi naman ako makatingin sa kaniya.

Para kasing familiar ang mukha niya sakin. Parang kamukha niya yong favorite Chinese Actor ko. Singkit kasi siya, tapos matangos ang ilong at tiyaka....



"Actually, dalawa sana kaming pupunta na magkasama dito. Nagkaroon ng emergency  ang kaibigan ko, kaya pangcalawahan na tao ang mga dala kong gamit."-he explained at chinop niya yong chicken ,hinati niya ito. Paper plate pala ang gagamitin namin para makakain. At may dala rin siyang Rice cooker ah, halatang hindi nagready.

Siya pa ang naglagay ng kanin sa paper plate na nasa harap ko.

"Kain kana, wag kang mag expect na kasing lasa yan ng mga chicken inasal."-he said seriously. Kailan ba siya ngingiti?

Pogi naman pero, di man lang magawang ngumiti kahit 1 seconds lang. Nagsimula na siyang kumain, may gamit pala siya na Fork at Knìfe panghiwa doon sa karne.

Hindi ba siya marunong magkamay?

"Ma over cooked yang noodles mo. Hindi masarap kapag over cooked na."-saad niya. Ay oo nga pala, muntik ko ng makalimutan na may linuluto nga pala ako na noodles.

Binuksan ko na ang takip nito, hindi pa naman masiyado over cooked ito.


"Alam mo bang pwede maapektuhan ang liver mo kapag nasobrahan ka ng ganiyan. Ma acid kasi ang seasonings niyan, kaya dapat balanse lang sa pagkain niyan."-saperyosong saad niya. Ah ganun pala yon, eh hindi naman ako mahilig talaga sa noodles.

"Salamat sa warning mo, tatandaan ko yan."-sabi ko at medyo nahihiya pa. Humigop na lang ako ng konting sabaw ng noodles para medyo mainitan naman ang loob ng lalamunan ko.

May kinuha ito sa may gilid, woah! May cooler din siyang dala? Yong maliit lang na cooler tapos may linabas na can in beer. Astig talaga! Boy scout ata siya nung elementary days niya noh?

"Umiinom ka ba? Pwede mo ko samahan."-sabi niya at may inaabot ito na isang can in beer sakin. "Pumunta ka dito para mag move on diba? Ayan, uminom ka kahit saglit tapos after niyan ilabas mo lahat na hinanakit mo sa kaniya."-saad niya.

Teka? Ano bang sinasabi niya?

"Kilala mo ba ako at alam mo na may hinanakit ako sa---"-hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng umiling iling siya.

"Hindi kita kilala, pero ang lugar na ito pinupuntahan ng mga sawi sa pag ibig at ganun ka din, diba?"-tanong niya diretso sa mga mata ko. Dahan dahan akong tumango sa kaniya. Parang napahiya pa tuloy ako sa kaniya.

"Eh ikaw, broken hearted ka rin ba?"-tanong ko naman sa kaniya. Napalingon pa ito sakin at maya maya tumango tango ito. "Bakit kayo naghiwalay ng Jowa mo?"-tanong ko sa kaniya.

Lumagok ako ng konti ng Beer, napalukot pa ang mukha ko sa pait ng lasa nito. Kaya naman kumagat ako sa half inasal na nakahain sa harap ko para kahit papano mawala ang pait nito sa loob bibig ko.



"Naghiwalay kami dahil ayoko ng mahirapan siya, ayoko ng umiyak pa siya at lumuha ma estress dahil sakin. Eh ikaw ba? Ano ba ang reason niyo ng ex mo?"-he ask seriously at paminsan minsan lumalagok ito ng beer.



Siguro okay lang naman na magkwento ako, hindi kasi ako hilig magkwento ng mga problema ko sa iba lalo na kapag nasasaktan na ako. Mas gusto ko pang sinosolo yon, kaysa sa ikwento sa iba, tapos iiyak na mag isa.


"Sabi niya, pinapalaya niya na ako. Pwede na daw ako maghanap ng magmamahal ng totoo sakin at hindi ako paiiyakin at yong tamang tao daw para sakin."-pagkukwento ko, hindi detalyado ang lahat pero okay na rin atleast meron akong nasabihan ng ganon.



"Ganon ba yon? Kung ganon, uminom ka ng marami ngayon para mailabas mo mamaya lahat na hinanakita mo sa kaniya. Or kaya kung galit ka sa kaniya, pwede mo kong sapakin or bogbogin para mawala lang ang sakit na nararamdaman mo.


Talaga? Willing siya magpabogbog sakin? Pero hindi naman gawain yon, tama na yong maikwento ko sa kaniya lahat.


********

"Tapos alam mo ba? 7 months na siyang walang paramdam at deactivated ang account niya. Sobrang miss na miss ko na siya, na miss ko na kayong kalokohan at pang aasar niya sakin lagi*hik*."


"Ganon, im sure miss na miss kana rin non. Ako nga namimiss ko na rin siya eh, parang gusto ko siya ikama non."

Bahagya naman akong natawa, marami na kaming naubos na can in beer ng lalaking kasama ko na hindi ko alam kung ano bang pangalan niya. Nasa may entrance kami ng tent niya na medyo kalakihan.

POSSESSIVE ; FIRST NIGHT WITH MY FUBUWhere stories live. Discover now