CHAPTER X

309 16 0
                                    

ERION

Sunday

Maga ang mata ko pagkapasok ko sa trabaho, hindi na ako nakatulog nang maayos kagabi hays. Malapit na ang pag-out ko sa trabaho, didiretso ako sa school para manood sa training ni Dana baby.

Inayos ko na yung mga huling kailangan i-inventory para makaalis na ako.

"Una na ako."

Nagpaalam na ako at diretso punta na sa school, malapit lang naman yun dito kaunting lakad lang.

Walang tao sa covered court maliban sa mga nagtetraining. Natanaw ko naman agad si Dana baby, so sexy my loves grabe.

Nagbreak naman muna sila, lalapit sana ako sa kaniya kaso may humarang sa akin.

"Erion, nandito ka para panoorin ako?" Masayang tanong ni Francine.

Umiling naman ako sa kaniya at tipid na ngumiti. Aalis na sana ako nang hawakan niya ang braso ko.

"Usap muna tayo."

Nagsisimula na naman siyang magpabebe sa akin. Kung si Dana baby gaganito sa akin matutuwa talaga ako kaso hindi, asa na lang ako.

Inalis ko naman ang pagkahawak niya sa akin at humarap ako kay Dana baby. Nakatingin siya sa amin at napakasama ng titig niya sa akin.

Wala akong kasalanan pero sa akin na naman siya nagagalit hays.

"Tapos na 5-minute break, pwesto na!"

Hindi ko na inalis ang tingin ko kay Dana baby nang magsimula sila. Magkalaban sila ni Francine, napangisi naman siya kaya mukhang may binabalak siya.

Siya ang unang nagserve at malakas niya itong hinampas papunta sa direction ni Francine, nahirapan naman ito hampasin ang bola kaya parang nalamog yung wrist niya.

Nakita kong pasimple siyang tumawa kaya napailing na lang ako. Halata na nagseselos siya hays pogi ko talaga.

"Ulitin mo ang pag-serve, Danaea."

Bumwelo naman siya at tumalon bago hampasin ang bola, dumiretso itong tumama sa ulo ni Francine kaya napaupo ito. Tumayo naman ako para alalayan si Francine.

"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kaniya para malaman kung naalog ba sobra utak niya.

"Nahihilo ako." Sinubukan niyang tumayo pero bumagsak siya sa akin kaya inalalayan ko muna siya

Inutusan ako ng coach nila na buhatin siya papunta sa clinic. Wala naman akong magawa kasi ako naman na yung may hawak sa kaniya.

Pagkarating sa clinic ay pinaupo muna siya habang inaasikaso ng nurse, aalis na sana ako nang hawakan niya ako sa kamay.

Palagi na lang niya akong pinipigilan hays.

"Samahan mo ako", malungkot niyang pakiusap kaya bumuntong-hininga na lang ako at umupo sa tapat niya.

Paniguradong mas lalong maiinis si Dana baby dahil sinamahan ko 'tong si Francine. Wala naman akong choice kasi parang kasalanan ko naman kung bakit siya ginanun.

Ang selosa ng Dana baby ko.

"Iho, ikaw na muna ang maghawak nito. Idikit mo lang sa noo niya."

Kinuha ko naman yung yelo para ako magtuloy nung ginagawa ng nurse. Naging taga-alaga pa tuloy ako ngayon. Ayoko pa namang mag-alaga lalo na't hindi naman si Dana baby ang aalagaan.

"Ang sama talaga ng ugali ng babaeng yun!" Inis na sigaw ni Francine.

Hindi naman ako nagsalita at hinayaan lang siyang sumigaw-sigaw.

When the Light Fades Away (When The Series #1) | UNDER REVISION | ON HOLD Where stories live. Discover now