CHAPTER 5

174 8 2
                                        

VOTE nyo ko and BE A FAN! Click nyo lang yung nasa gilid kung di nyo alam kung pa'no magvote and maging fan. Haha! Kasi ako nung una hirap na hirap akong makita yan. Nyahaha! >>>>>>

COMMENT din. Usap tayo kung gusto nyo. Gawin nating chatterbox to. Haha! XD

SUGGEST din kayo kung ano gusto nyong mangyari sa story na to. Kung magugustuhan ko. Why not diba? Gawan natin ng paraan. :)

I LOVE YOU GUYS!!! Pakiss nga dali!!! Hehe. :)

READ. READ. READ. :)

THANK YOU SO MUCH! :*

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 5:

"Wake up. Wake up honey."

Pagmulat ko ng mata nakita ko ang mukha ni papa.

"Oh thank God you're awake!" nasambit nya.

Nasa tabi nya ang isang lalaking nakaputing mahaba na nakangiti sakin.

"Where is this place?" tanong ko. Nahihilo pa din ako.

"You're in the hospital iha. Nawalan ka ng malay. Buti nalang may rescue team agad na dumating at nakita nila ang parachute mong lumulutang sa dagat." Sabi ni papa.

Tinignan ko ang sarili ko. Nakadextrose ako at ang dami kong sugat.

"What happened to me? Bakit ako may mga sugat?"

"Nakuha mo yan nung sumabog ang eroplano. Muntik ka ng abutin ng pagsabog." Sabi ni papa.

I am so scared. Hindi para sa sarili ko. Kundi para sa mga taong nakapaligid sakin. Madadamay sila. Baka patayin din sila tulad ng walang awang pagpatay sa mga kasama ko sa eroplano. I remember the feeling. I don't want to live like this anymore. I don't want this kind of life!

Pagkatapos non ay nakatulog na ko ulit at sumunod na ang hindi ko maipaliwanag na pangyayari sa buhay ko.

Lumipas ang ilang araw. Nagpagaling ako ng mga sugat ko. Andito na ko sa dati naming bahay. Sabi ni papa ok lang naman daw na nandito pa din ako tumira dahil kahit magtago ako basta sakop ng Pilipinas matutunton at matutunton pa din ako ng mga kalaban. Kaya eto. Dito nalang ako sa bahay. At isa pa wala naman na din akong nararamdaman na takot para sa sarili ko. Sa katakot-takot na pagpapahirap na dinanas ko sa Japan, makaramdam pa ba ko ng takot neto?

Dumaan ang ilang araw na walang problema. Pinagdadasal ko na ok na lahat. Pero may nararamdaman ako sa sarili ko. Parang may kakaiba. May mga bagay na bigla ko nalang naiisip kahit hindi ko naman alam kung ano ibig sabihin.

Napatingin ako sa singsing na nasa kamay ko. Napakunot ako ng noo.

"Kelan ko nga ba to binili?"

*tok.tok.tok*

Naputol ang pag-iisip ko ng may biglang kumatok.

"Come in!"

"Musta pakiramdam mo?" si papa.

"I think I'm fine." Ngumiti ako sa kanya para di na sya mag-alala.

"Ok. I'll go ahead. Bibisitahin ko ang kumpanya. Sure ka ok ka na dito?"

"Ofcourse pa! Don't worry about me. I'm a big girl now saka I can protect myself already remember? So don't worry ok?"

"Ok. I'll go now. I love you sweety."

"I love you too Pa." Sabay kiss ko sa kanya sa cheek.

Aalis na sana sya pero naisipan kong ipahabol na.

"Pa?"

"Yeah?"

"Thanks for this ring. I love it." Nakangiti kong sabi sa kanya.

MR. EVAN'S POV:

"Thanks for this ring. I love it." Nakangiti nyang sabi.

Napakunot ang noo ko. Napatingin ako sa singsing na tinutukoy nya.

"You mean, that ring?" paniniguradong tanong ko.

"Yes Pa! Ikaw nagbigay neto diba?" nagtataka nyang tanong.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi nya ba maalala?

"No. I'm not the one who gave that." Sabi ko.

"Oh. I thought it's you. So who's so nice giving me a ring with diamond in it? I just can't remember. Do you know who?" nakatingin sya sakin. Nakakunot ang noo nya. Parang pilit nyang inaalala.

Sasabihin ko ba? Naisip ko parang ok na din to na di nya naaalala. Atleast ligtas ang fiance nya. Pag natapos na lahat ng gulong to. Saka ko sasabihin ang lahat sa kanya.

"Uhhhmm. I think your mom gave it to you." Sabi ko. "Ah yeah! Really! She gave it to you on your last birthday. You like it?" pagsisinungaling ko.

Ngumiti naman sya at tumango. Saka nya hinalikan yung ring. Sabay bulong ng, "thank you ma."

Napalunok ako. Nakonsensya ako bigla. Pero hindi. Hindi dapat. Kelangan ko tong gawin para di mapahamak ang fiance nya at sa huli pag ok na ang lahat maging masaya pa din ang anak ko.

"Ok. Can I go now?"

"Sure pa!" nakangiti sya.

At umalis na ko.

Anong nangyari sa anak ko? Ano pang ibang bagay ang hindi nya natatandaan? I should ask her doctor.

Dumeretcho na ko sa hospital at kinausap ang doctor nya tungkol sa kakaibang bagay na nangyayari kay Nami.

"Your daughter is traumatized. Ang pagkalimot nya sa maraming bagay ay sanhi siguro ng pagkatrauma nya kaya pinilit kalimutan ng utak nya ang ilang bagay at nakasama dun sa nakalimutan nya ang finace nya." Pagpapaliwanag ni Dr. Balestra. Sya ang personal doctor ng pamilya namin. Alam nya ang lahat ng pangyayari sa buhay ng pamilya namin at pinagkakatiwalaan namin sya.

"Pero bakit yung fiance nya? Bakit sa dinamidami ng problema na kinakaharap nya bakit yung fiance nya ang nakalimutan nya."

"Hindi natin malalaman. Maaring sa sobrang pagmamahal nya sa fiance nya at ayaw na nyang maranasan pa ng finace nya ang lahat ng kinakaharap nyang pangyayari sa buhay. Marahil ay pinilit ng utak nyang kalimutan eto."

"Is that normal? Hindi ba yun makakasama sa kanya? Is it permanent?"

"No. Unti unti ay matatandaan nya din ang lahat. It takes time, yes! Pero sa mga case na nahawakan ko like what happen to your daughter, they recovered. Ngayon lang yan. Just call me ok if you see any improvement. Dalhin mo na din sya dito para matignan natin."

"Ok. Thanks Doc." At nagpaalam na ko pagkatapos.

Ok Nami! Don't worry I'll tell you everything when the right time comes.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

HAhaha! Dito nalang ulit muna.

Naku pa'no yan mukhang nagkaamnesia pa ata ang ating bidang si Nami. Pano na ang kasal nya? Pa'no na sila magkikita ulit ng ating leading man na hindi pa natin nakikilala?

Waaaa! Magkita pa kaya ulit sila? O makahanap na sya ng panibagong lovelife?

Hehehe. Abangan sa susunod na kabanata. :)

VOTE if you're hot.

COMMENT if you're cool.

BE A FAN if you're the best!

Thank you. :)

When Love and Justice MeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon