Chapter 3 。☽。

141 12 0
                                    

QERIAH'S P.O.V🦋

"Ate Qeriah gising na, gabi na ohh, wala ka nang i-tutulog sabi ni Lola," napabalikwas ako ng bangon dahil sa sinabi ni Sam na sa 'kin na gabi na.

"Bakit naman ngayon niyo lang ako ginising? Kung gabi na ibig sabihin wala na dito si Arthero?" Sunod-sunod na tanong ko sa pinsan kong si Sam na natatawa pa habang nag aayos ng higaan.

"Kanina pang alas kwatro siya umalis pero alas syete na kaya hindi mo na siya naabutan. Kakagising mo lang pero si kuya Arthero agad nabanggit mo, may tulo ka pa ng laway, oh." Sabay turo sa bibig ko.

Oo nga ‘no?, napangiwi nalang ako. Buti na lang pala umalis na si Beklabu.

"Bumaba na kayong dalawa d'yan at kakain na," sigaw ni Lola sa 'min kaya lumabas na kami ng kwarto at bumaba.

"Kailan pupunta dito ang ate at kuya mo?", tanong ni Lola nang nakaupo ako. "Hindi pa daw po sila sure kung makakabakasyon pa sila dito, tambak daw po sila ng mga schoolworks," sagot ko.

Nakangiti man pero mababakas pa rin ang lungkot sa mga mata nila, tuwing bakasyon lang kami nakukompletong mag pipinsan dito sa bahay ni Lola kaya hindi ko ito masisisi kung nalulungkot siya ngayon.

"Kamusta nga pala yung Tutorial Session nila Thea kanina?" Pag iiba ko ng usapan.

"Medyo nahihirapan pa daw si Thea sa Math kaya 'yon ang tututukan nila sa susunod pang mga sessions," sagot ni Sam.
"Wala ba bukas?"
"MWF ang schedule nila,"
"Ganon ba, mabuti naman at may pahinga pa rin silang dalawa ngayong bakasyon."

Ako na ang nag ligpit ng mga pinag-kainan namin dahil wala naman akong naitulong ng hapon, nung mga oras kasi na 'yon napapanaginipan ko pa si Arthero.

Pag-tapos kong magligpit ng kinainan ay naligo na agad ako tutal hindi naman ako ang tagahugas, baka mabato ko lang sa mga pinsan ko yung plato.

Pagpihit ko sa faucet ay walang tubig na lumabas, kung kailan naman nakahubad na ako saka naman e-epal 'to! Tsk tsk.

"Lola bakit wala pong tubig dito sa banyo?" Pasigaw na tanong ko para marinig nila.

Walang sumagot kaya wala akong magawa kundi mag tapis ng tuwalya at lumabas. "Lola baki—"

"Susmaryosep kang bata ka!" Gulat na bulyaw ni Lola ng makita niya ako, nasa tabi niya si Arthero na nakatingin na din sa 'kin kaya mabilis kong pinag-ekis sa dibdib ko yung mga kamay ko at tumakbo pabalik ng banyo.

Shit! Nakakahiya! Kahit naman Beklabu si Arthero at may gusto ako sa kanya, eh, hindi ako gano’n kadesperada na tipong ipapakita ko itong owwsosexy kong katawan sa kanya ‘no! No way! Highway!

Narinig kong tinatawag ako ni kuya Matthew sa labas ng banyo kaya sumilip ako dito, may dala siyang dalawang timbang tubig at natatawa pa ang loko.

"Sira yung faucet, bukas pa maaayos, nakalimutan naming sabihin sa'yo, ngayon ka lang kasi pumasok d'yan." Inirapan ko na lang siya dahil sa inis ko. Wag na siyang mag paliwanag! Pag-alis niya ay mabilis kong binuhat papasok ang mga timba ng nakatapis pa rin papasok dito sa Cr.

"Ano ba kasi ang ginagawa ng Beklabu na 'yon dito?" Mahinang bulong ko, puma padyak-padyak pa ako sa hiya. Basta-basta na lang siyang sumusulpot, hindi na lang sabihin na namimiss niya talaga ako.

The Lavender Dream (COMPLETED)Where stories live. Discover now