QERIAH'S P.O.V🦋
Mataas na ang araw nang magising ako. Pero teka, ba't hindi man lang ako ginising? Bumangon na ako at inayos ang hinigaan namin ni Sam. Sobra yung pagod ko kahapon kaya siguro ganitong oras ako nagising— na minsan lang mangyari sa buhay ko.
Bumaba na ako pero wala ni isang anino ng tao akong nakita, pumunta ako sa kusina, sa lahat ng kwarto, banyo, cabinet, ilalim ng upuan at mesa maging sa bakuran ay wala sila. May zombie ba kaya wala sila rito? Juice colored! Tumakbo ako palabas ng bahay at tiningnan ang paligid may mga batang naglalaro at sasakyang dumadaan kaya nakahinga ako ng maluwag. Akala ko naman ay magagaya ako sa palabas na “The Walking Dead” dahil nagising yung bida, eh, puro zombies na ang paligid. OA lang pala ako.
Napagpasyahan ko na mamaya ko na lang sila hanapin. Pumasok na ako sa loob para magkape dahil kanina pa nagwawala na yung mga alaga kong bulate sa tiyan.
Tanghali na kaya siguro gutom na ako. Wala man lang silang iniwang pagkain sa mesa. T_T
At sa kasamaan ni Satanas, wala nang kape at asukal sa lagayan! Kinuha ko agad yung wallet ko at saka pumunta sa tindahan, medyo malayo pa naman yung bilihan kaya sa tuwing may ipapabili ako, eh, pinsan ko na lang ang inuutusan ko.
Medyo malayo na ako sa bahay nang mapansin kong magkaiba pala yung tsinelas na suot ko. Di bale na, subukan lang nilang punahin, ibabato ko talaga 'to sa mga nguso nila.
Napagilid ako— as in gilid na gilid dahil may humintong kotse sa tabi ko. Baka kasi nangunguha ng bata.
"Miss, saan dito ang bahay ni Lola Abuela?" Tanong ng isang poging lalaki mula sa bintana ng kotse nito. Pero mas pogi pa rin si Arthero Accling ko.
Napaisip agad ako, hindi ko alam yung mga pangalan ng mga Lola dito basta tinatawag ko lang silang "Lola", at saka hindi naman ako taga dito. Tumikhim muna ako bago sumagot.
"Diretso ka lang tapos kapag may nakita kang karatula na nakalagay 'Purok 7'—kumanan ka tapos kaliwa," with matching turo-turo pa ng direksyon.
"Kung may nakita kang mga matandang nag chichismisan sa labas dun sa may tapat ng kulay asul na bahay—Ayon! Doon ka mag tanong kasi hindi ko din alam kung saan hehe. Babyeee!" Sabay takbo para hindi na ako nito maaway.
Sa totoo lang hindi ko talaga alam, trip ko lang sabihin iyon. Nang makalayo na ay tumigil na ako sa pagtakbo, sakto namang nasa tapat na pala ako ng tindahan.
May nakita akong tricycle driver na nakatambay kaya naisip kong i-diretso na lang sa bayan tutal 5 minutes lang naman ang layo nito.
Bibili na din ako ng ire-regalo ko bukas sa birthday ni Accling, buburdahan ko pa kasi iyon. Muntik ko na makalimutan na July 31 pala ang araw ng kapanganakan ng future ko.
Sa isang maliit mall ako dumiretso, pinagtitinginan pa nga ako ng ilan dahil sa suot kong tsinelas na magkaiba. Sarap tusukin sa mata.
Dumiretso ako sa isang boutique at bumili lang ako ng isang damit na nagkakahalaga ng five hundred pesos. Palabas na sana ako nang mapansin ko ang isang pigura ng isang lalaki at sigurado akong si Arthero 'yon dahil para saan pa ang pagmamahal ko kung hindi ko makikilala ang likod niya?
Alam na alam ko talaga na siya 'yon at sigurado na ako kaya naman ay nagtatago ako sa may gilid kung saan malabo niya akong makita. May kasama siyang magandang babae na nakakapit sa braso niya—tumatawa pa nga yung babae habang pinapalo ang braso ng Beklabu ko.
YOU ARE READING
The Lavender Dream (COMPLETED)
RomansaEvery year, during Qeriah's vacation with her grandmother and cousins, she meets a man, or let's just say a BISEXUAL man named Arthero, who captures her heart. But unfortunately, Arthuro has long been in love with her cousin. Will she be able to win...