THIRD PERSON'S P.O.V💫
"Arthero! Lumabas ka nga d'yang bata ka!!!" Sigaw ng Ama ni Arthero mula sa labas ng bahay nila Qeriah. Agad na tumayo ang lahat at lumabas dahil sa sigaw na narinig, maging si Qeriah na patulog na sana ay bumaba rin para alamin kung anong nangyari at sinong sumisigaw
"Ano ba Armolo! Wag kang mag eskandalo dito, nakakahiya kay Lola Myrna," pagmamakaawa ng asawa nito na siya namang ina ni Arthero. "Kaya hindi nakikinig 'yang anak mo dahil kinukunsinti mo sa mga kalokohan niya!" Galit na tugon nito.
Nakita ni Arthero ang Ama na galit na galit habang pinipigilan ito ng kanyang Ina. Ayaw nitong makalikha ng eskandalo kaya lumapit na agad ito sa Ama.
"Dad, sa bahay na po tayo mag-usa—," hindi pa man natatapos ni Arthero ang sinasabi ay nakatanggap agad ito ng malakas na sampal galing sa Ama. Nagulat ang lahat sa nangyari maging si Qeriah ay na estatwa sa gulat.
"Kailan pa 'yang kabaklaan mo? Hindi kana nahiya! Ikaw lang ang bakla sa buong pamilya at angkan natin! Nakakahiya ka!" Sasampalin na ulit sana siya ng Ama nito ngunit inawat ito ni Qeriah.
"Teka lang naman po! Pwede naman pong pag-uusapan ‘to ng maayos at mahinahon." Kinakabahan man ngunit nanatali siyang matatag sa harap ng lahat.
"At sino ka naman para mangialam sa usapang pamilya?!" Kunot noo na tanong sa kanya ng matanda. Tumikhim pa si Qeriah bago sumagot. Gusto sana niyang sabihin na siya ang future daughter in law nila ngunit nahiya siya nang makitang nakatingin si Arthero sa kanya at hindi pala siya pwedeng magbiro sa gitna ng tensyon.
"Hindi na po mahalaga kung sino ako, ang mahalaga na lang po ngayon ay kung paano niyo matatanggap si Arthero bilang siya," Nagulat ang lahat sa sinabi niyang 'yon ngunit walang gustong mag salita ni isa sa kanila kaya napagpasyahan niya na i-tuloy na lang nito ang sasabihin.
"Wala naman pong masama sa pagiging bakla, ang masama po, eh, yung tingin at iniisip ng mga tao sa kanya. Alam niyo po bang may nagsabi sakin na kung masaya at gusto mo ang isang bagay, hindi mo na i-isipin yung mga taong alam mong hahadlang sa 'yo? Katulad na lang po ni Arthuero, gusto ko pa siya kahit maraming nagsasabi na “'Bakit siya? Eh, bakla 'yan. Marami pa namang iba d'yan, iba na lang.” But I said no, kasi para po sa 'kin ay ibang-iba siya sa lahat.”
Huminga si Qeriah ng malalim at ipinagpatuloy ang sinasabi.
"Iba-iba naman po tayo ng pananaw sa buhay, kung para sa iba ganon po siya, sa 'kin hindi at saka, siya pa rin naman po si Arthero. Yung minahal at pinalaki niyo ng tama, kung may nag bago man sa kanya, siguro po ay 'yung kilos at pananalita lang niya." Nakangiting paliwanag ni Qeriah sa Ama ni Arthero.
— FLASHBACK —
Hindi mapigilan ni Qeriah ang maiyak dahil hindi siya pinayagan ng Lola nito na i-uwi ang isang pusang nakita niya sa daan habang namimili sila sa bayan. Kasalukuyan siyang nasa bakuran at nag duduyan dahil ayaw nitong makita siya ng mga pinsan niyang umiiyak dahil lang sa pusa.
Nakarinig si Arthero ng isang iyak ng babae na nanggagaling sa kanilang bakuran. Magkalapit lang ang mga bahay sa kanina kaya naririnig mismo ang iyak nito. Sumilip ito sa may bakod nila at tama nga ito, may umiiyak nga.
"Psst!" Tawag nito sa babae. Napalingon naman si Qeriah sa pinanggalingan ng boses na iyon.
"Hey! You, syoklang badiday! Nandito ako sa may bakod," napakunot noo nalang siya ng makita niya ang isang lalaki na nasa kabilang bakod lang.
"Anong sinasabi mo choklang ano? Tanong niya habang pinupunasan ang mga luha.
Natawa naman si Arthero sa tanong ni Qeriah pero hindi na niya ito nilinaw pa sa kanya. "Anong ginagawa mo d'yan mag isa? At bakit ka umiiyak? Hindi mo ba alam na ang pangit mo?" Sunod-sunod na tanong ni Arthero.
"Ikaw nga hindi pa umiiyak, pangit na!" Pang-babara din niya kaya pareho silang natawa.
"Ba't ka ba umiiyak d'yan, hindi mo ba alam na mukha kang pulubi?"
"Hindi kasi ako pinayagan ni Lola na i-uwi yung pusang nakita ko kanina sa palengke," malungkot na pag-amin ni Qeriah.
"Jusmiyo marimar! Kung ako sa'yo kukunin ko na 'yon! Kahit magalit pa sila sa 'kin."
"Hindi ka ba natatakot na mapagalitan?"
"Hindi ‘no! Lagi mo lang tandaan na kung gusto mo ang isang bagay at masaya ka doon ay hindi mo na dapat iisipin yung mga tao na alam mong hahadlang sa'yo! Kung gusto mo balikan natin ang pusa?"Tila nabuhayan ng loob si Qeriah sa sinabing iyon ni Arthero sa kanya kung kaya't hindi na siya nag dalawang isip pa na pumayag. “Kung ganon, tara na?”
Sakay ng motor ni Arthero ay binalikan nila yung pusa ngunit sa kasamaang palad ay hindi na nila ito makita pa.
Pero kahit papaano ay gumaan pa rin ang pakiramdam ni Qeriah dahil sa mga sinabi sa kanya ni Arthero.
"Anong pangalan mo, badiday?" Tanong ni Arthero ng makababa si Qeriah sa motor niya. "Qeriah...Qeriah ang pangalan ko, ikaw?"
"Arthero, pero tawagin mo nalang akong Arkiera." Maarte at nakataas kilay nitong sagot na ikinatawa niya.
Simula noon ay nahulog na ang loob niya kay Arthero. Excited siya palagi sa tuwing magbabakasyon na ito sa Lola niya ngunit doon na rin nagsimulang mainis sa kanya si Arthero.
Dahil sa kakulitan nito at sa pagiging straightforward na pag-sasabi ng feelings ni Qeriah para sa kanya.
— END OF FLASHBACK —
"Mag usap tayo sa bahay." Seryosong saad ng Ama ni Arthuro at mabilis na tumalikod. Nagkatinginan pa ang lahat sa isa't isa, ngunit nang mag tama ang mata ng dalawa ay isang matamis na ngiti agad ang binigay ni Qeriah ngunit hindi ‘yon nagawang suklian ni Arthero dahil mabilis na itong tumalikod at sumunod sa mga magulang.
☆゚.*。☽・。゚♡
Hindi malaman ni Qeriah kung anong posisyon ang gagawin niya dahil kahit anong pilit niya sa sariling matulog ay hindi pa rin nito magawa.
Matapos nang nangyari kanina ay pinag-sabihan ito ng kanyang Lola na huwag na ulit gagawin ang sumingit sa gulo ng iba dahil madamay pa ito sa galit nila. Hindi naman mahalaga kay Qeriah 'yon dahil ang importante ay ginawa niya yung alam niyang tama at sinabi sa kanya ni Arthero noon.
Bumangon ito at kinuha ang cellphone niya para sana kamustahin si Arthero ngunit hindi na ito active. Alas dose na ng madaling araw kaya kahit hindi makatulog ay pinilit pa rin niya ang sarili.
Bukas na lang niya ka-kamustahin si Arthero dahil baka nagpapahinga na rin ito.
🦋___________________________🏳️🌈
END OF CHAPTER 4✨(A/N) : Don't forget to vote and comment?💗

YOU ARE READING
The Lavender Dream (COMPLETED)
RomanceEvery year, during Qeriah's vacation with her grandmother and cousins, she meets a man, or let's just say a BISEXUAL man named Arthero, who captures her heart. But unfortunately, Arthuro has long been in love with her cousin. Will she be able to win...