QERIAH'S P.O.V🦋
Nagising ako na masama pa rin ang pakiramdam. Kung kailan naman birthday ni Beklabu saka naman ako nagka-trangkaso, dapat pala sumilong nalang ako kesa nag-drama sa gitna ng ulan, ito tuloy napapala ko.
Pinilit kong bumangon kahit nanghihina pa rin yung katawan ko. Gusto kong tumulong sa pag aayos para sa gaganaping simple party ni Arthero mamaya.
Hindi pa man ako nakakarating sa pinto ay bumalik na ulit ako sa pagkaka-higa. Hindi ko talaga kaya, huhuness.
Napalingon ako sa pinto dahil sa pagpasok ni Kuya Matthew na may dalang mga pagkain—sakto nagugutom na ako.
"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong nito sabay lapag ng tray sa may side table.
"Kasing sama ni Satanas," biro ko na ikinatawa naming dalawa.
"Sa susunod wag ka nang maligo sa ulan, magpagaling ka para makapunta ka sa party ni Arthero mamaya." Bilin niya bago lumabas.
Nilantakan ko na yung mga pagkain at prutas na dala niya, kahit na mapait ang panlasa ko, uminom na rin ako ng gamot. Sayang naman ang regalo na ibinurda ko kung hindi ko iyon ibibigay sa mismong birthday niya.
Kinuha ko sa may ilalim ng unan yung cellphone ko, umaasa na may message si Beklabu kahit na isang tuldok man lang pero nabigo lang ako.
Sinubukan ko ulit tumayo para ibaba ang mga pinag-kainan ko, ayokong mag utos, hindi ako donya sa pamamahay na ito, ‘no.
Dahan-dahan lang ako sa pagbaba ng hagdan na animoy isang tuod. 10 years later~ Charot. Para akong pagong sa bagal kong mag lakad.
"Asan si Lola?"
"Ate Qeriah, ba't hindi mo nalang ako tinawag?"
"Eh, kaya ko naman,"
"Baka magalit si Lola sa 'yo n'yan," umiling-iling pa ito at kinuha yung hawak kong baso at pinggan."Asan ba si Lola?" Tanong ko ulit.
"Tumutulong siya dun kina kuya Arthuro."Tumango lang ako bilang tugon. Rinig na rinig mula dito sa bahay ang malakas na tunog ng videoke. Kating-kati na akong sumilip kaso baka makita ako ni Lola—papagalitan niya ako.
"Asan yung mga bata dito sa bahay?" Napansin ko kasi na walang magulo at maingay.
"Nandun rin, nakikipaglaro sa mga bisita ni Kuya Arthero na mga pinsan niya,"
"Ehh, ikaw? Wala ka bang balak pumunta dun?"
"Kung pupunta ako, sinong kasama mo?"
"Kaya ko mag-isa, I'm strong and independent, 'no!"
"Weh? Pero pag kasama mo si kuya Arthero hindi na?" Tumatawang tanong niya, pabiro akong umirap dito dahil may point siya. Pero wala naman siya dito.Bumalik na ako sa kwarto at nag hanap na lang ng susuotin para mamaya, gusto kong maging maganda sa harap ni Beklabu.
Mag dress kaya ako? Hindi kaya masyadong OA tingnan? Bahala na, ang importante maganda.
White off shoulder dress, hanggang binti ang haba na may black butterfly design na belt. Super ganda omg! Bigay ito sa 'kin noon ni Mama noong nag debut ako. Ngayon ko lang isusuot sa birthday ni Arthero.
Nilagay ko na rin sa paper bag yung regalo ko kay Beklabu. Nag set na ako ng alarm dahil matutulog muna ako para makapag-pahinga pa ng mabuti.

YOU ARE READING
The Lavender Dream (COMPLETED)
RomanceEvery year, during Qeriah's vacation with her grandmother and cousins, she meets a man, or let's just say a BISEXUAL man named Arthero, who captures her heart. But unfortunately, Arthuro has long been in love with her cousin. Will she be able to win...