- 1 -

38 3 1
                                    



- ADDYSON LOPEZ -


"Deserve ko 'to. Deserve natin 'to." sabi ni Hana, habang paakyat kami sa second floor ng McDo, dahil mas maganda ang view doon.

"We do." Sang-ayon ko, nakasunod ako sa kanya bitbit ang tray na may burger, BFF fries at coffee float—na muntik pang matapon dahil biglang huminto si Hana. Tumama ang tray sa likod niya, nabalanse ko naman agad. "Bakit—"

At the very center of the second floor, nandoon lang naman ang Engineering Hotties, kumakain sa pinagdikit-dikit nilang table. Iilan pa lang ang tao dito, halos lahat ay kapwa namin na mga students din, at lahat kami, sa kanila nakatingin. They were the campus heartthrobs, kahit saan sila magpunta, magkakasama man o hindi, palaging nasa kanila ang attention. Para silang celebrities kung ituring ng mga students, lalo na sa ibang school. Bukod sa ubod sila ng gwapo, matatalino, talented, sporty—lahat siguro nasa barkada na nila? Hindi na nga makatotohanan eh. May nage-exist pala talagang katulad nila sa totoong buhay?

Hana cleared her throat bago nagpatuloy. Umupo kami sa favorite spot namin sa sulok, katabi ng glass wall kung saan tanaw ang front gates ng East University, the campus we were currently attending. We also had a good view of the hotties from our spot—Hana's spot, kaya nakipagpalit siya ng pwesto. Ako ang nakaharap sa Hotties, siya sa campus.

"Balik na lang tayo?" I offered my friend, but she shook her head at tahimik na kumagat sa burger niya. Isa si Hana sa maraming nadurog ang puso, noong nag-post si Healer, one of the Engineering Hotties, and Hana's blockmate sa Civil Engineering, ng picture ng girlfriend niyang si Hetty, officially announcing it to the world the he was taken, and that he finally ended up with his childhood friend and crush.

Ilang araw ding umiyak ang kaibigan ko, she needed more time to recover and heal her heart. Pero paano niya naman gagawin 'yon kung araw-araw niyang nakikita si Healer?

"Bakit ba kasi pumunta pa tayo sa school festival ng Blackburn noon?" She clicked her tongue.

It was where it all started; the festival, where she first saw Healer. First year high school kami noong niyaya ako ni Hana na dumayo sa Blackburn Academy, a prestigious all boys school, and was then having a school festival. Ayon kasi sa mga classmates namin, marami raw gwapo doon. At bilang mga simpleng nilalang na gustong makasumpong ng mga gwapong estudyante, bumisita kami ni Hana sa nasabing school. She saw Healer and fell in love at first sight.

She glared at me, "Dapat pinigilan mo 'ko."

"What you need is time machine to warn your fifteen-year old self, Hana." Humigop ako ng float, and stared past my friend. Ilang metro ang layo sa'min ng Hotties, pero ang gwapo pa rin talaga nila. Nag-focus ako kay Healer, na siyang dahilan kung bakit nawala ang sigla sa mata ng kaibigan ko. He was laughing at his friend's joke, nakalabas ang dalawang malalim na dimples sa magkabilang pisngi. Wow, ano kayang pakiramdam nang pinagpala ni Lord? Alam niya kaya kung gaano karami ang nadurog niyang puso dahil sa magagandang ngiti niya? He had strong features, pero kapag ngumiti siya nagmumukha siyang anghel. While his friend—whom I assumed who made the joke, had very soft almost feminine features. I could imagine him wearing a crown, a royalty in an alternative universe. Mukha siyang prinsipe. What was his name again?

The friend met my eyes, and my heart might have skipped a bit. Ngumiti pa siya, which was probably the cutest thing I had ever seen. It reminded me of a puppy somehow.

I was too surprised, too shy to smile back kaya nag-iwas na lang ako ng tingin. 

Hana crossed her arms, "You mean to say, wala na kong pag-asa?"

"You could focus your attention on building a time machine, kesa magmukmok ka sa taong hindi ka mahal."

Nagpaikot lang siya ng mata sa sinabi ko, at humigop din ng float. "Hindi kita ilalakad kay kuya."

"Nakapag-move on na ako sa kuya mo, sana ikaw rin." A lie. I hadn't fully moved on, may teeny-tiny crush pa rin ako kay Kuya Sana, lalo na kapag nakikita ko siya, hindi pa rin mapigilang magwala ng puso ko.

"Hindi ako naniniwala."

"Swear."

"I know you, Addyson."

"May girlfriend na siya, alangan namang umasa pa rin ako? Wala namang patutunguhan ang feelings ko. I just want Kuya Sana to be happy."

Namuong bigla ang luha sa mga mata ng kaibigan ko, parang gusto kong bawiin ang mga sinabi ko. Hana looked up, to keep the tears at bay. "Paano ko ba gagawin 'yan?"

"It was a little easy for me, dahil madalang ko naman makita si Kuya Sana. Palagi lang akong naka-stalk sa IG niya. As for you, since you guys are blockmates... mag-shift ka, o lumipat ng school."

Hana chuckled, "Gaga ka."

Napangiti na rin ako. At least she was smiling again, ilang araw nang nagmumukmok 'to eh.

"He has other friends, ayaw mo ba sa kanila?" It was not a good advice, pero mas madali naman talagang mag-move on, kapag may iba na 'di ba?

"Si Healer lang ang gusto ko." She whispered, still hoping, still longing.

The same words from my friend and blockmate, Eunice, na may malalim ding pagmamahal sa isa sa Engineering Hotties, na nauna pang magka-girlfriend kay Healer. Si Ace ang gusto ko, eh. Blockmate naman namin si Ace sa Chemical Engineering.

Sharing the same sentiments, Hana invited Eunice once sa condo, nag-inuman lang naman sila at nag-iyakan magdamag. I was glad Hana extended the invitation to my other blockmate friends, kaya may kasama akong nagpatahan, nagpakalma, at nagpatulog sa kanila.

"Sadly, hindi tayo ang gusto nila." It was the truth that we needed to accept. Hindi naman ako umiyak kay Kuya Sana, but my heart was still heavy kapag naiisip ko siya, kapag nakikita ang stories niya kasama ang nagpapasaya sa kanya.

Kung magkakagusto man ulit ako, sisiguraduhin ko, na sa magugustuhan din ako. I had enough of one-sided love. Hindi maganda sa puso eh.

I look at the Hotties again, pero hindi na nakatingin sa'kin ang mukhang prinsipe. Imagination ko lang siguro ang pagngiti niya sa'kin kanina. 


Her PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon