When Love and Justice Meet

1.1K 11 4
                                    

PROLOGUE:

Girl’s Pov:

Sabi nila wala daw kahit anong makakapigil sa tadhana ng dalawang taong nagmamahalan. Kahit ano pang aberya ang dumating. Kahit sino pang umextra. Pagsakluban man kayo ng langit at lupa. Hinding-hindi kahit na ninuman mapipigil ang tadhana ng nagmamahalan. Sa hinaba-haba nga daw ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy. Pero.. Pa’no kung ok na ang lahat? Nagmahal ka, minahal ka. Nakamtan mo ang inaasam mo na ng matagal, ang hilinging yayain ka nyang magpakasal. Pero pa’no kung sa isang iglap maglalaho yun lahat. Lahat ng pangarap mo. Lahat ng plano mo. Lahat ng iningatan mo at pinaghirapan mo. Maniniwala ka pa ba na walang makakapigil sa tadhana ng dalawang taong nagmamahalan?

Guy’s Pov:

Mahirap magmahal. Maraming beses na masasaktan ka. Darating sa oras na pakiramdam mo gusto mo ng sumuko. Darating sa oras na gusto mo ng mamatay sa sakit. Yung tipong tama na, suko nalang para matapos na at magsimula nalang ulit ng panibagong buhay. Minsan nakakainis na. Minahal mo, minahal ka naman kaya lang pag masyadong maraming humahadlang nakakabwisit na. Eto na nga o, buong buhay mo binibigay mo na hindi parin makuntento. Ano pa bang kailangan ng tadhana para mapatunayan mo na para sa’yo talaga ang isang tao? Pero dahil mahal mo nga sige pa din. Laban kung laban. Susuko? Ako? Wala sa bukabularyo ko yan. Kaya tadhana, kahit ikaw pa mismo ang kumontra wala kang magagawa.

When Love and Justice MeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon