Chapter 2 。☽。

150 13 1
                                    

QERIAH'S P.O.V🦋

Hindi ko na pinansin pa ulit ang pagtalikod ni Beklabu sakin dahil bumalik na ako sa ginagawa ko. Sasarapan ko nalang yung luto ko kasi hindi niya nagustuhan yung kanta ko. O, ako yung hindi niya gusto?

Adobong manok ang naisip kong iluto na may saging na saba dahil ito ang pinaka-specialty ko sa lahat ng ulam na niluluto ko.

Inihanda ko na lahat ng mga rekado para sa Adobo at habang naghihiwa ng sibuyas ay hindi ko mapigilang mapaluha at iniisip na bakit ganon? Ilang taon ko na siyang gusto pero hindi niya ako magawang gustuhin pabalik?”

“Ate Qeriah, iniiyakan mo nanaman ba ‘yang sibuyas?” Biglang sulpot ni Sam sa likuran ko kaya naman napatanong din ako sa kanya. “Panget ba ako? Kapalit-palit ba ako?”
“No—” mabilis naman niyang tugon.
“Then why!?” Ilang sandali pa kaming nagkakatitigan at sabay na napahagalpak sa tawa dahil sa acting naming pang-abnoy.

Dinama ko lang talaga yung luha ko gawa ng sibuyas, sayang ang luha kung walang rason ‘di ba? Eme.

Kung hindi ako gugustuhin ni Beklabu, ipipilit ko pa rin. It takes time ika nga nila, dahil alam kong makukuha ko din ang lamang loob niya at i-sasahog sa Adobo ko, biro lang, makukuha ko rin ang loob niya at kapag nangyari 'yon papakasalan ko agad siya.

Nag-handa muna ako ng memeryendahin nila Arthero at Thea kahit umaga pa lang, mahirap naman kung puro ka salita tapos wala kang nginunguya, kahit ako naman talaga yung nahihirapan para sa kanila hehe.

"Sam, dalhin mo nga sa kuya Arthero mo itong juice at meryenda nilang dalawa ni Thea," utos ko. Gusto ko sanang ako nalang kaso baka awayin niya ako sa harap ng pinsan ko, mahirap na.

Habang abala ako sa pagluluto narinig ko mula dito sa kusina ang isang malakas na busina na nagmumula sa labas ng bahay, sigurado akong si kuya Matthew na 'yon. Sinilip ko sa sala si Arthero, at tama nga ako pasimpleng ngumiti si Beklabu kaya umikot ng 360° ang mga mata ko dahil sa inis.

"Oh, Brad, nandito kana pala?" Rinig kong tanong ni kuya Matthew.

"Oburepkors, hindi ako pwedeng mag-ala Indiana Jones sayang naman ang binabayad sa 'kin kung hindi kita makikita— este, natuturuan itong disney princess niyo." Sumingkit ang mga mata ko sa malanding sagot niya. Ang harot ng shokla na yan!

"Sabihin mo lang, gusto mo din akong makita, hindi yung ang dami mo pang sinasabi d'yan," hirit ko sabay kindat at kasabay din no’n ang pagtawa ni Kuya Matthew.

"Hanash na sa babaitang itesh. Kilabutan ka nga sa sinasabi mo, inday! Kadiri ka." Mataray at diring-diri na tugon niya.

"Tumigil na kayong dalawa at may nakatinging bata sa inyo," suway ni kuya Matthew kaya umirap si Beklabu.

Binalik ko nalang ulit yung atensyon ko sa pagluluto, matatapos ko na rin naman na ito tapos i-papasok ko lahat sa ngala-ngala ng maharot na Beklabu na 'yon! Kemedu.

"Qeriah, ikaw na muna bahala dito at may pupuntahan lang ako." Bilin sa akin ni Kuya.

"Hindi ka ba kakain muna? Patapos na rin ako dito," sagot ko.

"Truelaley, you should eat first before you leave,” pagsang-ayon sa akin ni Beklabu.

"Mamaya na ako, mauna na kayo." Lumabas na siya agad para siguro hindi na kami mag talo-talong tatlo. Mabuti na 'yon para nasa akin ang atensyon ni Arthero.

Matapos kong magluto ay nagpatulong na ako sa mga pinsan kong mag-hain, tinawag ko na rin si Lola sa may bakuran. Hindi pa nga niya ako narinig agad dahil busy siya sa pakikipag chismisan sa Lola ni Beklabu na nasa kabilang bakod lang.

Pag matanda na ako siguro ganyan na lang din gawain ko, gagawin namin ni Arthuro what I mean. Kasi kung hindi rin siya ang makakasama ko ay siguro tatambay nalang ako sa loob. Kemerut.

Nang bumalik ako ay nasa hapag na ang lahat at kami na lang pala ni Lola ang wala kaya na-upo kami agad. Sinigurado talaga ni Beklabu na hindi ko siya matatabihan pero buti nalang at magkatapat pa rin kaming dalawa. Don't me!

"Kamusta naman pag-aaral mo, Apo?" Pangbabasag niya sa katahimikan.

"Mabuti naman po, medyo mahirap lang yung Education Course pero keri lang," tugon ko.

"Wala bang nanliligaw sayo do'n?"
"Syempre Lola meron, ako na 'to eh. Pero syempre mas gusto ko pa rin si Arthero!" Sabay kindat kay Beklabu. Natawa naman silang lahat maliban sa isa dahil nakasimangot na ito.

Natatawa na lang din ako. Mas lalong guma-gwapo sa paningin ko si Arthero kapag nakikita ko siyang naiinis dahil sa 'kin.

☆゚⁠.⁠*⁠。☽・⁠。゚♡

Matapos naming mananghalian ay bumalik na ulit ang lahat sa kanya-kanya nilang ginagawa, samantalang ako nandito sa kwarto at nabubognot. Ayoko namang guluhin yung Tutorial Session ni Beklabu at ng pinsan ko.

Matutulog muna ako siguro at mamaya ko nalang guguluhin sa chat si Beklabu tutal pagod din naman ako sa byahe kanina tapos marami din akong ginawa pagdating ko pa lang.

Gina-gaslight ko na sarili ko dahil gusto ko na talagang matulog pero sinasabi ng konsensya ko na 'wag dahil nandito pa si Beklabu, baka isipin niya na isa akong batugan.

Kinuha ko nalang sa may side table ng kama yung cellphone ko para mag message kay Beklabu tutal hindi naman ako makatiis.

Beklabu Arthero🦋🏳️‍🌈
    •Active Now

Hi, my LaVeNdeaR! 2log
mUn4 AkU, wAg mO 4ku
hAn4piN muah 💋

Pagka-sent ko ng message ay natawa nalang ako sa sarili kong typings, mabuti na lang hindi siya nagrereklamo sa mga pang e-echoz ko.

Nang may nareceived akong message hindi na ako nag alinlangan tingnan 'yon.

Beklabu Arthero🦋🏳️‍🌈
    •Active Now

K

Napangiti ako sa reply niya. Kahit naman isang letter lang 'yon ang importante nag reply siya sakin dahil sa sampung message ko, isa o dalawang beses lang siya kung sumagot.

Hinanap ko yung emoji na may dalawang puso sa mata sabay send sa kanya. Ilang minuto pa akong nag hintay pero seen lang inabot ko kaya napagpasyahan ko nang matulog, mamaya ko na lang ulit siya guluhin, inaantok na talaga ako.

Pero bago ko gawin ‘yun ay sisilipin ko lang sandali si Beklabu. Dahan-dahan lang ako sa pagbaba ng hagdan, mabuti nalang nakatalikod ito mula sa 'kin kaya hindi niya ako napansin.

In fairness, kahit nakatalikod ang pogi niya pa rin. Siguro next time ako naman ang magpapa-tutor sa kanya.

Nakita kong lumingon mula dito sa hagdan si Thea kaya dali-dali akong umakyat sa hagdan, muntik na akong mangud-ngod sa pagmamadali para lang hindi ako makita ni Arthero my heaven in the sky between the heaven and earth the sun and moon, muah muah supsup. Charing!

Padapa akong nahiga sa kama at nag imagine ng mga kung ano-ano para lang makatulog. Ini-imagine ko na agad yung future namin ni Beklabu kaya heto ako at kinikilig.

Nag-taklob na ako ng unan sa mukha para mabilis na makatulog, hanggang sa unti-unti nang pumikit ang mga talukap ng mata ko.

🦋____________________________🏳️‍🌈
END OF CHAPTER 2

(A/N) : Don't forget to vote and comment! 💗

The Lavender Dream (COMPLETED)Where stories live. Discover now