Chapter 5 。☽。

134 12 1
                                    

QERIAH'S P.O.V🦋

Aligaga ako sa paghahanap ng pwede kong suotin para mamaya sa date namin ni Beklabu, kahit na para sa kanya ay bonding lang naming dalawa ‘yon. Isang linggo na rin ang nakalipas ng mangyari ang komprontasyon sa pagitan ni Arthero at ng Tatay niya.

— FLASHBACK —

Alas sais pa lang ng umaga ay gising na ako samantalang tulog pa yung mga pinsan ko.

Hindi ako masyadong nakatulog ng maayos dahil sa nangyari kagabi. Gusto ko sanang kamustahin si Arthero kaya lang ay baka mas lalong magalit sa kanya si Tito Armolo dahil sa 'kin.

Nandito ako ngayon sa labas ng bahay—sa may duyan at naghihintay sa kanya at sakto namang nakita ko ang paglabas niya mula sa pinto ng bahay nila. Nakahubad pa ang Beklabu kaya napalunok ako ng laway baka kasi tumulo.

Hindi na ako nag alinlangan pa kaya lumapit na ako tutal nasa kabilang bakod lang naman siya. Hindi ako nito napansin dahil busy siya sa paghahanda ng mga kagamitan niya sa paglilinis ng motor.

Tumikhim pa ako para lang makuha ko ang atensyon niya, hindi naman ako nabigo dahil nagulat pa nga ito ng makita niya ako. Nakakagulat naman talaga ang kagandahan ko.

"Good morning, Beklabu!" Masiglang bati ko na ikina-ngiti niya. Wait...What? Si Arthero nginitian ako? Namalikmata lang ba ako o nama-maligno?

"Ganda ng gising natin ngayon ah," biro ko pa.

"Oo dai, pero alam mo na— mas maganda pa rin ako sa lahat at ikaw ang chaka sa lahat ng chakabels," nginitian ko lang ito dahil sa naging joke niya, ang pogi niya kaya.

"Kamusta pala yung pag-uusap niyo kagabi ni Tito Armolo?" Nagsimula na siya sa paglilinis at pagpapaligo ng motor niya.

"Ayos na kami ni Pudrakels, maybe because of what you said last night, kaya natanggap niya ako—bilang ako, na anak niya." Nakatitig lang ako sa kanya at binubusog ang mata ko sa nakaka-akit nyang katawan. Charing.

Hindi lang ako makapaniwala na dahil sa 'kin kaya sila nagkaayos. Nag e-expect kasi ako na lalong magagalit sa kanya si Tito Armolo dahil sa mga sinabi ko. Haba yata ng hair ko?

"Hey, girlalu! Tulaley ka d'yan? Pinag nanasahan mo na naman ba ako?" Nadidire niyang tanong.

"Pero talaga? Okay na kayo agad dahil do'n?" Hindi ko pinansin yung sinabi kasi totoo naman. Dedma lagi sa bading.

"Oo dai, may mga kondisyones lang si Ama."
"Ano naman?"
"Secret"
"K. Anyway, mabuti naman na okay na kayo, masaya ako para sa'yo!" Gusto ko sana siyang yakapin para maka-chansing, kaso lang may harang na bakod sa pagitan naming dalawa.

"Salamat nga pala—" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.

"Hindi ako tumatanggap n'yan," nakangising sabi ko. Alam kong masamang humingi ng kapalit sa ginawang pagtulong, pero masama naman ako at si Accling naman 'yan kaya keri lang.

"Eh, ano?"
"Gusto ko ng Bading este Bonding"

— END OF FLASHBACK —

The Lavender Dream (COMPLETED)Where stories live. Discover now