CHAPTER 4

165 3 0
                                    

POV:JEWEL

4:30 PM na ng hapon umuwi na ako kanina para nag palit ng dami ko at bumalik din ganon din ang iba mag lalakad ako papunta doon medyo malayo nga lang ng unti pero ok ba din yun para ma exercise ako, Bali ang bahay kasi nila ate Hydie ay katabi ng barangay at malapit sa Elementarya may highway pang tawiran bago maka punta doon.

Narito na ako sa malapit sa tawiran andun na daw sila Clarisse pero lumabas daw si Clarisse para sunduin niya ako sumang-ayon na lang ako dito.

    Ng maka tawid na ako ay nag lakad ako sa gilid ng kalsada madaming mga tricycle drivers na nakatingin sa akin uwian na pala ng mga estudyante dito sa elementary kaya marami na ring mga studyante na nag lalakad para umuwi natanaw ko pa sa park na madaming bata ang nag lalaro napahawak ako sa tiyan ko na di pa masyadong halata, sana ganyan ka din anak pag lumaki Kana makakapag laro at susunduin kita sa paaralan.

Ng matanaw ko na sa gate si Clarisse kumaway siya sa akin at ganon din ako may tindahan sa gilid nito bago pumasok may bahay na medyo luma na pero malaki bahay ata ito nila Ate Hydie noon.

"Sana sinabi mo edi sinundo ka namin don ang init kaya ng araw" Sabi nito sa akin tinapik ko lang ang balikat niyo at ngumiti.

"Ano kaba ayos lang exercise na din, kinakabahan ako" Sabi ko sa kanya.

"Bakit naman? Dahil kay sir Hendel ba?" Sabi nito sa
akin tumango lang ako bilang pag sang ayon sa kanya.

"Ano kaba wag mong intindihin si Sir maraming bisita panigurado di ka niya mapapansin" Sabi nito sa akin sabagay madaming pupunta ngayon dahil maraming silang kilala.

Nag lakad na kami papasok sa kanila ng medyo makalapit na kami rinig na rinig yung mga tao madami nga at may karaoke pa para sa mga bisita ang gaganda ng mga boses nila.

"Tara sa loob sa likuran tayo pumasok andon na sila" Sabi nito tumango ako sa kanya at pumasok kami sa likuran ng bahay nila Ate Hydie Ang laki ng bahay nila sabagay ilan silang naka tira dito family house kasi nila ito.

"Andaming bisita ni ma'am Hazel" Sabi ko sa kanya tumawa namam ito at simabing.

"Nako mas madami pa ata dadating mamaya kaya andaming hinanda nila" Sabi nito sa akin,  Hinila niya ako at ng maka pasok kami nakita ko yung mga katrabaho namin ngumiti ako sa kanila nakipag apir pa sila sa akin natawa naman ako naka upo sila sa upuan na mat lamesa sa harapan na madaming mga pag kain at Juice.

Wala si ate Hydie dahil busy kanina sa harapan dahil sa mga bisita na kararating napatingin ako sa orasan nagulat naman ako dahil malapit na paka mag 6 kaya naman pala medyo makulimlim na, Nag uusap lang sila nakikisama naman ako sa usapan nila habang kumakain kami ng pancit pero yung unang nilantakan ko yung Shanghai lang dahil nagustuhan ko ito.

Habang nag uusap kami Nabigla kami ng may pumasok kami kami lang kasi andito nagulat din ako ng makita ko sa Sir Hendel nag tama ang mga mata namin pero agad din nitong inalis ang tingin nito sa akin at tumingin sa mga kasamahan ko, Binati nila si Sir at ganon din ito at nag deretso nag lakad napansin ko na naka pang teacher pa ito at medyo messy ang buhok nitong may pag ka brown ng kaunti pero ang gwapo parin niya.

Ng Matapos na ako kumain pumunta ako poso sa medyo likuran ng bahay nila sa malapit sa puno ng mangga para mag hugas Habang nag bobomba ako ng biglang may humawak sa kamay ko nagulat naman ako ng makita na si Sir hendel ito.

"S-sir?" Nauutal ko na sabi sa kanya at kinuha ang kamay ko yumoko alo at pinaglaruan ang mga kamay ko.

"I Said stop calling me sir okay?" Sabi niya pa sa akin.

Unwanted Romance ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon