POV: JEWELLulan kami ng sasakyan sana pala di na lang ako sumama sobrang sama kasi talaga ng panahon , nandito ako sa pinaka dulo ng van sa unahan sila ate at asawa niya sa likuran naman nila si Hendel at si Ashley kaya ayon dito ako sa likuran gusto ko na lang maging potato!
Dahil sa sobrang inis ko ngayon samahan pa ng panahon di na lang ako umimik samantalang itong dalawang nasa harapan ko nag kwe kwentuhan tsk.
diko kaya ito ipakilalang ama ng anak ko?
Diko namalayan na nakarating na kami sa wakas! Nauna ng bumaba sila ate binuksan ni Hendel ang van aba Gentleman ah, mas lalong umarko ang mga kilay ko ng nilahad niya ang kamay niya para kay Ashley at ito naman ngumiti pa at bumaba na kayo na lang kaya mag pakasal? Inis na bumaba na rin ako nilagpasan ko lang si Hendel ng ilahad niya sa akin ang kamay niya iss baka may germs pa mukhang nakita iyon ni Ashley.
"Miss ganyan kaba talaga ka walang modo?" Sabi niya A-ano daw ? Walang modo ako?
"Walang modo?" Balik na tanong ko sa kanya.
"Ikaw na nga itong aalalayan ni Angelo ikaw pa itong may ganong mag sungit" Sabi pa niya napapikit na lang ako sa inis.
"Oh edi sorry naman diko napansin eh" Sabi ko na lang sa kanya para tumigil na.
"Ash Tama na yan let's go" Sabat ni Hendel, Napailing ako at pumasok na lang diko na sila pinansin pati rin si Hendel.
"Chin saglit lang" Biglang may humawak sa kamay ko tumingin ako sa kanya.
"Ano?" yun na lang nasabi ko, syempre papagalitan ako nito.
"Dimo dapat ginanon si Ash" Sabi niya, Napa buga na lang ako tinaas ko ang kamay ko.
"Okay okay pasensya na " Sabi ko sa kanya at umalis na, sana pala diko na lang yun ginawa dahil sa inis ko hayst.
Nag pa alam ako saglit kay ate na bibili lang sa kabilang shop sa bakery shop parang gusto ko ng cupcakes kaya ko naman gumawa kaso mas gusto ko yung design nila ang cute kasi, bumili ako ng tatlo kulay blue ang design ang ganda binitbit ko na ito sakto naman naka bili na sila agad na din nilang pinunta sa likuran ng van at agad na kaming umuwi.
Sa buong byahe diko na lang sila pinansin ng makarating naman kami agad akong pumasok sa kwarto kakainin ko na lang itong cupcakes, pumunta ako sa sahig di naman malamig kasi may carpet manonood na lang ako dito sa YouTube may download naman ako kaya yun na lang panonoorin ko.
Nakaramdam ako ng pag ka uhaw kaya bumaba muna ako walang masyadong tao rito dahil nasa labas sila nag a ayos na andun rin ang iba nilang kamag anak, Pumunta ako sa ref at kumuha ng maiinom di naman gaanong malamig kaya ininom ko na.
"Chin right? Narinig ko na papakasalan ka ni Angelo at sa tingin mo papayag ako? No! Akin lang si Angelo!" Sigaw na sabi niya na animo'y parang baliw ano na naman ba ito.
"Diko alam ang sinasabi mo" Sabi ko sa kanya sadyang ayaw ko lang ng away ngayon dahil medyo masama ang pakiramdam ko.
"Talaga lang ha sigurado kaba na kay Angelo yang pinag bu buntis mo?" Sabi pa niya teka pa ano niya nalaman na buntis ako at kami lang naman ang nakakaalam.
"Ano ba ang gusto mong iparating?" Sabi ko sa kanya, tinaasan niya ako ng kilay.
"Noong mga bata kami ni Angelo pinangakuan niya ako na papakasalan niya ako at alam ko na tutuparin niya iyon" Sabi pa niya at ngumiti ng nakaka insulto.
"Pero may sarili na siyang desisyon at hindi na rin siya bata pa" Mahinahon ang pag ka sabi ko pero kita ko ang inis sa kanyang mukha, Nakita ko ang isang basong may tubig sa kamay niya ganon na lang ang gulat ko ng bigla niya itong hinulog nag bigay iyong ng ingay sa buong paligid.
BINABASA MO ANG
Unwanted Romance ( COMPLETED )
RomanceIt is based on reality Jewel Chin and Hendel Angelo LANGUAGE: (TAGALOG - ENGLISH - ILOCANO) DON'T PLAGIARIZED MY WORKS, MAKE YOURS PO! Thank you po sa bc: @acesugraphicofficial