Prologue

188 13 5
                                    

QERIAH'S P.O.V🦋

"Anak bilisan mo na d'yan at hinihintay kana ng tricycle driver sa harap!" Sigaw na sabi ni Mama sa 'kin kaya napa-silip ako sa may bintana ng kwarto ko sa ikalawang palapag ng bahay at tanaw na tanaw mula sa baba ang tricycle driver na nag hihintay sa 'kin.

Mukha syang naiinip kaya mabilis kong i-sinukbit ang bag ko habang hila-hila naman ang maleta pababa.

"Alis na po ako, Mama!" Nakangiting paalam ko at humalik sa pisngi niya sabay takbo ng mabilis.

"Mag-ingat ka! 'Wag kang tumakbo baka madapa ka!" Narinig ko pang sigaw ni Mama pero kumaway lang ako sa kanya habang naka-ngiti bilang tugon.

Excited na akong mag bakasyon. Paano ba naman kasi makikita ko na ulit ang long time crush ko na kapit bahay lang namin doon sa bahay ng Lola ko. Ilang buwan din bago kami magkita kaya sinusulit ko talaga pag magbabakasyon ako.

"Kuya, sa terminal po ng Bus." Sabi ko kaya mabilis niyang pinaandar ang tricycle niya, muntik pa nga akong masubsob! Kapag talaga ako nagka-bukol, ihahampas ko kay manong 'etong dala kong maleta.

Anyway, hindi ako nag message kay Beklabu este Arthero dahil gusto ko syang surpresahin kahit nakasimangot siya kapag nakikita niya ako.

"Humanda ka Arthero, guguluhin ko ulit ng dalawang buwan ang buhay mo." Sabi ko na may halakhak effect pa kaso mapatigil din ako dahil biglang lumiko si manong kaya naman nauntog ako!

🦋______________________________🏳️‍🌈
END OF PROLOGUE

Every year, during Qeriah's vacation with her grandmother and cousins, she meets a man, or let's just say a BISEXUAL man named Arthero, who captures her heart. But unfortunately, Arthero has long been in love with her cousin.

Will she be able to win over her Mr. Lavender, or will she return home heartbroken because she didn't reach her dream to become Arthero's love of his life or perhaps she can awaken Arthero's dormant masculinity

Halina't subaybayan natin ang nakakatuwang kwento nina Qeriah Caddle at Arthuro Gibson.

Started :: July 04, 2023
Finished :: July 13, 2023

COMPLETED🦋🏳️‍🌈

The Lavender Dream (COMPLETED)Where stories live. Discover now