QERIAH'S P.O.V🦋
"Lola!!!" Sigaw ko sa kanya ng makita ko siyang nagwawalis sa bakuran. Patakbo akong lumapit at niyakap siya ng mahigpit.
"Kamusta ka, Apo?" Agad na tanong niya sa 'kin pag-bitaw namin ng yakap.
"Mabuti naman po. Asan nga pala sila dito, Lola? Bakit kayo ang nagwawalis?" Sunod-sunod na tanong ko habang nakakunot-noo, na siya namang ikinatawa niya.
"Alam mo naman ako, mas gusto kong may ginagawa kaysa wala. O, siya sige na, pumasok kana sa loob at naroon ang mga pinsan mo at busy maglinis dahil alam nilang ngayon ang dating mo." Paliwanag nila na ikinangiti ko.
"Sige po, Lola. Pasok na po ako baka makita pa ako ni Arthero dito sa labas." Nahihiyang sabi ko.
Tiningnan naman nila ako na parang sinasabing angharotmoparinapo look kaya tumakbo na ako papasok sa loob baka kung ano pang sabihin ni Lola sa kaharutan ko. Nahihiya din ako 'no!
"Hello! Madlang dabarkads!" Sigaw ko sa kanila at sabay-sabay silang nagulat sa pag-sulpot ko na parang kabuteng tumutubo kung saan-saan.
"Hi, Ate Qeriah," bati ng pinaka-bunso kong pinsan na si Thea. Sinalubong rin ako ng iba ko pang pinsan at pinagsilbihan na parang reyna. Biro lang.
Pumasok na ako sa kwarto dala lahat ng gamit ko, hindi na ako nagpatulong dahil kaya ko naman. Iniisip ko pa lang na dalawang buwan ako dito, eh, kinikilig na ako dahil marami-rami din akong time para makasama si Arthero Beklabu.
Beklabu means beki/bakla na siya namang tinatawag ko kay Arthero para ngang bebeko eh. Ayaw niyang tinatawag ko siya sa mismong pangalan niya. Akira daw ang itawag ko pero ayoko kasi ang bantot pakinggan.
Hindi naman niya ako sinasaway kapag tinatawag ko siyang Beklabu kaya sa tingin ko naman ay gusto niya kasi totoo naman eh. Pero mas masaya kung ako nalang gusto niya hihi.
Almost 5 years ko na ring gusto yung Beklabu na 'yon kaya lang gusto niya yung pinsan kong si kuya Matthew, pero hindi din naman siya gusto kaya may pag-asa pa ang babaeng ‘to. The feeling is mutual ika-nga.
Mabilis kong pinag-aayos lahat ng mga gamit ko para mapuntahan ko na si Beklabu kasi what if, eh, na miss niya rin ako? Charing! Syempre hindi, sus, alam ko na yan! Pero syempre dedma nalang sa bading.
"Ang fishy naman ng ngiti na 'yan, ate Qeriah," muntik ko nang mabato sa pinsan kong si Sam yung maleta sa gulat ko dahil sa biglang pag-sulpot niya. Siya kasi ang makakasama ko dito sa kwarto.
"Anong silbi ng pinto kung hindi ka muna kakatok?" Pagtataray ko sa kanya.
"Anong silbi ng doorknob kung hindi mo i-lo-lock?" Balik na pagtataray niya kaya pareho kaming nag taas ng kilay at natawa."Pupunta pala mamaya dito si kuya Arthero para mag-tutor kay Thea." Namilog naman at parang nagkaroon ng puso ang mga mata ko katulad ng nasa emoji sa keyboard dahil sa sinabi sakin ni Sam. May kung anong maligno sa loob ng tiyan ko dahil sa balitang ‘yon dahil iniisip ko palang na makikita ko nanaman ang pogi niyang mukha at matangkad at nakatindig niyang katawan ay kinikilig at kinakabahan na ako.
Nakita ko sa aking peripheral vision ang pag sign of the cross ni Sam dahil siguro sa nakikita niyang reaksyon sa mukha ko. “Patawarin ka sana sa iyong pagnanasa, ate Qeriah.” Natatawang saad niya sabay takbo palabas ng kwarto. Natawa nalang ako at tinuloy ang pag-aayos ng mga gamit.
Hindi babae kung manamit si Arthero at hindi rin siya naglalagay ng mga pang kolorete sa mukha dahil lang naman sa kilos, galaw, salita at awra kaya masasabi ng lahat na isa siyang Bisexual, pero hindi na mahalaga sa 'kin 'yon, ang importante gusto ko siya at kung sino siya.
"Sakto hindi ko na siya kailangan puntahan mamaya sa kanila," sabi ko sa aking sarili. Nandito din si kuya Matthew mamaya kaya dapat mas mangibabaw ang kagandahan ko kesa sa kagwapuhan niya para ako ang mapansin ni Beklabu at hindi siya! Pero sumimangot pa rin ako dahil alam ko namang mahahati ang atensyon niya sa aming dalawa ng pinsan ko.
Hindi sa ayaw ko siya dito sa bahay, ang ayaw ko lang, eh, sa kanya nababaling ang atensyon ni Beklabu. Sa totoo lang si kuya Matthew ang pinaka-close ko sa lahat. Well, close ko naman lahat ng mga pinsan ko pero iba lang yung closeness naming dalawa. Close ko na nga, karibal ko pa! What a life, psh.
☆゚.*。☽・。゚♡
THIRD PERSON'S P.O.V💫
Matapos maayos ni Qeriah lahat ng gamit nito ay mabilis siyang lumabas ng kwarto para magluto ng pananghalian nila.
Sampo silang magpinsan at si Qeriah ang pang apat sa kanila, kaya naman sa tuwing mag babakasyon ito sa kanyang Lola ay ito minsan ang tagaluto na pabor naman sa kanya dahil natitikman ni Arthero ang mga luto niya.
Tuwing bakasyon ay suma-sideline si Arthero bilang Tutor ng pinaka-bunso nilang pinsan na si Thea dahil ang kurso naman nito ay Teacher. Habang nagluluto, hindi mapigilan ni Qeriah na mapakanta ng Mr. Dream Boy habang hawak ang sandok na nagsisilbing mic niya sa pagkanta.
Ang....isip ko'y litong-lito
Di ko alam ang gagawin
Hirap ako sa paghuli ng 'iyong pansin
Kapag nasasalubong ka
Dibdib ko'y kakaba-kabaKasabay ng pagkanta ay sinabayan niya ito ng sayaw na tumutugma sa lyrics.
Pati ang tuhod ko'y nanlalambot na rin
Hayan na nga’t sumulyap na ang mapupungay mong mata
Kasalanan ko ba ang mapatulala
Ha ha ha?Mr dream bi, Mr dream bi
Ano kaya ang nasa isip mo?
Mr dream bi Mr dream bi
Lagi kang nasa panaginip ko
Doo'y kinakausap ka
At sweet na sweet kang talaga
Medyo may holding hands pa nga
Parang ayoko nang magising paHindi mapigilan ng mga pinsan niya na matawa sa ginagawa ng Ate nilang si Qeriah at ang mas lalo pa silang humagalpak ng tawa ng palitan nito ng Mr. Dream Bi ang lyrics ng Mr. Dreamboy.
Bumagal ang pagkanta niya nang makita niya si Arthero na seryoso na nakatingin sa kanya, napansin 'yon ng mga pinsan niya kaya napalingon na rin ang mga ito.
Heto ako't litong-lito at 'di alam ang gagawin
Buong maghapon ay nangangarap ng gising
Ini-isip isip kita ang charming mong mga mata
At ang iyong ngiting walang kasing galing
Hayan na nga sumulyap na ang mapungay mong mata
Kasalanan ko ba ang mapatulala
Ha ha ha?Tila bumagal ang ikot ng mundo ni Qeriah at may kung anong nilalang na humahalukay sa tiyan niya. Kasabay ng lyrics, iniisip rin nito kung ano kaya ang iniisip ni Arthero ngayong nakatingin sila sa isa't-isa? Natatawa ba siya o naiinis?
Mr dream bi , Mr dream bi
Ano kaya ang nasa isip mo?
Mr dream bi , Mr dream bi
Lagi kang nasa panaginip koHindi na nito natapos ang kanta dahil agad siyang tinalikuran ni Arthero. "Sandali! Beklabu!" Habol nito. Nahawakan niya ito sa pulso at nakangisi pa. "Anong masasabi mo sa kanta ko, hah?” Nakakalokang tanong ni Qeriah.
Inalis ni Arthero ang pagkaka-hawak sa kanya ni Qeriah at nakapamewang na humarap dito.
"Anech? Kalurkeyng murat itech! Ka-imbyerna ang pagiging lukaret. Your voice hasn't changed a bit. It's still as bad as ever, duh!”
Napangiti nalang si Qeriah sa kilig, kahit kailan talaga hindi siya na offend sa mga sinasabi sa kanya ng mahal niyang si Arthuero. Sa isip-isip niya ay baka gano'n lang talaga 'yon mag-compliment?
🦋_____________________________🏳️🌈
END OF CHAPTER 1✨(A/N) : Don't forget to vote and comment! 💋

YOU ARE READING
The Lavender Dream (COMPLETED)
RomansaEvery year, during Qeriah's vacation with her grandmother and cousins, she meets a man, or let's just say a BISEXUAL man named Arthero, who captures her heart. But unfortunately, Arthuro has long been in love with her cousin. Will she be able to win...