CHAPTER 7

158 4 0
                                    

POV:JEWEL

Habang nag i scroll ako sa Facebook at ini-stalk ko si Hendel yung mga post niya lang naman about sa family at sa mga events ng school madami rin siyang friends.


Ano kayang mukha ang mag i haharap ko mamaya sa pamilya niya tungkol sa post ni Hendel jusme na ka tag din sa akin kaya pala nakita ng mga ka trabaho ko at tinatanong ako kung sino yung lalaking nasa pictures samantalang mas madami ang nag comment na relatives at mga ka trabaho niya.

Habang nag i scroll ako biglang tumuwag si Hende sa video call sinagot ko ito sa tingin ko nasa office siya.

"Hi" Sabi niya at ngumiti ganon din ako sa kanya.

"Wala ka bang ginagawa?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman, nasa office lang ako at breaktime din ng mga bata" Sabi niya na patango naman ako ni flip niya pa yung camera para makita ko yung iba niyang kasamahan nakita ko ang apat na babae magaganda ang nga ito lalo yung isa parang dalaga pa lang.

"Ah ganon ba, Ano pala ang gusto mong ulam" Tanong ko sa kanya tumingin siya sa akin.

"Kahit ano basta ikaw mag luluto" Sabi niya napa kagat ako sa labi ko upang pigilan ang ngiti ko.

"Sige May ulam pa naman ata dito" Sabi ko sa kanya tumango siya.

"Nga pala did you see my post?" Tanong niya tumango ako dahil ini stalk ko siya bago siya tumawag sa akin.

"Ahm oo" Nahihiyang sabi ko sa kanya.

"Pasensya na sa mga kamaganak at mga ka trabaho ko andami nilang tanong  Sabi niya natawa pa siya at ganon din ako.

"Nako okay lang naman" Sabi ko habang natatawa.

"May gusto ka bang kainin at ibibili kita" Sabi niya napa isip naman ako parang nag crave ako ng mangga yung...

Tama yung nasa school na tinitingnan ko noong pumunta kani ni Clarisse.

"Ahmm gusto ko kasi ng mangga yung malapit sa office niyo di gaanong hinog" Sambit ko minsan na nga ito mag sabi dapat sulitin na no charr.

"Ah sige kuhanan kita mamaya" Sabi niya agad naman ako na excite bigla ata akong nag laway doon.

"Salamat" Sabi ko sa kanya at binigyan siya ng matamis na ngiti.

"No problem just call me if you need anything and i will buy it " Sabi niya tumango tango ako sa kanya.

I lang minuto pa kami nag usap bago in end ang call.

POV: HENDEL

Naka upo ako ngayon habang Naka tingin sa cellphone ko kakatapos ko lang tawagan si Jewel habang ka usap ko siya diko na mapigilang ngumiti she's really beautiful , Noong nalaman ko na nabuntis ko siya sa hospital at may nangyari sa amin sobra akong natuwa kung di lang talaga  ako torpe noon baka matagal ko ng niligawan si Jewel.

Noong nasa Hospital at ako nag hatid sa kanya kinuha ko yung Naiwan kung gamit sa office at nakita ko siyang nag lalakad kaya sinabay ko na siya, Sa totoo lang diko naman talaga binisita ang kaibigan ko noon sa Hospital gusto ko lang siyang ma kasama nag alala pa ako dahil sa Hospital ang punta niya kala ko may sakit na siya.

Kaya ako umalis noong nalaman ko na buntis siya halos di ako maka hinga mag ka halong excitement at kaba ang nararamdaman ko noong oras na yun, Alam ng mga kapatid ko na gustong gusto ko si Jewel noon pa di lang sila nag sasalita pinipilit pa nila akong ligawan si Jewel pero sadyang nahihiya ako sa kanya dahil sa ugali na meron ako dati.

Unwanted Romance ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon