Chapter 55: Mission

3.1K 97 0
                                    

"Libro ?"

"Isang Libro. Ang libro na isinulat sa dugo na may Sumpa. Hanapin mo iyon sa territoryo nila. Tamang tama at may Bagong Reyna ngayon. Pag nakuha mo. Iwanan mo nalang dito. Eto ang mapa. " sabi ni Master Kao.

"Teka po. Baka hindi ako papasukin. Ei Kasi wala akong birthmark" sabi ko.
Hinawakan ni Master Chou ang Balat ko at may birthmark na doon. Ayos ah. Isang Poison Mark. Well !

****
Andito ako ngayon sa tapat ng Base nila. Malaki laki rin. Parang Temple ?

"Sino ka ?" tawag sa likod ko kaya humarap ako. Isang Lalaking matanda na. Pero mukang may Posisyon dito ?

"Isa po akong Myaamia" sabi ko. At Tumango sa kanya,

"Nakikita ko ang Birthmark mo. Pero isa ka palang Hindi kilala. Pumasok ka na" sabi nung lalaki at sabay kaming pumasok sa loob.

"Sino siya ?" tanong ng isang Babaeng matanda na rin.

"Nakita ko lang po sa Labas. At isa siya sa atin" sabi nung Lalaki,

"Osige. Gawing Katulong ang isang yan. isama ang mga nakita sa Labas. Piliin ang mga taong nararapat magsilbi sa Mga Mababang uri, Sa Templo at Sa Pinakataas taasan" sabi nung babae. Kaya tumango na yung Lalaki at Dinala ako sa Isang kwarto. Maraming babae ang Andito. mukang isa silang magiging katulong. Pero paano na ang gagawin ko. Ang sulat na isinulat sa Dugo na may Sumpa ? Pumila na rin ako sa Kanila.

"Ang pula, Ay Ang pagsisilbi sa pinakamababang uri,Ang asul ay para Sa pagsisilbi sa Templo at ang huli ay ang Berde para sa pagsisilbi sa Pinakamataas na uri. Ngayon, Maghubad ang lahat." Sabi nung Lalaki. Teka ? Pipiliin kung sino ang pagsisilbihan at paghuhubadin ? malamang base ito sa Katawan o anomang Marka samin. Hinubad ko ang T-shirt at Jacket ko. Tinignan na ang mga Katawan nila. At maraming nakakuha sa pula. Tatlo palang ang sa Asul at Isa sa Berde. Ngayon ako na ang Sinusuri.

"Maganda ka. Pero may mga Sugat ka. Bigyan ng Asul ito" sabi nung Lalaki. Sa templo ako magsisilbi,

****
"Hoy ! Kayo hilutin niyo ako dito !" sigaw ng Babaeng Katulong lang rin naman. Pero kung makaasta parang napakagaling niya, Tsk !

"Sino siya ?" tanong ko kay Mara. Isa siyang myaamia at siya palang ang close ko dito.

"Si Alpha, Napakayabang talaga niyan at Masungit. Ang sama ng ugali pero wag natin siyang kalabanin kasi marami siyang alagad dito." sabi ni mara. kaya tumango ako. Talaga lang ha ?

"Oy, Ikaw Babae ! Ikaw naman ang humilot sa Paa ko" sabi nung alpha at tinuro ako. Tinignan ko lang siya.

"Sige na. Kazumi, Gawin mona" sabi ni mara at tinulak tulak ako. pumunta ako doon at Hinawakan ang paa niya. Hinilot ko at Hinigpitan ang hawak at tumunog.

"Ano ba ! masakit !" sigaw niya sakin. Pero tinignan ko lang siya. Lumapit sakin yung mga alagad niya. At Halatang susuntukin ako o kung ano man.

"Mga alipin ! umpisahan na ang Paglilinis" sigaw nung lalaki kanina. siya pala si Ginoong ferd. Kaya nagsilabasan na kami.

***

"Ngayon ! Di mo alam ang binabangga mo ! Inutil" sigaw sakin ni Alpha. nakatali ako ngayon at may kasama siya alaga niya. May hawak silang Pamalo sakin.

"Alisin ang tali !" sigaw ni alpha at sinunod naman nung mga Alaga niya. Susugod na sana yung isa niyang alaga pa Hampasin ako pero Inilagan ko at Tinulak ko siya. Tapos yung apat pinagsisipa ko At tumalsik sila. tapos siya Sinampal ko at Tinulak.

"Mas hindi mo ata kilala ang binabangga mo" sabi ko sa kanya

__________________________________

The Powerful GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon