Chapter 8 。☽。

139 13 1
                                    

QERIAH'S P.O.V🦋

Tatlong araw na ang nakalipas ng mangyari ang bagay na 'yon. Hindi ako lumalabas ng kwarto o nakikipag-usap kahit kanino maliban na lang kay Lola.

Nililibang ko na lang din ang sarili ko sa pagtulog at pag tambay sa kwarto buong maghapon at mag-damag. Palagi akong walang gana kumain, tumatabang yung panlasa ko.

Minsan ay nililibang ako ni Sam sa kwarto naming dalawa pero tipid na ngiti o tango lang sinasagot ko sa mga kwento niya.

Para akong nasa isang Solitary Room pero ang pagkakaiba nga lang, eh, may mga taong nanlilibang sa 'kin kaya hindi ako masyadong nakakapag-emote.

Kasalukuyan kaming kumakain ngayon ng hapunan, kinu-kwentuhan nila ako pero lahat ng mga sinasabi nila ay lumalabas lang sa kabilang tenga ko.

Wala akong ganang makipag-usap o makipag-kwentuhan kahit kanino ngayon.

"Gusto ko na pong umuwi, Lola." Singit ko habang nakatingin sa kanilang mata. Ngumiti sila at tumango na para bang alam na nila ang sasabihin ko ito sa kanila.

"Sige Apo, kung 'yan ang gusto mo. Ako na ang bahalang magsabi sa Mama mo na namiss mo sila kaya gusto mo nang umuwi," saad niya sa malambing tono.

"Salamat po."

☆゚⁠.⁠*⁠。☽・⁠。゚♡

Kinabukasan...

Madaling araw pa lang ay nakahanda na lahat ng gamit ko. Isang buwan pa lang ako dito pero hindi ko na matagalan ang mag stay pa sa lugar na ito.

Noon, halos ayaw ko nang umuwi pero ngayon ayoko nang bumalik. Bumabaliktad din pala ang mundo. Kasalanan 'to ni kwan. Sana hindi ko na siya makita habang buhay. Kidding.

Ihahatid ako ni kuya Matthew sa terminal ng Bus, ang kaso lang alas syete pa ito nagigising. Dibale ilang oras na lang naman makakaalis na ako sa lugar na ito at hindi na ako babalik! Charot.

Lumabas na ako ng kwarto dala lahat ng gamit ko pababa, sa sala na lang ako tumambay.

Nakita ko si Kuya Matthew na nagkakape sa may kusina, himala maaga siyang nagising. Nagtimpla na rin ako ng kape para hindi ako sikmurain mamaya sa Bus.

"Sigurado ka na bang gusto mong umuwi?" Rinig kong tanong niya.

"Oo kuya, gusto ko ng peace of mind at hindi ko mahanap dito 'yon dahil alam kong nand'yan lang si kwan sa paligid." Sagot ko.

Hindi naman ito sumagot at hinayaan lang akong magkape ng tahimik. Lahat sila dito sa bahay ay galit kay 'Kwan'.

Akala ko pa naman si kuya Matthew ang gusto niya at alergic siya sa mga babae pero mali pala ako, akala ko lang pala ‘yon. Sabagay nasa edad na siya para dun at ako wala pa.

Matapos naming magkape ng tahimik ay inaya na ako ni Kuya Matthew na umalis. Nag paalam rin ako ng maayos kay Lola, tulog pa yung mga pinsan ko kaya hindi ko na sila ginising.

Nakita ko sa peripheral vision ko si 'Kwan' na nakatingin mula sa amin, hindi ko naman ito nilingon. Akala ko magpapaliwanag siya sakin pero ilang araw na ang lumipas ni walang bakas ng anino niya akong nakita. Pero hindi dapat ako mag expect ‘di ba? Sino ba naman ako sa buhay niya? Isa lang naman akong pilya, maingay, magulo, at pilit na sinisiksik ang sarili sa buhay niya.

Pero bakit nga ba siya magpapaliwang? Eh, hindi naman niya ako gusto simula pa lang! Do I deserve an explanation? Of course not!

Nakakainis!

☆゚⁠.⁠*⁠。☽・⁠。゚♡

Nang makauwi ako ay wala namang tinanong si Mama dahil siguro napa-liwanag na sa kanya ni Lola.

Dumiretso lang ako sa kwarto ko at nahiga. Dito sa kwarto ko may peace of mind, doon sa kapit-bahay ni Lola may peace of shit. Charing.

Siguro kahit papaano ay may pagmamahal pa rin namang natitira sa puso ko para kay Kwan siguro hindi lang katulad ng dati.

Sana pwede na lang turuan ang puso ng isang tao na mahalin tayo katulad ng pinapangarap natin. Kinuha ko yung cellphone at tinawagan ang kaibigan kong si Ally. Ilang ring pa bago nito nasagot.

"Napatawag ka?" Bungad niyang tanong.

"Hindi ko din alam, mag joke ka nga yung matatawa sana ako."
"Okie, may baon ako palagi para alam mo!"
"Sige nga," natatawa kong hamon.
"Anong shark ang palaging updated?"
"Ano?"
"Edi megalodon, kasi siya lagi nauunang makaalam if may gulo doon. Eto pa!"
"Ano sa Tagalog ang "There which one?"
"Ano?"
"Edi Donnalyn!"
"Paano naging Donnalyn 'yon?"
"Ang English ng Doon ay There at Alin ay Which. Kumbaga Donn at Alyn edi Donnalyn!" Natatawa niyang paliwanag.

Binaba ko na agad yung tawag at pinipigilan ang sariling hindi matawa, corny pero pasado na 101/100.

Nag ring ulit ang cellphone ko kaya sinagot ko agad baka may pahabol na joke si Ally, eh.

"Siguraduhin mong nakakatawa 'yan ah?" Nangingiting sabi ko. Wala namang sumagot sa kabilang linya kaya tiningnan ko yung number dahil baka hindi si Ally ito at confirmed! Hindi nga!

"Wrong number ka po ata? Double check mo number ko, Babyee." Ibinaba ko na yung tawag. Kung sino-sinong maligno yung tumatawag.

Nagpalit na ako ng number at si Lola lang nakakaalam sa lugar na 'yon para may contact sila sa akin. Hindi kaya? Pero imposible may tampo si Lola dun kay Kwan!

Baka na wrong type lang ng number at ako ang maswerteng natawagan. Tama, tama! Pero bakit ang tagal niya magsabi ng "Congratulations at ikaw ang maswerteng nanalo ng sampung milyon!" Natawa na lamang ako sa sarili ko.

Natulog na ako at hindi na isip ang mga walang kwentang bagay na may kinalaman sa mga walang kwentang tao.

🦋___________________________🏳️‍🌈
END OF CHAPTER 8

(A/N) : Don't forget to vote and comment! 💗

The Lavender Dream (COMPLETED)Where stories live. Discover now