CHAPTER 10:
NAMI'S POV:
Alam ko.. Hindi ako maaaring magkamali. Boses ni mommy yun.
Dali-dali kong tinignan sa internet ang Estrellas Subdivision. Medyo malayo ang lugar pero walang malayo sa taong gustong makita ang taong mahal nya.
Dali-dali kong kinuha ang susi ng motor ko. Pinaharurot ko yun ng andar.
Mga 45 minutes din akong bumyahe. Bago lang ang subdivision. Wala pang ganong nakatayong bahay. Iniwan ko ang motor ko sa labas ng subdivision. May bantay na guard tiyak hindi ako basta-basta papapasukin nito.
Pumuslit ako sa pagpasok. Itinaon ko na may kausap na ibang tao ang guard. At sa awa ng Diyos hindi nya naman ako nakita.
Naglalakad ako. Hinahanap ko ang bahay na sinasabi ni mama.
*Hanap
*Hanap
*Hanap
Nagtatanong din ako sa mga iilang tao na nakakasalubong ko sa daan.
"Excuse me po kuya. Tanong ko lang po kung meron po ba ditong puting bahay? As in kulay puti po." -pagod na pagod na ko sa kakahanap pero hindi ko parin talaga makita ang bahay na puti.
"Ayan o asa harap mo na." sabay turo ng lalaking napagtanungan ko.
Ay ang tanga ko. Andito na pala sa harap ko.
"O sige po salamat po." sabi ko sa lalaki.
Pinagmasdan ko muna ang bahay.
Humanap ako kung san ako pwedeng makapasok. Pero wala talaga. Sobrang taas ng bakod. Bago pa ko makaakyat makikita na ko agad ng kapitbahay.
Biglang nagbukas ang gate. May sasakyan na paalis. Tamang tama makakapasok din ako sa loob.
Pumuslit ako pagpasok. Walang bantay na gwardya. Buti nalang. Umikot ako sa likod ng bahay. Bukas ang pinto. May gwardya pero ang himbing ng tulog.
Pumasok ako sa loob ng bahay. Lumakad ako dahan-dahan. Ang laki ng bahay na to. San ko naman hahanapin si mama? Lumakad pa ko. Andito ako banda sa may kusina ng biglang..
Bumukas ang ilaw. Shet!
CAELYN'S POV:
Hi. I'm Nami's mother. Matagal na kong pinaghahanap pero walang makatagpo sa'kin. Malaki kasi ang kumpanyang kumidnap sa'kin. Magaling silang magtago. Palipat-lipat kami ng lugar. Lagi akong bantay sarado dito sa bahay na to. Kaya kanina nung nakahanap ako ng pagkakataon, tumawag ako sa bahay namin.
Hindi naman nila ako sinasaktan dito pero ginawa nila akong katulong. Bawal akong lumabas ng bahay. Wala din akong day off. Syempre hostage nga ako eh. Walang nakakaalam na hostage ako sa bahay na to pwera lang sa mga tauhan at ang presidente ng kumpanya. Nung isang beses merong isang katulong na nakaalam ng kalagayan ko. Nung malaman nila, walang awa nila tong pinatay. Simula non hindi na sila naglagay ng makakasama ko dito sa bahay. Kaya hindi ko pwede sabihin kahit na kanino ang kalagayan ko. Mga halang ang kaluluwa ng mga tao dito.
Namimiss ko na ang mag-ama ko. Sino kaya ang nakasagot ng phone kanina. Inangat lang kasi ang phone hindi man lang naghello. Pero sana si Ace yun. Puntahan na sana nya ko para iligtas.
Naghintay ako. Ang tagal. Siguro hindi nila alam kung pano gagawin nila.
Nag-intay lang ako.
*Intay.
*Intay.
*Click*
May nagbukas ng pinto sa kusina. Titignan ko baka si Ace na to. Wala namang tao ngayon dito sa bahay. Yung gwardya lang sa labas na antukin at apat na bodyguards.
BINABASA MO ANG
When Love and Justice Meet
Romantik"I lived a life that other girls could only dream about. It was perfect. But everything turned around in an instant. I lost everything I loved and cherished. How far will I go to get them back?" -Nami Raeka Evans WARNING: This story contains explici...