CHAPTER 9:
NAMI'S POV:
Kakagising ko lang. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.
"Gagong Blake yun! Hindi daw ako maganda! Mirror, mirror on the wall, tell me I'm pretty or else I'll smash you!"
Kausap ko ang sarili ko. Ganto lang ako pag mag-isa ko. Pinaglololoko ko sarili ko. Haha!
Hinanda na ng kasambahay namin ang pagkain ko for breakfast. Bumaba na din si papa habang kumakain ako.
"Good morning honey!" masigla nyang sabi.
"Good morning pa! Kain." Niyaya ko sya kumain.
Umupo na din si papa para kumain.
"Kumusta ang pagreresearch mo?" bigla syang nagseryoso. Pabulong nyang sinasabi para di marinig ng kasambahay namin.
"Meron na kong limang kumpanya na suspect Pa! Sa Monday sisimulan ko ng maghanap."
"Sigurado ka na ba sa gagawin mong to anak?"
"Hindi naman ako nag-iisa Pa. May mga kasama akong tutulong sakin. Wag ka mag-alala sakin. Kaya ko ang sarili ko. Para san pa ang natutunan ko ng nasa Japan ako kung hindi ko lang din magagamit."
"Gusto mo bang samahan kita?"
"Wag na papa. Matanda ka na baka atakihin ka pa ng rayuma don mabulilyaso pa lakad ko."
"Ano? Sinong matanda?"
Natawa ako bigla. Napapagod na ko sa kaseryosohan sa paligid. Magandang paminsan-minsan aasarin ko si papa tulad ng lagi kong ginagawa dati sa kanila ni mama. Natawa nalang din sya.
"Sige anak! Basta mag-iingat ka ha? Ayokong pati ikaw mawala saakin."
"Hindi nawala ang mama. Ibabalik ko sya."
Pagkasabi non ay tumayo na ko. Humalik na ko kay papa at umalis na din.
*SA SCHOOL*
Nagkukumpulan ang mga istudyante. Anong meron?
Maya-maya pa ay nakita ako ni Pamee. Lumapit sya sakin.
"Di ka ba makikiisyoso?" tanong neto.
"Hindi." Yun lang sinagot ko at umupo ako sa malapit na bench. Kumuha ako ng libro at nagbasa ako.
"You know I like you." Sabi nya.
"A lesbian? You know you're cute but I'm not interested!" Tomboy pa ata tong isang to.
"Hahaha! I mean.. I like you as my friend idiot!" aba! Naidiot pa. Bwisit to ah.
"And I'm also not interested to be your friend!" aalis na sana ko ng biglang nagkagulo ang mga nagkukumpulan na mga istudyante.
Medyo nasilip ko kung anong pinagkakaguluhan nila. Lalaki lang pala. Ano ba? Lalaki nalang ba problema ng mga to sa mundo? Buti pa sila. Ako ang dami kong problema.
Napatingin sa direksyon ko ang lalaking pinagkakaguluhan nila. At palapit sya sakin. Iiwas na sana ko kaya lang hinila ako ni Pamee pabalik. Bakit ba ang hilig manghila ng babaeng to? Aaiisshhh!
"Hi girls!" nakangiting sabi ng lalaki
"Hello Blake." Si Pamee. Parang kinikilig pa ata kinukurot-kurot ako sa tagiliran.
Tumingin sakin ang kuya ni Ted.
"Hi." Bati nya sakin.
Di ako ngumiti. Wala ako emosyon kahit pogi ka pa. Paninindigan ko na to.
BINABASA MO ANG
When Love and Justice Meet
Romance"I lived a life that other girls could only dream about. It was perfect. But everything turned around in an instant. I lost everything I loved and cherished. How far will I go to get them back?" -Nami Raeka Evans WARNING: This story contains explici...