Chapter 10 。☽。

140 13 4
                                    

QERIAH'S P.O.V🦋

Ngayon ang kaarawan ni Lola Myrna at gusto niyang makumpleto kaming mga apo at syempre pati mga anak niya. Dalawang linggo pa lang ang nakalipas simula nang umalis ako sa lugar na 'to, tatlong araw na ako dito pero ni minsan hindi ako lumabas ng bahay.

Tumutulong lang ako sa mga gawaing bahay pag-tapos ay a-akyat na ulit ako sa kwarto. Hindi na rin ako ang taga-luto dahil nandito naman si Mama at iba ko pang mga Tita para gumawa no'n.

"Ate Qeriah, tara punta tayong bayan!" Aya sa 'kin ni Lean—isa sa mga pinsan ko na kasama ko dito sa kwarto, bali apat na kami dito dahil masyado kaming marami at kailangang mag siksikan muna.

"Kayo nalang, gusto ko magpahinga." Tugon ko. Kakatapos ko lang maglinis ng sobrang kalat na bahay.

"Sure kang hindi ka sasama ate Qeriah?" Paniniguro pa niya kaya tipid na tango lang ang sinagot ko. Bukas ang handaan, siguradong maraming pupunta kasama si kwan, ayokong makita niya ako ngayon.

Ni wala akong narinig na balita sa kanya kaya minsan napapatanong ako sa sarili ko kung hinanap kaya niya ako? O na-miss man lang? Pero may naglilibang naman sa kanya, psh.

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba para maligo at sa kamalasang palad pinasampay ko pala sa labas yung mga tuwalya kaya kailangan kong lumabas para kuhanin 'yon.

Eh, ano naman kung makita niya ako at makita ko siya? Hindi din naman siya multo para katakutan ko. Pareho naman kaming tao, eh!

Diretso lang ang tingin ko palabas hanggang sa makapasok ay diretso pa rin. Para akong bampira na takot sa araw dahil sa ginagawa ko.

☆゚⁠.⁠*⁠。☽・⁠。゚♡

THIRD PERSON'S POV💫

Sa loob ng tatlong araw na pamamalagi ni Qeriah, ngayon niya lang itong nakitang lumabas. Alam niyang iniiwasan siya nito pero hinahayaan niya lang dahil humahanap pa siya ng tiyempo para makausap ang dalaga.

Nung araw na umalis si Qeriah ay nagsimula ang paghingi ni Arthero ng tawad sa mga taong malapit kay Qeriah. Pero lagi lang sinasabi sa kanya na wala naman syang kasalanan sa mga ito at kay Qeriah na lang humingi ng tawad at bumawi dahil sa hindi niya pagsuyo dito kahit na may nararamdaman din namin ito sa dalaga.

Si Qeriah ang huling taong hihingan niya ng tawad ngunit hindi niya alam kung paano ito kakausapin o lalapitan dahil hindi na siya gusto pang makita o makausap ng dalaga.

Bukas ang kaarawan ng Lola nito at may pagkakataon na siyang malapitan si Qeriah. Inaamin niya na palagi niyang namimiss ang kapilyahan at kakulitan nito pag dating sa kanya.

Hindi alam ni Arthero kung paano pa ito makakabawi sa babaeng walang ibang ginawa kundi mahalin at tanggapin sa kung ano man siya ngayon.

☆゚⁠.⁠*⁠。☽・⁠。゚♡

Kinabukasan...

Maagang nagising si Arthuro dahil ngayon ang alis ng mga magulang niya papuntang states para sabay na magtrabaho.

"Ikaw na ang bahala dito Anak," bilin ng Ina.

"Dontcha worry Mudrakels ako na ang bahala ditey, mag ingat po kayo doon palagi ni Ama, ako na rin po ang bahala sa Inang reyna dito." Tumawa lang ang Ina niya at niyakap siya.

"Gawin mo din ang lahat para mapatawad ka ni Qeriah, Anak. Hindi na ulit ako mangingi-alam sa mga bagay sa gusto mo. Kung hindi ka pa rin niya mapatawad, I'm just one call away at ako na ang bahalang kumausap sa kanya."

Tanging ngiti at tango na lamang ang tinugon niya sa Ama. "Gusto namin siya ng Mama mo para sa'yo," dagdag ng Ama nito na lalong nagpa-ngiti sa kanya.

"That you, Dad."

Naiwan itong mag-isa sa kanilang bahay, tumutulong naman ang Lola Abuelta niya sa gaganaping handaan ng kaibigan nitong si Lola Myrna.

Napag-desisyunan niyang pumunta muna sa isang mall para maghanap ng ireregalo niya sa Lola ni Qeriah.

Abala ang lahat sa paghahanda sa gaganaping kaarawan ni Lola Sita at inutusan si Qeriah na puntahan si Arthero sa bahay nila para patulungin sana sa paghahanda.

Gusto nitong tumanggi at ipaalam kay Lola Abuelta na kung gaano niya iniiwasan ang Apo nito ngunit hindi siya pwedeng mag reklamo dahil kukurutin siya sa singit ng kanyang Ina kapag hindi siya sumunod sa mga inuutos sa kanya lalo na ng mga matatanda.

Labag man sa loob ay sumunod na ito alang-alang sa singit niya.

☆゚⁠.⁠*⁠。☽・⁠。゚♡

QERIAH'S POV🦋

Nakailang tawag na ako sa labas ng pinto nila pero wala pa ring sumasagot na Beklabu kaya napag-pasayahan kong pumasok nalang.

"Nandito ka ba Beklabu?" Sigaw ko pero walang kahit na hininga niya akong narinig kaya pumunta ako sa kwarto nito ngunit pag-bukas ko pa lang ng pinto ay tumambad sa akin ang malinis niyang kwarto at wala ni isang anino ni Arthero akong nakita.

Naupo ako sa kama niya at di hamak na mas malambot pa ito kesa sa kama ko, eh. Parang ang sarap tuloy matulog.

Nahiga ako at pumikit dahil dinadama ko ang mabango at malambot niyang kama hanggang sa unti-unti na akong dalawin ng antok.


🦋___________________________🏳️‍🌈
END OF CHAPTER 10

(A/N) : Don't forget to vote and comment!💗

The Lavender Dream (COMPLETED)Where stories live. Discover now