CHAPTER 2

276 11 2
                                    

Excited ako mag-update! Haha!

I dedicate this Chapter 2 to POINKISH who's very kind to give me my very first vote. Yayyyy! Thank you! :D

View her profile. She's so pretty. :)

VOTE nyo ko and BE A FAN! Click nyo lang yung nasa gilid kung di nyo alam kung pa'no magvote and maging fan. Haha! Kasi ako nung una hirap na hirap akong makita yan. Nyahaha! >>>>>>

COMMENT din. Usap tayo kung gusto nyo. Gawin nating chatterbox to. Haha! XD

SUGGEST din kayo kung ano gusto nyong mangyari sa story na to. Kung magugustuhan ko. Why not diba? Gawan natin ng paraan. :)

I LOVE YOU GUYS!!! Pakiss nga dali!!! Hehe. :)

READ. READ. READ. :)

THANK YOU SO MUCH! :*

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 2:

NAMI'S POV:

"Ahhhhhh!" Napasigaw ako. Hindi ko na kinaya ang takot na nararamdaman ko.

"Nami? Nami baby?" sabi ng taong sumipa sa pinto ng kwarto ko.

"Papa?"

Ang papa ko nga. Buti nalang andito sya. Buti may kasama na ko.

Tumakbo ako sa kanya at yumakap ng mahigpit. Nanginginig pa din ako.

"Papa.. Papa.." habang umiiyak kong sabi.

"Ssshhhh.. Be strong baby. Your father's here."

Maya-maya ay may nagsidatingan na din na iba pang bodyguards ni papa.

"Nakita nyo ba?" tanong ni papa.

"Hindi po sir. Pasensya na po."

Napahigpit ang hawak sakin ni papa. Hindi sya nagsalita pero ramdam ko ang hinanakit na nararamdaman nya.

MR. EVAN'S POV:

"Nakita nyo ba?" tanong ko.

"Hindi po sir. Pasensya na po." sagot ng isa sa mga bodyguards ko.

"Mga wala kayong silbi. Hanapin nyo!!!!" galit na galit na sigaw ko.

Hindi pwede . Hindi pwedeng mangyari to. Ako nalang. Wag na nilang idamay pa ang pamilya ko. Caelyn.. Hindi ako titigil hanggat hindi kita nakikita.

"Ikaw.. Halika dito." Pinalapit ko ang isa sa mga bodyguards ko. "Dalhin mo si Nami sa lugar na to." May inabot ako sa kanyang passport at mapa.

"Ano yan papa?" tanong ng anak kong si Nami. Hindi nya naiintindihan ang mga nangyayari.

"Nami kelangan mong umalis ng bansa, ngayon na dahil kung hindi baka may masamang mangyari sayo. Saka ko na ipapaliwanag. Magkita nalang tayo. Susunod ako anak."

"Teka! Hindi pwede pa! Ikakasal na ko alam mo yan! Ano bang nangyayari?!"

"Trust me anak. Please. Para sa kabutihan mo din to."

When Love and Justice MeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon